I

20 0 0
                                    

Totoo o Imahinasyon?

Alas singko na ng makauwi ako galing bayan.

Natanggap ako sa trabaho sa isang kainan sa bayan bilang waiter at sa lunes ang simula ko. Nakapasok akong walang kahirap-hirap. Lahat ng tanong ay halos tanong lang na para bang 1+1 na kay daling sagutin. Tila alam nilang mag-aapply ako sa kanila. Nagtataka nga ako kung bakit tuwing may lalabas galing dito ay tila pinagsakluban ng langit. Well , I don't have to mind them , at least ngayon e may aasahan na akong pera kada kinsenas.

Di ko na kailangan mamroblema sa pagkain dahil libre iyon. Uwian din ako dahil di naman malayo ang aming baranggay.

Nagtatanggal ako ng sapatos ng lumabas si Akumi sa kanyang kwarto , pula at medjo maga ang kanyang mga mata. Sininyasan ko siyang lumapit.

"Akumi , bakit maga ang mata mo?"

"Kagigising ko lamang kuya." bakas ang lungkot sa kaniyang boses

"May problema ba? Is there something wrong?" lumapit kaagad ako sa kaniya.

Tanging iling lamang ang sinagot niya sa akin. Alam kong may problema siya , pero ganyan talaga yan e. Malihim , minsan lang magkwento tapos tipid pa.

Tanging yakap lang ang alam kong makakabawas sa kaniyang lungkot. Ayaw kong mangulit sa kanya , dahil baka away magkaibigan lamang iyon kaya siya umiiyak. Magkwekwento naman siya kapag di niya kaya yung problema.

Kumalas siya sa yakap. Bakas pa din ang lungkot doon ngunit nagawa na niyang ngumiti.

"Kuya , halika na. Kumain na tayo. Nagluto na ako, pritong galunggong ang ating ulam." paanyaya niya.

"Sige , magbibihis lamang ako." inabot ko sa kanya ang plastik na pula na may lamang adobo , bumili kasi ako para pang-ulam. "Adobo iyan , ilagay mo na sa lalagyan."

Tumango siya at ako naman nagtungo sa kwarto para magbihis.

Natapos kaming kumain kaya lumabas ako saglit para magpahangin. Kinakain na ng dilim ang liwanag dahil papalubog na ang araw.

Marahan akong napapikit ng umihip ang hangin.

Ilang minuto ang nakalipas ng magsimulang magpailaw ang kanya kanyang bahay , kay gandang pag masdan ang paligid.

Nakita kong dumaan si Aling Nena kasama ang kaniyang asawa na si Mang Nestor at ang anak nilang si Tintin , kumaway sila ng makita ako. Siguro tutungo sila sa baybayin dahil meroon sila roong sariling tindahan.

Kumaway ako at ngumiti bilang tugon sa kanilang pagkaway. Sila ang naging pamilya namin dito. Napakabait ng pamilya nila.

Ngumiti ako ng mapait ng lumagpas na sila sa aming bakuran. Naisip ko na naman sila mama at papa , siguro kung buhay sila , hindi magiging ganito kalungkot ang aming buhay. Siguro ay tulad din kami ng ibang pamilya na buo at masaya. Nakakainggit , nakakalungkot.

Napakadaya ng panahon , di kami hinayaang mabuhay kasama sila mama at papa. Pero sakim naman kung sino man ang dahilan ng pagkamatay nila , YURI pangalang kinamumuhian ko.

Pumasok ako sa kwarto , kinuha ko ang tuwalyang nakasabit malapit sa aking bintana. Maliligo ako at pagkatapos ay pipilitin kong matulog.

Tahimik na ang kwarto ni Akumi ng lumabas ako sa banyo , siguro ay natutulog na o nagseselpon lang. Regalo ko iyon noong ikaw 16th birthday niya , de-keypad pa nga iyon , dahil kulang ang pera ko. Sa susunod nya na lang sigurong birthday bago ko siya bibilhan ng touch screen.

Humiga ako sa kama ng makapagbihis na ako. Tumitig ako sa kisame , tanging dasal ko na sana'y makita kong muli kung sino man si Yuki na iyon at sana sa pagtulog ko'y di ko na muling mapanaginipan iyon.

