SA HILAGANG PARTE NG BAYBAYIN
GENERAL'S PROVERBS
Patuloy pa rin ang labanang nagaganap sa pagitan ng dalawang panig sa kinaroroonan ni Ybrahim ay agad lumapit si Lucio upang harapin ang Rama ng Sapiro ngunit nagpakawala pa ng kapangyarihan ang Rama ng Niyebe na naging dahilan upang mapaslang ang ilang Kawal Sapiryan.
LUCIO:Kumusta Ybrahim?(Sarkastikong bati nito)
YBRAHIM:Huwag na tayong magbatian Lucio pagkat batid nating dalawa na nais nating paslangin ang isa't-isa!
LUCIO:Hahaha!tila napaka-init ng iyong dugo sa akin Rama ngunit huwag kang mag-alala pagkat ang araw na ito ay huli na nating pagkikita!
YBRAHIM:Oo huli na nating pagkikita ito pagkat matatapos ka na sa araw na ito!
LUCIO:Ashtadi!
Kaya nilusob ni Lucio si Ybrahim at nagsimula na silang nagtagisan ng lakas at galing sa pakikipaglaban maliksi man ang galaw ng Rama ng Sapiro ngunit medyo nahihirapan siyang labanan si Lucio pagkat nadagdagan ang lakas nito dahil si Makapangyarihang Septre na hawak nito.Sa hindi kalayuan ay nakita siya agad ni Argo kaya naisipan niyang tulungan si Ybrahim kahit na dalawa na silang nakipaglaban kay Lucio ay nahirapan pa rin silang kalabanin ito.
YBRAHIM:Pashnea!
LUCIO:Nagsimula pa lang ang ating laban ano susuko na kayo?
ARGO:Sinong may sabi na susuko na kami?!
Sabay ng sumugod ang dalawa sa Rama ng Niyebe ngunit nasalo agad ito ni Lucio gamit ang kanyang lakas ay itinulak niya si Ybrahim at Argo kaya tumalsik ang Rama at Rehav.
YBRAHIM:Ayos ka lang Rehav?
ARGO:Opo Rama,maari po ba na puntahan ko na po ang ibang Rama nang saganon ay matulungan kayo na labanan si Lucio?
YBRAHIM:Sige Rehav avisala eshma..
Saka nag-ivictus na si Argo..
ARGO'S PROVERBS
Ang una kong pinuntahan ay si Rama Azulan sa Timog tamang tama ang aking pagdating pagkat kakatapos lang niya na makipaglaban sa mga alagad ni Agatha na nakapaligid sa kanya sa hindi kalayuan ay nakita niya agad ako.
AZULAN:Anong atin Rehav?
ARGO:Kailangan mo pong magtungo sa Hilaga pagkat kailangan ng tulong ni Rama Ybrahim upang labanan si Lucio..
AZULAN:Ganon ba, sige mauna na ko sa iyo puntahan mo nalang sina Aquil at Memfes..(Saka nag-ivictus ang Rama)
Ang sunod ko namang pinuntahan ay ang Silangan naabutan ko na nilunod ni Rama Memfes ang mga natitirang mga kalaban dahil diyan ay napaslang ang mga ito.
MEMFES:Avisala Rehav..may kailangan ka ba?
ARGO:Opo kailangan ng tulong si Rama Ybrahim.
MEMFES:Sa Hilaga siya naroroon di ba?
ARGO:Opo..
Nang wala man lang isang salita ay agad ng nag-ivictus ang Rama ng Adamya patungo sa kinaroroonan ni Rama Ybrahim.
Pagdating ko sa Kanluran ay nakita ko na nahirapang makipaglaban ang aming kakampi na Bandido sa alagad ni Ravana kaya ginamit ko na ang aking kapangyarihan upang matulungan ito.
BANDIDO:Avisala eshma Rehav..
ARGO:Walang anuman kaibigan,nakita mo ba si Rama Aquil?
BANDIDO:Oo nasa kaliwang bahagi siya nilalabanan ang natitirang alagad ni Ravana.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?