SA MUNDO NG ELEMENTIA
KAHARIAN NG CELESTIA
GENERAL'S PROVERBS
Maagang nagising ang mga Rama pagkat kailangan nilang maglakbay patungo sa bulubundukin ng Amazona upang makuha nila ang armas na makakapaslang sa mga sinaunang bampira pagkatapos nilang kumain ay kinausap nila ang kanilang mga Mashna na manatili na lamang sa loob ng palasyo napagusapan din nila na ng sasakyang panghimpapawid ng Hathoria ang kanilang gagamitin para sa kanilang paglalakbay.
JACINTHA:Mag-ingat kayo mga Rama at Wantuk sa inyong paglalakbay.
LIAM:Patnubayan nawa kayo ng ating mga Bathala,siya nga pala dalhin niyo ang mga pagkain at mga inumin na iyan pagkat mahaba pa ang inyong lalakbayin.
Saka inabot ng isa sa mga tagapagsilbi ang mga supot ng pagkain at mga inumin tapos ay tinanggap din ito agad ni Wantuk.
AQUIL:Avisala eshma Hara, Rama mauna na kami sa inyo pagkat mahaba pa ang aming lalakbayin.
Tumango naman si Liam at Jacintha bilang pagsangayon at naglakad na palabas ng palasyo ang mga Rama kasama si Wantuk.
ENCANTADIA
KAHARIAN NG NIYEBE
AGATHA'S PROVERBS
Nakipagkasundo nga sa amin ang Hara ng Hathoria at ang Hara ng Lireo ngunit wala pa rin kaming tiwala sa kanilang pinagsasabi pinagbigyan nga namin sa sinabi nilang sa loob ng tatlong araw na hindi namin sila sasalakayin at titiyakin nila na mapapasakamay namin ang pamamahala sa buong Encantadia ngunit hindi ako sigurado na totoo nga ang kanilang pinagsasabi.
Kahit may usapan man kami ay kinausap ko pa rin ang aking mga kawal tungkol sa pagsalakay sa mga diwata pagkat pagkatapos ng tatlong araw na hindi pa rin sila makagawa ng pasya ay uubusin namin ang kanilang mga sinasakupan.
AGATHA:Binigyan ko ng tatlong araw ang mga diwata para mapagusapan nila ng aming kasunduan at sinasabi nila na titiyakin nila na sa loob ng tatlong araw mapapasa-atin na ang buong Encantadia ngunit kung sa loob ng tatlong araw ay hindi pa mangyayari ang aking nais ay sasalakayin natin ay kanilang sinsakupan ng sabay at wala tayong ititira kahit na isa!
MGA KAWAL NIYEBE:Masusunod Hara!
AGATHA:Tiwalag!
Pagkatapos kong kausapin ang aking mga kawal ay naisipan kong magsanay pagkat matagal ko ng hindi ginagawa iyon sa gitna na aking pag-sasanay ay may naramdaman akong paparating hindi nga ako nagkakamali ang aking kakambal nga.
AGATHA:Avisala kapatid ko nandito ka ba para makipagkasundo rin kagaya ni Pirena at Lira?
CASSIOPEA:Hindi ako nandito upang makipagkasundo sa iyo, nais ko lang sabihin na malapit na dumating ang iyong katapusan ngunit maari pang magbabago iyon.
AGATHA:Nandito ka ba upang takutin ako Mata?At sa tingin mo ba ay natatakot ako sa babala mo? Sabihin nalang natin na sinabi mo lang iyon upang mapangalagaan ang mga pinakamamahal mong mga diwata!
CASSIOPEA:Hindi ako nandito upang takutin ka sinasabi ko lang ang aking nakikita tungkol sa iyo Agatha nais ko ring sabihin na malapit ng matupad ang propesiya ngunit maaari mo pang mabago ang iyong kapalaran.
AGATHA:Hinding hindi mangyayari ang iyong sinasabi Cassiopea pagkat hindi mo hawak ang aking kapalaran!
CASSIOPEA:Nasa iyo iyan Agatha avisala meiste..
Saka nag-ivictus si Cassiopea.
KAHARIAN NG ADAMYA
ALENA'S PROVERBS
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasiAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?