XIX

5 0 0
                                    

Gitara

Naging maayos naman ang araw na to. Hindi na nagpakita ulit yung lalaking nanggulo kahapon. Naging maganda ang takbo ng discussion buong maghapon.

Ang pagiging maingay ni Merds ang naging dahilan kong bakit hindi naging boring ang vacant time namin. Wala na naman kaming klase ngayong last subject sa hapon.

Ano bang ganap sa school na to at palaging nagmemeeting. Opisina ata to at hindi school.

Naging mas maingay ang room ng ilabis ni Margaret ang kaniyang gitara at nagsimulang tumugtog.

Nakakamiss tuloy tumugtog. Naalala ko pa nang turuan ako ni Mang Pedring. Halos mapudpod ang kuko ko dahil halos araw-araw akong nagpapaturo. Naging aliwan din namin itong magkapatid dahil magaling kumanta si A. Magaling din naman ako kumanta. Sumasali kasi kami dati sa mga amateur.

Nagsimula siyang kumanta. Titibo-tibo ang kinanta niya.

Elementary pa lang
Napapansin na nila
Mga gawi kong parang
Hindi pambabae, eh kasi
Imbes na Chinese garter
Laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa amin

Maganda ang boses ni Margaret. Hindi nakakapagtaka na madami ding humahanga sa kaniya. Maganda na talented pa.

Nung ako'y mag high-school ay
Napabarkada sa mga bi
Curious na babae na
Ang hanap din ay babae
Sa halip na make-up kit
Bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay
Long sleeves na t-shirt
At faded na lonta

Pero noong nakilala kita
Nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond
At mag-ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na
Sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala
Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala?

Pagkadating sa chorus ay nakisabay ang iba ko pang kaklase. Si Merds naman ah nagsimulang sumayaw. Aba , may tinatago din palang talento to maliban sa pagiging maingay , iskandalosa at madaldal. Napatakip na lang sa mukha si Anthony habang hinihila paupo si Merds.

Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap

Nung tayo'y nag-college ay
Saka ko lamang binigay
Ang matamis na oong
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate
At tipikal na mga diskarte
Nabihag mo 'ko sa mga tula
At sa mga kanta mong pabebe

Kaya nga noong makilala kita
Alam mo na agad na mayro'ng himala
Natuto akong magtakong
At napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero 'di mo naman inasam na ako
Ay magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
Ng iyong pagmamahal

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now