Away
Katatapos lang ng Anatomy class namin , kaya busy kami ngayon dahil first reporting namin.
Buti na lang at gumawa si Hambog ng PowerPoint, kung hindi baka masapak ko na to.
Kami ang pinakauna na magrereport kaya ngayon ay nagseset-up na ako ng projector. Syempre ano na naman ba aasahan ko sa hambog na yun, malamang wala. Perteng naka-upo lang siya sa upuan ni Ms. Pilapil.
"Okay , Mr. Valdez at Ms. Madrigal , you may now proceed." sabi ni Ms. Pilapil matapos kong iset-up ang lahat.
"Huy , Mr. Valdez ako na magbabasa ikaw na magpaliwanag." may awtoridad na bulong ni Ryumi.
"Wtf? Ano na naman trip mo?" galit na bulong mo sa kaniya. Talaga bang wala tong magandang ambag sa buhay?
"Just do it MR. VALDEZ , kung gusto mong pumasa. Okay?" talagang sinasagad nito ang pasinsya ko.
Sinimulan niyang basahin ang mga nakalagay sa PowerPoint at ako naman ay pinaliwanag ang lahat ng binabasa niya.
Nang matapos ang report namin at nagproceed ang mga kaklase namin sa pagtatanong. Ako ang sumagot lahat. Kung sasagot naman siya yes at no lang. Napakagaling , bigyan ng jacket amputek na to.
"Anlaki ng ambag mo , MS. MADRIGAL." sabi ko matapos naming bumalik sa upuan.
"WHATEVER, MR. VALDEZ. Naging maayos naman ang presentation natin kaya wag ka ng dada ng dada jan." walang gana niyang sagot habang sinusuot ang earphone sa tainga niya.
Naging successful ang presentation ng lahat. Sola Merds at Anthony ang last. Maganda ang naging partnership nila , paano parehas silang nagpapaliwanag at sumasagot sa mga tanong. Sila tuloy ang pinakahighest na score.
Tangina, sa susunod di na talaga ako makikipagpares dito , swear to God.
Mabuti na lang at nag-rate din si Ms. Pilapil ng individual at ako ang pinakahighest. May maganda din naman palang dulot ang pagsagot at pagpapaliwanag ko mag-isa.
-
Lunch break ng makatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Trina , isa sa may ari ng mga boarding house na pinuntahan ko.Nag-excuse ako sa tatlo bago sinagot ang tawag.
"Hi , this is Ms. Trina from the Day Inn. May bakante na po kami umalis kasi ang nagboboard dito dahil pumunta sa ibang bansa." panimula niya.
"Magkano naman po ang bayaran?" sagot ko sa kabilang linya.
"10,000 po monthly. Kailangan din po natin ng down payment na 8,000." sagot ni Ms. Trina.
Wtf? 10k? Saan ako kukuha ng perang ibabayad don? Wala na akong trabaho.
"Masyado naman atang mahal. Wala na bang mas mura?" marahan kong tanong.
"Sorry po Sir , yan lang po ang bakante. Kompleto na po kasi iyon at air conditioning din po iyon kaya mahal. So ano sir, kukunin nito po ba?" paliwanag ni Ms. Trina.
"Tatawag na lang po ako mamaya." dismayadong sagot ko.
"Okay po sir." sagot niya bago ko patayin ang telepono.
Tapos ng kumain ang tatlo ng makabalik ako. Takab talaga ang mga puta.
"Sino iyon kuya?" tanong ni Akumi ng makaupo ako.
"Si Ms. Trina , may ari ng Day Inn sa Dos. Ininform nya lang ako na may bakante ng boarding house."
sagot ko pagkatapos ay sumubo ng fries."Magkano daw , Jiyo?" sabat naman ni Merds.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...