Heto na ang update guys sorry kung ngayon lang ako nakapublish ulit kasi busy sa work si Ateng... umaasa ako na sana maiibigan niyo ito..
-Love lots..❤
SA KASALUKUYAN
KAHARIAN NG LIREO
ALANA'S PROVERBS
Nasa silid aklatan kami ngayon nila Cassandra sapagkat may aralin pa kaming dapat pag-aralan kukuha sana ako ng libro na naglalaman tungkol sa pamumuno ngunit may isang libro nagliliwanag na siyang dahilan upang makuha ang aking atensyon kaya kinuha ko ito saka lumapit sa mesa kung saan naroroon sina Adam.
ADAMUS:Anong klaseng libro iyan bakit nagliliwanag?
ALANA:Ito ay ang kasaysayan ng Etheria nagtataka nga ako kung bakit ito nagliwanag.
DASHA:Ano pang hinihintay niyo buksan niyo na ang libro!
CASSANDRA:Nagmamadali teh?exctited lang?
Hindi nalang namin pinansin ang sinasabi ni Cassandra binuksan ko na ang libro at binasa ito may bagay akong napapansin dito tila may nagbago.
CASSANDRA:Anong nabasa mo?Share mo naman.(Pilyang sabi ng aking hadia)
ALANA:Tila may nagbago sa kasaysayan.(Natigilan ako ng mabasa ko ang ngalan nila Yna)
VANESSA:Bakit bigla kang natigilan diyan may problema ba?
ALANA:Tanakreshna nandoon pala sina Yna sa nakaraan.
EMMANUEL:Paano sila napunta sa nakaraan sa pagkakaalam ko makakapunta ka lang doon kung nasa iyo ang ginintuang orasan.
ADAMUS:Tama si Eman at batid naman nating lahat na nasira na iyon.
ALANA:Iyan nga din ang pinagtataka ko maari naman natin ito itanong kay Nunong Imaw.
DASHA:Tama ka ngunit sa ngayon ay mag-aral muna tayo.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-aaral ay lumabas na kami sa silid aklatan na dala ang libro tungkol sa kasaysayan ng Encantadia at tamang tama nakasalubong namin si Nunong Imaw.
IMAW:Avisala mga Diwani at Rehav tapos na ba kayo sa inyong pag-aaral?
CASSANDRA:Opo Nuno may nais sana kaming itanong sa iyo.
IMAW:Oo at ano ang nais niyong itanong sa akin?at bakit dala dala niyo ang libro ng kasaysayan?
ALANA:Dinala namin ito sapagkat noong binasa ko po ang librong ito ay may nagbago sa kasaysayan at nabasa ko ang ngalan nila Yna,kaya may kutob ako na nandoon sila sa nakaraan.
IMAW:Ganon ba maari ko ba mabasa ang nilalaman ng libro.
Saka inabot ko ang libro kay Imaw agad niya itong binuksan at binasa katulad ko ay may napansin din siyang pagbabago sa kasaysayan ng Encantadia.
IMAW:Mahabaging Emre may pagbabago nga sa kasaysayan.
CASSANDRA:Kaya nga po at nais naming itanong kung paano napunta sila Ila at Ilo sa nakaraan.
IMAW:Malalaman natin iyan sa tulong ng aking tungkod...makapangyarihang tungkod ng balintataw ipakita mo sa amin kung paano napunta ang magkakapatid na Sangre at mga Rama sa Nakaraan!
Lumiwanag ang tungkod saka ipinakita sa kanila na may liwanag na pumasok sa kanilang mga silid sa kanilang tahanan sa mundo ng mga tao saka sinundan ito ng mga Hara at Rama hanggang sa hardin pagkatapos ay kinain sila ng liwanag at napunta sa nakaraan.
VANESSA:Nagtataka po ako Nuno paano ba napunta ang liwanag na iyan?
IMAW:Maaring may nagpadala ng liwanag na iyan sapagkat sinabi sa akin ni Cassiopea noon na may mga pagsubok na daraanan ang mga Hara at Rama bago pa sila makabalik.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?