III

11 0 0
                                    

Safe

Maaga akong nagising kahit di pa naman ako papasok , ayaw ko maging pabigat kay Akumi. Di na din ganun kasama ang pakiramdam ko, may sakit ako at di baldado kaya pwedi akong kumilos.

Alas siete ng tumawag si Manager Kang , mamaya daw mga 8 ay darating na ang pagkain at gamot na sinabi nya kahapon.

Gusto kong tumanggi pero mapilit e.

Habang sumasaing ako'y bigla na lamang tumahol ang aso.

Sinilip ko iyon dahil di siya tumitigil sa pagkahol.

Naabutan ko ang labas ng matiwasay , walang bakas na may tao. Siguro'y mga hayop lang.

Pabalik na ako sa loob ng bigla na lamang may tumama sa aking kaperasong papel.

Kinabahan ako kasi wala namang tao , baka tikbalang o anumang mga maligno dito na nagambala sa pagkahol ng aso ang tumapon nito patungo sa akin.

Papasok na sana ako kaso parang may kung ano na nagsasabing pulutin ko ang papel.

Sayang baka tseke na 1 milyon ang nakalagay. Aga ko naman nangarao hahaha.

Binuklat ko ito.

Halos mawalan ako ng balanse ng mabasa ang nakasulat don.

Jiyo,

I'm watching you. Malapit na kayong isunod sa mga magulang ninyo. Take care.

Aba't kilala ako , di ko alam na ganun pala ako kafamous.

Sino kaya itong sumulat sa akin? Susunod? Watching?

Unti-unting kinain ako ng galit ngunit mas lamang ang takot. Takot di para sa sarili ko kundi para sa kahaharapin ko na namang problema.

Sumasakit ang ulo ko , kakaisip kung sino ang bumato nito. Kung totoo ba to. O prank , scam. Puta , baka pinagkakatuwaan lang ako ng mga kapitbahay.

Kung nagbibiro sila , aba't di magandang boro ito. Buhay kapalit ng kamatayan? Aba'y kung unahin ko kaya sila.

Kay aga-aga naglalayag na ang isipan ko sa kung saan. Masyado ng kinain ng pesteng sulat na yun ang katawan ko.

"Kuya?" napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Akumi sa gilid ko.

"Good morning, why?" tanong ko

"Mukhang tinalo mo pa ang expedition ni Magellan , sa layo ng iniisip mo. Binangungot ka na naman ba? Binasted ng nililigawan? May masakit ba sayo?" diretso niyang tanong

"Wala , ayos lang ako. Maayos na din ang pakiramdam ko kahit pa paano." di ko maaaring sabihin sa kaniya ang tungkol sa sulat

"Ah kuya, mamaya nga pala ay dadayo kami sa kabilang baryo pista kasi doon. Ayos lang ba?" She said

"Sino mga kasama? May matanda ba? May mga lalaki ba?" agaran kong sagot

"Mga kaibigan ko kuya. Di naman kami magtatagal doon." she answered again

Tumango na lang ako. "No boys allowed , no drinks. 10 umuwi na kayo. Maliwanag?" I answered back.

"Si kuya naman, dalaga na ako bawal pa din sa lalaki? Hindi ako iinom. Uuwi din ako bago mag 10. Ayos na ba iyon?" nakanguso niyang sagot

Kung di ko talaga to kapatid si Akumi , liligawan ko to. Ang mataba niyang pisngi ay bumagay sa bangs niya. Ang dimples niya sa gilid ng kaniyang mga labi. Ang Morena niyang kulay , buhok niyang natural na mahaba na kulay brown. Perpekto din ang kurba ng katawan kahit na 16 palang. Marami ngang nanligaw dito sa bahay , ngunit di nagtatagal paano ba naman babanatan ko ng tanong kasabay ng panlilisik ng mata. Wala na tuloy umulit.

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now