KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Nasa loob ng silid sa pulungan ang mga Rama at Hara hindi na isinama ang mga diwani at rehav pagkat kailangan sila sa ibang mga kaharian bago pa nagsimula ang pagpupulong ay nilagyan muna ni Alena ng pananggalang na tubig ang silid pulungan nang saganon ay walang ibang makarinig sa kanilang pag-uusapan.
LIRA:Bilang Hara ng Lireo ay binuksan ko na ang pagpupulong na ito..ngayon na mahina na ang ating pwersa ay natitiyak ko na sasalakayin tayo ng ating mga kalaban ano mang oras,may kapangyarihan man tayo ngunit hindi natin kakayanin ang bilang ng mga hukbo nila Ether at batid naman natin na hindi makakalaban ang ating mga kawal nakita naman natin na sinubukan nga nila tayong tulungan ngunit sila ay nabigo.
AMIHAN:May nais sana akong imungkahi Hara.
LIRA:Ano iyon?
AMIHAN:Nakausap ko kanina si Cassiopea at tinanong ko sa kanya kung may sandata ba na maaring makapaslang sa mga sinaunang bampira at ang sabi niya sa akin ay maaring meron ngunit hindi ito matatagpuan sa dito sa Encantadia.
AQUIL:Kung ganon ay saan naman ito matatagpuan?
YBRAHIM:Sa mundo ng Elementia pagkat ang mga Elementian ang nakadaig sa mga nilalang na iyon at nais ko sana na kami na sila Rama Azulan, Rama Memfes at Rama Aquil ang magtungo doon kung mamarapatin ng ating Hara.
LIRA:Oo Ama pinapayan ko po kayo at ang aking mga Aldo na magtungo sa Elementia.
DANAYA:May mga tribo naman sa Elementia na maari nating makubinsi na tutulong sa atin sa labanan,di ba?
MEMFES:Oo Hara Danaya kaya pagdating namin doon ay gagawin namin ang aming makakaya upang makubinsi namin ang mga tribo doon para makiisa sa atin.
ALENA:May mga kaibigan din tayong mga Mulawin na maari nating hingan ng tulong.
PAOPAO:Ako nalang po ang magtungo sa Kaharian ng Avila at sa Pugad Lawin upang hingan ng tulong ang mga kaibigan nating Mulawin kung papayagan ako ng ating Hara.
LIRA:Sige Paopao pinapayagan kita.
PAOPAO:Avisala eshma Hara.
ANGELO:Habang ako naman ay pupuntang Devas upang humingi ng payo at gabay sa aking Ama.
LIRA:Sige Angelo gawin mo ang dapat mong gawin, bukod sa paghingi ng tulong sa mga Mulawin at sa mga Elementian ang pag-usapan naman natin ngayon ay ang ating hakbang upang hindi tayo sasalakayin ng mga kalaban.
PIRENA:Wala tayong ibang pamimilian kundi makipagkasundo tayo sa kanila,upang hindi tayo sasalakayin ng mga kalaban.
AQUIL:Sumangayon ako kay Hara Pirena,batid ko na hihingin nila Ether ang buong Encantadia at alam naman nating lahat na hindi natin iyon kayang ibigay kaya ang naisipan nating gawin ay lansihin sila.
AZULAN:Lansihin?!Batid naman natin na hindi na basta basta malalansi ang mga iyon naging mas maingat na sila kaya hindi na basta basta mabibilog ang ulo ng mga iyon.
LIRA:May naisip ka pa bang ibang paraan,Rama?
AZULAN:Wala at sabagay tama kayo ngunit siguraduhin lang natin na magtagumpay lang tayo,siya nga pala kailan tayo aalis patungong Elementia Rama Ybrahim?
YBRAHIM:Aalis tayo sa lalong madaling panahon,doon nalang tayo magkita sa Sapiro ngunit dalhin niyo pa rin ang inyong sasakyang panghimpapawid.
AZULAN:Sige Rama Ybrahim.
LIRA:May naisip na akong plano kung paano natin lansihin ang mga kalaban,ako mismo ang magtungo sa kanilang kaharian kung ano man ang nanaisin nila ay ibibigay natin ngunit,hindi natin ito tuluyang ibigay.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?