XIV

2 0 0
                                    

Yes or No?

Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa din ang sinabi ni Manager Kang sa akin kanina.

"Hello Manager Kang." magalang kong sabi pagkatapos kong sagutin ang tawag.

"Hello , Jiyo." mahinahong sagot din ng tao sa kabilang linya.

"Napatawag kayo Sir? May problema ba?" tanong ko. Ano kayang sadya nito?

"Nakahanap na ba kayo ng malilipatan?" bakit kaya niya tinatanong. Trip niya bang bisitahin ako? Tapos aamin siya na may gusto siya sa akin. Wow , imagination mo ang limit. "Hello , Jiyo? Are you still there?" nabalik ako sa katinuan. Wtf , kung anu-ano naiisip ko.

"Ah , kanina po ay tumawag sa akin ang isa sa mga pinuntahan ko nakaraan Sir. May bakante na daw kaso medyo mahal. 10k ang monthly at 8k ang down payment." para akong bata na nagsusumbong sa mama.

"Ah, yun nga. Kaya ako napatawag dahil may i-ooffer sana ako." ramdam ang saya sa boses ni Sir. Naku , ito na talaga. Tama ata ang iniisip ko. Ipapatira ba kami sa bahay nila kapalit ng pagiging jowa niya? No way.

"A-ah a-anong i-ooffer sir?" isinantabi ko lahat ng iniisip ko.

"Si Yuki kasi, naghahanap ng magiging housekeeper sa bahay nila sa Dos. Wala na kasing nakatira. Kaya kailangan niya ng maglilinis at mag-aalaga don. Libre na lahat. Pagkain na lang ang poproblemahin niyo. Sinabi niya kasi kanina at naalala kong naghahanap ka ng bagong tirahan, so ikaw ang nirecommend ko sa kaniya." bakit parang tuwang-tuwa ata ito si Sir? Baka talagang tama ang iniisip ko.

Ay, Jiyo umayos ka.

"Pag-iisipan ko po Sir." iyon na lang ang sinagot ko at pinatay agad ang tawag.

Naisip ko kasi na baka kapag tinanggap ko ang offer nila e magkaroon ako ng utang na loob. At pagdating ng panahon e makontrol nila ang buhay ko dahil sa utang na loob na iyon. Pero maganda din naman ang offer ni Sir.

Ang Day Inn ay nasa Uno , which is malayo sa SEAU dahil nasa dos ito. Kung di ako nagkakamali e halos 30 minutes ang byahe. Kung sa offer naman ni Sir ay nasa Dos lamang ito at malapit sa SEAU isa pa libre na lahat.

Hays , bukas ko na iisipin ito. Dahil kailangan ko na matulog dahil may pasok pa bukas.

-
"Magandang offer iyon Kuya. Let's be practical. Kailangan nating magtipid dahil wala ka ng trabaho. And besides, isipin mo na lang ang layo ng Day Inn SA SEAU. Grab the opportunity, bro." sagot ni Akumi.

Nandito na kami sa loob ng jeep at pinag-uusapan na ang tungkol sa ini-offer ni Manager Kang.

"Well, kung sa bagay may point ka. Pero ayaw ko magkaroon ng utang na loob, A." mahirap kaya talagang magkaroon ng utang na loob ,dahil magkakaroon ka ng obligasyon sa kanila.

"Hay naku kuya , basta ako game na don." walang ganang sagot ni Akumi.

Kakausapin ko na lang mamaya si Manager Kang.
-
As usual 30 minutes earlier na naman ako. Nandoon na si Merds at si Anthony naman ay nakaharang lang sa mukha niya. Paano ba naman masama na naman ang tinginan ni Merds at Beatrice.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now