Aquintance Party
Part 3Nagsimula ang pagtugtog ng banda dahil kakain muna bago magsayawan. At pagkatapos ng sayawan ay magkakaroon ng game. Yup, isang laro lamang ang hinanda nila. Kung mapipili man ako ay sana si Margaret ang makapartner ko.
Tahimik lamang ako habang kumakain ganun din ang ginawa ng iba maliban kay Merds na ang daldal pa ein hanggang ngayon. Sabi kasi ng mga matatanda na masama ang magsalita habang kumakain. Wala man kaming magulang ay lumaki kaming may good manners. Kanina din ay tinext ko si Bella kung kamusta na si Akumi. Ayos naman daw at natutulog na, ang aga naman.
"Ano kayang magiging laro ngayon? Excited na ako." muntik pang mabulunan si Merds dahil puno ang bunganga ay salita ng salita.
"Sana lang ay matino ngayon. Baka may madala na naman sa ospital." sabat naman ni Margaret. Ano kayang meroon nakaraang aquintance party. Bakit parang hate nila?
"Bakit ano bang nangyari?" taka kung tanong. Out of place ako dahil dito sila galing samantalang ako ay sa Tiniente. Kaya malamang wala akong alam.
Nagkatinginan ang tatlong babae na parang ayaw magsalita. Weird. Ano kaya talagang nangyari.
"Auction. Pumili ng limang babae at limang lalaki para i-auction. At ang pinakamalaking bayad ang idedate with libreng halik. At ang perang nalikom ay idodonate sa mga orphanage." si Anthony na ang sumagot dahil wala talagang balak ang tatlo.
"O, maganda naman ang dahilan e. Anong masama don?" wala naman talagang masama don kung makakatulong naman diba?
"Isa si Ryumi don. Binili siya ni Felix sa halagang 5milyon. Hinalikan sa labi, binugbog, na-ospital si Felix." sagot ni Merds. Tangina amazona talaga. So yun ang rason kung bakit di magkasundo ang dalawa.
"What? Hindi na nakakapagtaka." napatitig ako kay Ryumi na walang pakialam na siya ang pinag-uusapan namin.
"Alam mo bang nademanda yan? Kaya nga walang kaclose kahit sino iyan." nguso ni Merds kay Ryumi na walang habas na sumusubo ng pagkain.
"Wala namang problema doon. Kahit ako naman ay hindi papayag na halikan lang ng kahit sino dahil lang nabili ako , diba Ryumi?" mahinahong sabat ni Margaret. Superhero talaga ito ni Ryumi.
"Hindi ko kailangan ang dada mo Margaret." gumawa ng ingay ang pagbagsak niya ng mga kubyertos sa lamesa. Kahit naman sana sa harap ng pagkain e matutong rumespeto.
"Sorry. Sinasabi ko lang naman na kung ako ang nasa kalagayan mo ganun din ang gagawin ko. Naaawa lang ako dahil masama na ang tingin sayo dahil lang sa mga ginagawa mo." kailan kaya magagalit itong si Margaret . Nagawa pang ngumiti.
"Hindi ko kailangan ng awa mo. Mind your own business." tumayo si Ryumi at umalis patungong waiter at ibinigay ang bitbit niyang mga kubyertos. Pagkatapo ay naglakad pabalik dito sa lamesa at umupo na para bang walang nangyari.
Naging tahimik ang pwesto namin dahil sa nangyari kanina. Si Ryumi lang ata ang walang nararamdaman na awkwardness dahil puro hambog lang. Hindi na talaga nakakapagtaka na maraming kaaway ito.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
أدب المراهقينThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...