KINABUKASAN
KAHARIAN NG LIREO GENERAL'S PROVERBS
Dumating ang Mashna ni Emre na si Ariella sa bukana ng palasyo at agad naman siyang pinapasok ng mga kawal pagkat kilala naman nila ito at tamang-tama ang kanyang pagdating pagkat nandoon ang lahat sa punong bulwagan at nandoon din ang Hara sa kanyang trono.
ARIELLA:Avisala mga kamahalan.
LIRA:Avisala Ariella may kailangan ka ba?
ARIELLA:Nandito lang ako Hara pagkat may nais ipaabot ang Mahal na Bathala sa inyo.
Saka iniabot niya ang kalatas sa Hara at agad naman itong kinuha ni Lira.
ARIELLA:Nais po ng Bathala na basahin mo ito sa lahat..
Tumango lamang si Lira at binuksan niya ang kalatas upang malaman kung ano ang nilalaman nito ngunit naisipan niya na ang Mashna nalang ang magbabasa nito sa lahat.
LIRA:Mashna maari bang ikaw nalang ang magbabasa nito?
ARIELLA:Oo Hara..
Saka iniabot ni Lira ang kalatas kay Ariella saka binabasa ng Mashna ang nilalaman nito.
ARIELLA:Ang nilalaman kalatas na ito ay tungkol sa pagbabago sa batas ng Lireo matagal na naging batas ang hindi pag-aasawa ng isang Hara pagkat asawa na niya ang buong Encantadia ngunit nais ko itong baguhin.
Maging mapadali ng isang Hara kung may kaagapay siya sa kanyang pamumuno at kahati sa responsibilidad kaya pinutol ko na ang batas na hindi pagkakaroon ng asawa ng isang Hara pagkat ang bawat kaharian ay nangangailangan ng Rama.
Nais kong ipatupad ang pagbabago sa lalong madaling panahon.
Ang Inyong Bathala,
Emre
Dahil sa binabasa ng Mashna ay gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mga mukha ng mga kadugo ng Hara pagkat hindi na mag-isang mamuno si Lira.
AMIHAN:Aba magandang balita iyan pagkat maging madali ang pamumuno ng aking anak dito sa Lireo.
YBRAHIM:Siyang tunay at kailangan ba kayo balak magpakasal ni Paopao?
PIRENA:Oo nga Lira matagal na kayong nagsama wala ba kayong balak magpakasal?
AZULAN:Pagkatapos ng kasal niyo ay dapat bigyan niyo agad kami ng apo,Mira anak kailan niyo din balak ni Angelo?
MEMFES:Oo nga matagal na din kayo nagsama ni Angelo.
PAOPAO:Iyan nga po..
Saka lumapit si Paopao sa kanyang katipan at habang si Angelo naman ay lumapit kay Mira at naghawakan ng kamay ang dalawang pares.
PAOPAO:Sa katunayan ay nag-propose na ako kay Lira kagabi at avisala eshma kay Emre na pumayag siya.
ANGELO:Ganon din po ako kay Mira at laking pasasalamat ko rin na pumayag siya.
Dahil diyan ay mas lalong naging masaya ang mag-anak..
ALENA:Kung ganon ay masaya kami para sa inyong dalawa.
AQUIL:Dapat magaganap ang kasal sa lalong madaling panahon.
DANAYA:Di halatang na mas masaya kayo kaysa mga ikakasal noh..
LIRA:Hahaha..ayos lang po iyan Ashti Danaya..sa katunayan ay gusto din namin ni Paopao na magpakasal agad.
MIRA:Ganon din po kami ni Angelo pagkat nais na din namin magbuo ng sarili naming pamilya...
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?