Agaran akong hinila ng antok siguro dahil na din sa pagod.

Isang pamilyar na bata ang nakatitig ngayon sa akin , ngunit di tulad ng dati'y buong mukha na ang kanyang pinakita. Mukhang di mo nais makita. Para siyang si sadako na sa isang pikit matang gagawin mo ay hihilain ka sa kadiliman.

May binubulong siya , hindi ko marinig , tanging ang buka ng kaniyang bibig ang aking naiintindihan "Akiro" at "Kumi" pangalan ni mama at papa.

Tumulo ang luha sa aking mata , bakit niya kilala ang aking magulang.

Sino ba talaga siya?

Ibubuka niya sanang muli ang kaniyang bibig ng may yumogyog sa akin.

"Kuya , KUYAAAAAA!" sigaw ni Akumi ang aking nagisingan.

Ito na naman ang parang gripo ng pawis ang tumutulo sa iba't ibang parte ng aking katawan.

Nanaginip .... Nabangongot na naman ako. Siya na naman.

"Kuya , binabangongot ka na naman ba? Umuungol ka ng pumasok ako rito." sabi ni Akumi. "Yung batang babae na naman ba ulit?"

Tumulo ang luha ko kasabay ng mabagal kong paghinga. Niyakap ko si Akumi. Tanging tango lang ang naisagot ko.

"Kilala niya si mama at papa , A." panimula ko

"Paano? Kilala mo ba siya kuya?" she answered habang may namumuong luha sa kaniyang mata. She's strong , ayaw niyang umiiyak sa harap ng tao. But , I know inside na durog na durog din siya. When it comes to our parents mas lalo siyang nagpapakatatag. Lalo na kapag nababanggit ko ang pangalang Yuki.

Umiling ako , tila hindi din alam ang isasagot. Kilala nga ba kita? Kilala ka ba namin?

Tumango siya , ayaw na ata magtanong pa.

She handed me a glass of water , inabot ko yun.

Tila lutang pa din ako dahil sa aking panaginip.

I want to go to sleep , again at baka sakaling matuloy ang naudlot niyang sasabihin kanina. I'm badly needed to know that.

Tinapik ako ni Akumi. "Kuya , I know na your dreams may be the answer sa lahat ng nangyari sa ating nakaraan pero maaari ring sobrang pagod at kakaisip mo iyan kila mama at papa pati na din sa p*tang*nang Yuki na yun."

May point siya doon. Maaari ngang dahil sa kakaisip at kaiimagine ko sa mga ganun bagay e , napapanaginipan ko na. Pero may iba akong pakiramdam sa bawat panaginip na iyon , tila ba'y totoo at pakiramdam ko kilala ko yung bata.

Bullsh*t ala una palang? ARGHH , pinilit kong matulog muli. Pero di na ako muling nananiginp.

Nadismaya ako roon. Pero siguro'y titigilan ko na muna ang pag-iisip ki mama at papa pero hindi ang kay Yuki.

Magtatrabaho ako ng maayos para matustusan ang aming pag-aaral. Gusto kong makapagtapos kami. Sa paraang iyon mas madali ang paghahanap kay Yuki.

Mabilis natapos ang araw. Kagigising ko lang dahil ngayon ang simula ng trabaho ayaw kong malate sa first day of work ko. First impression, last. Kaya dapat maaga.

Tama nga si Akumi , hindi ko na muling napanaginipan yung bata.

15 minutes lang ang layo mula baranggay hanggang bayan. Kaya hindi hassle.

Pagod ang maghapon ko dahil talaga ngang sikat itong Llhenera Restaurant , aba'y di ako magkanda ugaga kong anong table ang uunahin kong puntahan para kuhain ang order.

Muntik na nga akong makabasag say sobrang pagmamadali , buti na lamang e di masungit itong si Madame , kung hindi e baka first day ko sa work , nasisante na ako.

Mag-oout na ako , para makauwi na.

•••••••••••••••••••

Author's note:

Alam kong di maganda ang story pero sana mag-enjoy kayo. Sorry din sa mga bad words. ❤️

Any suggestions ng mga name. Just tell me.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now