KAHARIAN NG NIYEBE
LUCIO'S PROVERBS
Nagtungo ako sa Azotea nagbakasakaling mahahanap ko si Agatha doon ng makarating ako ay naabutan ko si Cassiopea at Agatha na nagtatalo nandoon lang ako sa isang sulok nakikinig sa kanilang usapan nang makaalis si Cassiopea ay saka ako lumapit sa aking katipan.
LUCIO:Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap.
AGATHA:Nagsanay lang ako kasama ng aking mga kawal.
LUCIO:Nakita ko si Cassiopea kanina,may sinasabi ba siya sa iyo?
AGATHA:Oo sinasabi niya na malapit na daw maganap ang propesiya ngunit maaari ko daw baguhin ang aking kapalaran.
LUCIO:Naniniwala ka naman sa sinasabi ng iyon kambal?
AGATHA:Kailanman ay walang pangitain si Cassiopea na hindi nagkakatotoo kaya malaki ang posibilidad na mangyari ang kanyang sinasabi, ngunit hindi ko hayaang mangyari ang nakatakda.
SA MUNDO NG ELEMENTIA
AQUIL'S PROVERBS
Mahaba-habang oras na kami naglalakbay nasa medjo madilim na bahagi na kami na Elementia iyan ang palatandaan na malapit na nga kami dumaan sa Hades ang kaharian ni Lucio noon kasalukuyan kaming nakatingin sa paligid at inihanda ang aming mga sarili sa ano mang panganib habang si Wantuk ay nagmamaneho.
WANTUK:Kailangan ba talaga nating tumuloy mga Mahal na Rama?Nasa halos madilim na parte tayo oh!
Usal niya kahit kailan napakaduwag nitong aming kaibigan.
AQUIL:Bakit,Wantuk natatakot ka ba,na baka may ivtreng sasalubong sa atin?
WANTUK:Hindi naman Rama Aquil ang akin lang ay...
Magsasalita pa sana ang mandirigma ngunit pinutol na siya ni Ybrahim
YBRAHIM:Hay nako,Wantuk huwag ka ng magdahilan diyan pagkat batid ko na naduduwag ka lang!
WANTUK:Sino bang may sabi na naduduwag ako?
AZULAN:Hay nako,Wantuk mabuti bang magmaneho ka nalang diyan kaysa mag-reklamo!
MEMFES:Tanakreshna!
AQUIL:Ano iyon Memfes?
MEMFES:May mga Piratang papalapit sa atin!
AZULAN:Estasectu!
Nang walang pagdadalawang isip ay sinugod nga kami ng mga Pirata kaya nilabanan namin sila gamit ang aming mga sandata naging madali lang naman ang naging labanan hindi naman sa pagmamayabang mas magaling lang talaga kami kaysa mga pashneang iyon.
WANTUK:Iyon na iyon? Wala namang kuwentang lalaban ang mga piratang iyon.
MEMFES:Huwag ka munang maging kampante Wantuk pagkat may paparating pa!
AQUIL:Pashnea,akala ko iyon na iyon!
Ang barkong papalapit sa amin ngayon ay mas malaki at pinaputukan nga kami mabuti nalang na nakagawa agad si Memfes ng pananggalang na gawa sa tubig.
YBRAHIM:Wala nga tayong ibang pamimilian kundi gamitan sila ng ating mga kapangyarihan!
AZULAN:Tama ka Rama Ybrahim.
Nang walang pagdadalawang isip ay ginamit agad ni Azulan ang kanyang kapangyarihang apoy kaya nasunog ang isa sa mga bangka ng mga pirata at ginamit naman ni Ybrahim ang kanyang kapangyarihang hangin upang gumawa ng ipo-ipo habang si Memfes naman ay patuloy sa paprotekta ng aming bangka gamit ang pananggalang na gawa sa tubig pagkat tuluyan kaming pina-ulanan ng mga Pirata ng bala at kanilang tanke habang ako naman ay hindi ko magamit ang aking kapangyarihang lupa pagkat wala itong bisa kapag nasa himpapawid ginamit ko lang ang isa sa mga baril na nanggaling sa Hathoria upang labanan ang mga Pirata.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?