Sakit
Kay bilis lang ng panahon , parang kahapon e kasisimula ko palang sa trabaho. Ngayon naman ay halos mag iisang buwan na ako.
Maaga akong nagigising dahil syempre kailangan mag-asikaso.
Sa loob halos ng isang buwan , e wala na akong napapanaginipan. I just free myself from that nightmare.
Syempre sino ba namang matutuwa kung gabi gabi kang nababangungot.
Sa susunod na linggo siguro'y aayusin ko na ang mga papel na gagamitin sa pag-eenroll namin , ayoko kasing nagagahol sa oras. Gusto kong maagang inaayos ang mga importanteng bagay para di kami magpanic kapag enrollment na.
Kakausapin ko mamaya si Akumi pag-uwi ko , para sa strand na pipiliin niya. Nakapag-ipon na din ako ng pang-enroll ko.
Gusto kong maging military doctor.
Si mama kasi ay nasa military , samantalang si papa naman ay doctor. I want to be like them , gusto ko pareho ang kanilang profession kaso ay mahihirapan ako dahil kulang sa budget kaya magdo doctorate muna ako.
Masyado atang mataas ang pangarap ko e wala naman akong sapat na pera para sa ganung course , pero I want it kaya gagawa ako ng paraan. Maaari akong mag-apply ng scholarship and the rest will be my problem.
Punuan ngayon dito sa restaurant , di ko nga alam kong saan ko ililingon itong ulo ko.
"Waiter...." mula sa aking kanan
"Waiter , where's the menu?" halos pasinghal naman na sabi ng isa pa.
Buti na nga lang at natapos na si Annie sa paghatid ng mga order kaya mas napadali.
Nakaramdam ako bigla ng kaba at takot . Hindi ko alam kong bakit. Pakiramdam ko'y may nakamasid.
Nagpalinga linga ako , sa labas ng restaurant ay may nakatayong tao , di ko alam kung babae ba o lalaki nakasuot kasi siya ng jacket with hood at nakasalamin na tila ba may pinagtataguan.
Nagkatinginan kami , parang pamilyar ang kanyang labi , unti unti niyang tinggal ang salamin pababa sa ilong tama lang para makita ko ang mata niya. Pamilyar iyon , tila ba ay nakita ko na sa kung saan.
Tila hinihigop ako ng abuhin niyang mata , dahan dahan kong hinakbang ang aking paa , malapit na ako sa pinto . Unting lapit pa ay makikilala ko na ito.
Ngunit sa huling hakbang na lang para makalabas ng pinto ay tinawag ako ng isang costumer.
Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o uunahin ko ang trabaho ko. Pati ang aming manager ay pagalit akong tinawag.
Humakbang ako palapit doon. Tinanong ko siya.
"Ma'am ano pong inyo?" tanong ko ng makalapit sa costumer
"Pasta at ice tea." ani niya
Tumango na lamang ako. Nilingon kong muli ang taong nakita ko kanina. Wala na siya roon.
Matapos ang trabaho ko'y agad akong umuwi.
Hinanap ko si Akumi, pagpasok ko sa bahay.
"Akumi?" tawag ko
"Hmm, kuya?" kalalabas lamang niya sa banyo. "Kamusta ang trabaho?"
Kinuwento ko ang nangyari kanina. Kinutusan pa ako ng loko.
Tiningnan ko siya ng singkit ang aking mata , aba't di man lang natinag.
"Sira kaba kuya? Bakit mo naman ginawa iyon? Bakit sigurado ka bang ikaw ang tinitingnan niya? Sigurado ka bang ikaw ang sadya niya? Di ka lang tanga kuya , assuming kapa. Masesesante kapa dahil sa ka-assumingan mo." aniya na nagpipigil ng tawa
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...