XXXII

23 0 0
                                    

Yuki PoV

Narito ako ngayon sa parke kung saan kami magkikita ni Akumi. Gusto ko siyang makausap. Hindi ko alam kong ano ba ang pinag-usapan nila ni Master ng maabutan ko silang nag-uusap ilang araw lang ang nakakalipas. May kutob ako na hindi maganda. Sana lamang ay hindi iyon sinabi ni Master kung hindi ay maaaring masira ang plano. Isa pang dumagdag sa iisipin ko ang nangyari kagabi dahil kilala ko ang lalaking iyon. Sumasakit lalo ang ulo ko.

Pinilit kong iikot ang aking paningin sa parkeng kinaroroonan ko. Dito sa parkeng ito dito kami madalas maglaro dati nila Jiyo. Dito kami madalas dalhin ng mga magulang namin kapag may bakante silang oras. Sa parkeng ito dito kami nagsumpaang walang iwanan. Dito sa lugar na to, dito namin nalaman na kapag dumating ang tamang panahon ay kami ang ikakasal dahil iyon ang napagkasunduan ng mga magulang namin. Sa mga oras na yun labis ang tuwa na naramdaman ko alam kong ganun din siya. Bata pa man kami ay hindi maitatanggi na mahal namin ang isa't isa. Kailan kaya mababalik ang dati naming masasayang alaala , ngayong alam kong masaya na siya sa iba.

Bumalik ang ulirat ko ng may magsalita. Hindi ko namalayang nandito na pala siya.

"Ate. Bakit ka umiiyak?" pagtanong niya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

"Wala, may naalala lang ako." agad kung pinunusan ang mga luha ko. Ayaw kong makita nila akong mahina.

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalo na ngayong pweding alam na niya ang lihim na matagal ko ng tinatago. Hindi ko alam kung paano ko siya i-aaproach. Sa pagkakataong ito ay nanghina ako.

"Totoo ba?" pagtanong niya. "Totoo bang ikaw si Yuki?" agad akong nanigas sa tanong niya. Alam ko namang mangyayari ito pero hindi sa ganito kadaling panahon.

"I-i can e-explain." hindi ko alam kung saan napunta ang lahat ng tapang na inipon ko simula pa dati. Parang umaatras ang dila ko.

"Kaya ba ngayon ay tinutulungan mo kami? Lahat ba ito plinano mo? Ate naman. Nagtiwala ako sayo. Kung hindi pa sinabi ng matandang balbasin na iyon na ikaw si Yuki , hahayaan mo bang magpakatanga kami." Alam kong nasasaktan siya. Paano pa kaya kapag nalaman na din ni Jiyo.

"Hindi , hindi sa ganun. Alam kong mahirap ipaliwanag , mahirap intindihin pero sa maniwala ka man o sa hindi. Hindi ko to ginagawa para lang itago ang lahat." kailangan kong maging malakas. Yumuko ako para punasan ang luhang gusto na namang tumulo. "Alam kong simula pa ng mawala sila tita at tito ay ako ang iniisip ninyong pumatay sa kaniya. Pero paano ko magagawa iyon kung limang taon pa lamang ako , paano ko magagawa iyon kung nagluluksa din ako sa pagkamatay ng magulang ko?" traydor na luha to. Masaganang luha ang umagos sa pisngi ko. Paano ko nga ba ipapaliwanag ito sa mga taong inisip na ako ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang nila.

"Pero bakit kailangan mong ilihim? Bakit kailangan mong itago? Ikaw ba? Ikaw ba ang ang tumutulong sa amin simula pa lang ng bata kami. Ikaw ba ang dahilan kung bakit natigil ang death threat sa amin?" alam kung deep inside ay nasasaktan si Akumi. Sino bang hindi? Pero nakaya niyang pigilan ang umiyak. Simula pa man noon ay siya ang matapang sa kanilang magkapatid.

Hindi ako sumagot, lumapit lang ako at niyakap siya. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang wala ng bukas. Alam kong ito lang ang kaya kong gawin.

"Ano ba talaga ang nangyari? Kailangan kong malaman lahat. Please , this time wag ka ng magsinungaling." layo niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot pagkatapos kong punasan ang luha na kanina pa tumutulo. "Pwedi bang sa bahay na lang. Hindi safe dito." yaya ko sa kaniya.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now