SA NAKARAAN
KINAGABIHAN
Nagtungo na ang lahat sa baybayin ng Timog Bahagi ng Encantadia sapagkat doon magaganap ang digmaan sa panig ng mga Hathor, Sapirian, at mga Diwata laban sa mga Etherian nakasuot na ang lahat ng kanilang mga kalasag at naghahanda sa labanang magaganap ano mang oras sa harapang bahagi ng baybayin ay nandoon sina Pirena,Azulan,Amihan,Ybrahim,Cassiopea,Hagorn,at Arvak kasama ang mga Kawal Hathor,Kawal Sapiryan at mga Diwata.
ARVAK:Hindi lang tayo lumalaban para sa mamamayan dito sa Encantadia kundi para din sa kinabukasan dito kaya aking hihilingin na ibibigay natin ang ating buong tapang at lakas para sa kinabukasan ng buong encantadia!
HAGORN:Maghanda na tayong lahat pagkat susugod ang kalaban kahit na anong oras!
SA HANAY NI AGATHA
AGATHA:Titiyakin natin na walang Hathor,Diwata,Sapiryan,at Adamyan na matitira dito sa Encantadia kaya siguraduhin ninyo na tayo ang mananalo sa digmaang ito nang saganon ay tayo ang maghahari! ESTASECTU!
SA HANAY NILA ARMEO
ARMEO:Tandaan niyo hindi lang tayo lumalaban para sa ating kalayaan lumalaban din tayo sa bawat lahi at kinabukasan ng buong Encantadia natitiyak ko na hindi tayo pababayaan ng ating Bathala!
RAQUIM:Kaya ibigay natin ang ating makakaya sa digmaang ito para sa ating minamahal at sa buong Encantadia!
SA HANAY NI AVRIA
AVRIA:Sa laban na ito ay siguraduhin natin na tayo ang mananalo nang saganon ay patuloy ang ating paghahari sa buong Encantadia titiyakin niyo na walang matitira!
BARKUS:ATAYDE!
Naunang sumugod ang mga Etherian at hindi naman nagpahuli ang panig ng mga Diwata,Hathor at mga Sapiryan nagsimula ng magtagisan ng galing sa pakikipaglaban at kapangyarihan ang bawat panig.
Kinakaharap ni Amihan si Odessa magaling sa pakikipaglaban ang Hera ngunit mas magaling si Amihan kahit isa itong paslit susugurin sana ni Odessa ang Hara ng Sapiro upang sugatan ngunit nakailag ito at naunahan ang Hera.
ODESSA:Pashnea!
AMIHAN:Hindi pa iyan ang matatamo mong sugat Odessa!
ODESSA:Naka-tsamba ka lang bata kung tutuusin ay kay dali mong paslangin!
AMIHAN:Kung may mapapaslang man dito hindi ako iyon!
ODESSA:Tanakreshna!
Nagsimula na naman silang maglaban susugatan pa sana ni Amihan si Odessa ngunit naunahan siya ng Hera ngunit hindi nagpatinag ang Sangre gagamitan pa sana siya ng kapangyarihan ni Odessa mabuti nalang na ginagamit agad ni Amihan ang brilyante ng hangin upang tanggalan ng hininga si Odessa na siyang dahilan upang mapaslang ito.
Kinalaban naman ni Pirena si Andora ekspertong gumamit ng espada ang Hera ng Sensa ngunit palagi siyang naiisihan ni Pirena.
PIRENA:Hanggang ngayon ay isa ka pa ring talunan,hindi na ako magtataka kung matatalo kayo ulit!
ANDORA:Warka ano ang iyong pinagsasabi, ngayon pa tayo nagkaharap kaya kabahan ka na!
PIRENA:Kakabahan ba ako sa isang talunan na gaya mo?!
ANDORA:Ashtadi!
Sinugod na nga si Andora si Pirena st nagsimula na naman silang maglaban ulit hindi na nakatiis si Andora ay ginamit na niya ang kanyang kapangyarihan.
ANDORA:Inuutusan ko ang iyong..
PIRENA:Pashnea tumahimik ka!
Ginamit ng Hara ng Hathoria ang kanyang brilyante na siyang dahilan na maging abo si Andora.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?