KABANATA X:PAGHAHARAP

195 1 28
                                    

KAHARIAN NG NIYEBE

AGATHA'S PROVERBS

Heto na nga ang panahon ng pagbagsak ng mga diwata titiyakin ko sa pagdating ng digmaan ay walang matitira sa lahi ni Minea nandito kami ngayon sa punong bulwagan upang planuhin ang mga taktikang aming gagamitin.

AGATHA:Sa parating na labanan natitiyak ako na hahatiin ng mga diwata ang kanilang pangkat sa apat iyon din ang ating gagawin ako kasama ang ilang hukbo ng mga Kawal Niyebe sa Timog ikaw Lucio kasama ng ating ilang hukbo ay sa Silangan.

RAVANA:Kung ganon ay ako sa Kanluran kasama ang mga Kawal Etherian at si Ether sa Hilaga kasama ang ilang hukbo ng mga Kawal Etherian.

AGATHA:Mainam,at titiyakin natin na tayo ang mananalo nang saganon ay mapapasatin na ang buong Encantadia.

ETHER:May naiisip akong paraan Hara upang madadaig natin ang mga diwata.

AGATHA:Anong plano iyan Bathaluman?

RAVANA:Huwag mo ng alamin Hara,ngunit maganda ang naiisip ni Ether.

LUCIO:Kung ano man ang naiisip niyo mga Bathaluman ay sigurado ako na madadaig ang mga diwata.

KAHARIAN NG LIREO

GENERAL'S PROVERBS

Pagkatapos ng ilang minuto ni Angelo sa Devas ay agad siyang bumalik sa Lireo at dumeretso na sa silid kung saan naroroon ang Rama ng Hathoria walang pag-aalinlangan ay pinainom niya agad ito ng lunas nang saganon ay bumalik na si Azulan sa kanyang dating kalakasan ilang minuto ang nakalipas ay nagmulat na ang mga mata ng Rama.

AZULAN:Anong nangyari? (Sabi niya habang bumabangon)

Nang walang ano ano ay agad siyang niyakap ng kanyang mga anak na si Mira at Alana at yumakap din si Azulan pabalik.

ALANA:Avisala eshma Ama na gising na po kayo!

MIRA:Labis labis ang pag-aalala namin sa iyo Ama avisala eshma kay Emre na nagising na po kayo!

AZULAN:Avisala eshma nga kay Emre mga anak na nagising pa ako,ang inyong Yna?

MIRA:Nasa baba po kasama ng nila Lira.

AZULAN:Ganon ba, Rehav Angelo ilang araw ba akong walang ulirat?

ANGELO:Halos dalawang araw din Rama ng dahil sa lason na dumadaloy sa iyong katawan na siyang dahilan na nawalan ka ng ulirat kahit naghilom man ang iyong mga sugat.

AZULAN:Pashneang Lucio talaga iyon,mauna na kayong tatlo sa baba susunod na ako doon.

Tumango naman ang dalawang Sangre at Rehav bilang pagsangayon saka lumabas na sa silid.

SA PUNONG BULWAGAN

Naghanda na ang lahat para magmartsa patungo sa baybayin kung saan nila sasalubungin ang mga kalaban pagkat hindi nila nais na madala ang digmaan sa Lireo pagkat maraming madadamay.

MUROS:Mga Kamahalan handa na ang mga Kawal Diwata upang mag-martsa patungo sa baybayin.

ERES:Ganon din ang mga Kawal Hathor.

IRAH:Handa ng makipagdigma ang mga Kawal Celestia.

ISRAEL:Ganon na din ang mga Kawal Adamyan.

MAYCA:Handa ng makipaglaban ang mga Kawal Sapiryan.

LIRA:Mainam,kung ganon ay mauna na kayo sa bukana ng palasyo doon niyo na kami hihintayin.

MGA MASHNA:Masusunod Hara!

Saka naglakad na palayo ang mga Mashna ilang segundo lang ay dumating na si Mira,Alana,at Angelo sa punong bulwagan at sumunod naman si Azulan walang pagtumpik-tumpik ay agad nilapitan ng Rama ang kanyang Hara at nagyakapan silang dalawa saka masuyong hinalikan ni Azulan si Pirena sa labi pagkatapos ay pinagdikit nila ang kanilang mga noo saka hinawakan ng Hara ang magkabilang pisngi ng kanyang Rama.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon