Request
Nasa kusina kami ngayon. Plano kong magluto ng adobo. Samantalang si A naman ay naghihiwa ng mga ihahalo.
Hindi pa din mawala ang ngiti na dulot ni Margaret. Her smile keeps repeating inside my brain. Nakakatuwa lang na may bago na naman akong kakilala. Well, yeah kaklase ko siya pero dahil tutok ako sa pag-aaral nakalimutan ko ng makihalubilo. Sakto na sa akin ang meroong limang kaibigan at isang kapatid. Hindi ko kailangan ng maraming kakilala. But for now I'm so happy na nabigyang pansin ko nag ibang tao lalo na si Margaret.
"Kuya? Mukha kang tanga kakangiti jan." bumalik ang atensiyon ko sa kawaling nakasalang ng magsalita si A. Ganun na ba ang epekto ni Margaret para magkaganito ako. Landi. Ano to love at first sight?
"A , paano mo ba malalaman na gusto mo ang isang tao?" curious kong tanong.
"Are you inlove kuya? With whom? Wag mong sabihin na kay ate Ryumi ha." the word Ate hits me. Kailan pa naging ate ang tawag niya kay Ryumi? Samantalang kinamumuhian niya ito.
"At kailan mo pa tinawag na ate si Ryumi?" curiosity kills me.
"Hindi yan ang isyu dito kuya. Ang tinatanong ko kung kanino ka nagkakagusto?" Matanda sa kaniya si Ryumi kaya tama lang na tawagin niya itong ate kahit na kinamumuhian niya pa to.
"She's my classmate. Hindi ko nga akalain na may ganoon pala akong kacute na classmate." kinikilig kong kwento. "Magaling siyang kumanta , matalino at maganda." pagmamalaki ko sa kaniya.
"Korni mo na bro. Inlove ka nga." korni ba ang magkagusto? Ganito din naman ako nong nakilala ko si Mika ah. "Mapapatunayan mo lang na inlove ka kapag sa tuwing nagkikita kayo oarang bumabagal ang ikot ng mundo. Kapag magkasama kayo parang kayo lang dalawa. Unting haplos lang sayo para kang nakukuryente." dagdag pa ni A. So ngayon sinong korni sa amin.
"Paano mo yan nalaman? Inlove kaba? May crush kaba? May jowa ka na ba." diretso kong tanong sa kaniya. Bakit parang mas expert pa to kaysa sa akin?
"O.A mo na kuya. Nagtatanong ka tapos nong sinagot kita sasabihan mo akong may jowa. Matalino ka ba kuya? Saan na utak mo? Sa talampakan?" batok ang naging tugon ko sa pangaral niya. Nagtatanong lang ako, defensive masyado.
Tumigil na kami sa pagtatalo at tinapos lang ang pagluto para makakain na.
Pagkatapos kong magluto ay naghanda na kami Akumi ng kakainin namin. Syempre 50/50 to, ako nagluto siya naman ang magliligpit at maghuhugas ng plato.
Nakita ko ang pagsulyap ni Akumi sa selpon niya kasabay niyon ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Pati ba naman sa pagkain e dala ang selpon.
"Ah , nakakainis ka talaga." pabagsak niyang nilapag ang selpon niya. Ano na naman kaya ang ganao dito? Mga kabataan talaga hirap basahin.
"Huy , Akumi. Ano yan? Kumakain ka tapos nagseselpon? Mamaya na iyan kumain na muna tayo." suway ko sa kaniya.
Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay patuloy ang pagtunog ng selpon niya kaya hindi ko na napigilan at tiningnan ko kung sino tumatawag. Baka importante. Naghuhugas si A , kaya di niya masasagot.
Nakita ko ang pangalan ni Nion sa screen. "Akumi , tumatawag crush mo." Sigaw ko kay Akumi. Nakita ko ang pagtakbo niya sa direksiyon ko. May tinatago talaga tong babae na to.
"Akin na kuya. At anong crush? Hindi ko crush ang masungit na Nion na yun."
Hinablot niya ang selpon niya at agad pinatay ang tawag.
"Wala naman akong sinabing pangalan ah. Ikaw Akumi, jowa mo ba yun?" hindi siya sumagot. Tahimik siya pabalik sa lababo
"Bakit hindi mo sinagot? Baka importante." sabi ko ng pabalik na siya sa lababo. Sumunod ako sa kaniya Hindi pa pala siya tapos maghugas."Mang-iinis lang iyon, Kuya."
"Ah ganun ba? Oh siya Mauna na ako sa kwarto. Ayos lang ba?" Hindi naman matatakutin si A. Kaya ayos lang sa kaniya na iwan siya.
"Sige na kuya, matatapos na din ako." then she kissed my right cheeks.
Pagkarating ko sa kwarto at agad kong kinuha ang selpon ko. Mag-open muna ako ng fb. Matagal na din akong hindi nakaka-open e.
50 notifications tungkol sa mga group na sinalihan ko at mga likes sa mga post ko. 3 messages galing sa gc namin nila Merds at Anthony, si Beatrice, at gc naming magkakaklase. 65 friend request karamihan ay galing sa SEAU. Accept lang ako ng accept.
Naisipan kong i-search si Margaret. Inilagay ko ang Margaret Romble. Agad kong nakita ang account niya. Marami itong follower. Tiningnan ko rin ang profile niya, nakabikini siya roon, umabot sa dalawang libo ang nagreact.
Sa wall niya makikita ang sandamakmak na nagkakagusto sa kanya. Naisip ko tuloy na andami kong kakompetensiya sa kanya. Hindi naman nakakapagtaka dahil maganda siya at talented pa.
Ini-add ko siya at di pa umabot sa limang minuto ng tanggapin niya ang request ko. Ichachat ko na sana siya ng makita ko ang chat niya. Nauna pa siyang magchat.
Margaret:
Hi Jiyo :)Jiyo:
Hi , salamat pala
sa pag-accept :)Margaret:
Naku wala yun.
So, game kana ba sa sabado? Wala ng bawian yan ha. HAHAHAJiyo:
Oo naman. Kailangan
ko din ng income
ngayon e.Margaret:
Ah Jiyo. Kailangan ko
ng mag-out. Kakain na
daw kamu e. So, paano
ba yan? See you
tomorrow ❤️.Jiyo:
Sige. Kain marami.
See you tomorrow.
Goodnight ❤️
Hindi na siya nagreply , siguro ay kumakain na. Tangina di mawala sa labi ko yung ngiti. Simpleng chat niya pa lang masaya na ako. Paano pa kaya kapag sinagot na ako nito. Haha sagot agad? Hindi ko pa din maiwasang isipin kong magiging kami nito. Napakaswerte ko tuloy kung ganun. Madaming kalalakihan ang iiyak.Nakatulog ako ng masaya. Sinong hindi sasaya kung ang huli mong kausap e yung taong gusto mo?
Thank you , Lord. Salamat at nakita at nakilala ko si Margaret.
YOU ARE READING
Unwanted Lover
Teen FictionThis is a work of fiction. Lahat ng pangalan, karakter, business at mga pangyayari ay nagmula sa ideya ng author. Kung mayroon mang kahalintulad sa pangalan , tao/karakter (dead or alive) , pangyayari at business ay purong nagkataon lamang. Please n...