KABANATA II:PAGTATAKSIL NI AGATHA

338 3 1
                                    

SA NAKARAAN

SA TIMOG

AGATHA'S PROVERBS

Ilang oras na rin ako sa batis at naisip ko na bumalik sa aming kuta at nakita ko si Cassiopea at si Aldo Evades lumapit ako ng kaunti upang marinig ko kung ano ang kanilang pinag-usapan,naghanap ako ng sulok na hindi nila ako makita.

EVADES:Mga Hara at Rama sila Pirena at ang kanyang mga kasama na nagmula sa hinaharap?

CASSIOPEA:Oo,Aldo si Emre na mismo ang nagsabi sa akin sabi pa niya na sila ang tutulong sa atin pagkat hawak ng magkakapatid na Sangre ang mga brilyante ng kalikasan at nasa kamay na ng apat na Rama ang mga makapangyarihang sandata.

EVADES:Kung ganon ay sila nga ang magpapalaya sa mga diwata at makiisa pa sa atin ang Hathoria at Sapiro.

CASSIOPEA:Oo nga Aldo at labis labis na tuwa ang aking nadarama.

Tanakreshna hindi dapat ang magkakapatid na iyon ang hawak ng mga brilyante ako dapat iyon pashnea kailangan ko agad makuha ang mga ito mula sa mga warkang iyon kaya nagmadali akong umalis sa aking pinagtaguan.

Tamang-tama hindi ko na kailangang hanapin ang magkakapatid sapagkat andito lang pala sila sa dalampasigan nagsasanay kasama ang mga Rama daw na mula sa hinaharap hindi muna ako lumapit sa kanila pinagmasdan ko lang silang magsanay.

Hindi ko man maamin sa aking sarili ay magaling silang makipaglaban saka eksperto sa pagamit ng mga sandata ilang sandali lang ay gumamit na sila ng kapangyarihan kamanghamangha talaga ang mga kapangyarihan na meron sila kaya ngunit ito ay nakalaan para sa akin batid ko na hindi ko basta basta makukuha iyon kaya naisipan kong magtungo sa Hera Andal upang mag-ulat kay Avria.

HERA ANDAL

Pagtapak ko sa mismong bukana ng palasyo kagaya ng inaasahan ay sinalubong ako ng mga kawal Etherian at tinutok ang kanilang espada sa akin.

AGATHA:Hindi ako nagtungo dito upang makipag-away naparito ako upang kausapin ang inyong Hara.

KAWAL ETHERIAN:Sige maghintay ka muna dito.

Ilang sandali lang ay bumalik ang kawal saka sinamahan niya ako sa punong bulwagan kung saan naroroon si Avria.

AVRIA:Avisala Agatha,mga kawal at Dama iwan niyo muna kami(Saka naglakad palayo ang mga kawal at dama sa bulwagan) Bakit mo ako nais makausap?

AGATHA:Sapagkat nais kong malaman mo na may planong pag-aaklas ang mga Etherian.

AVRIA:Batid ko na ang bagay na iyan Agatha inaasahan ko na na mag-aaklas ang mga diwata laban sa Etheria.

AGATHA:Ngunit may mga bagay ka pang hindi mo batid.

AVRIA:Bagay na hindi batid? Ano naman iyon?

AGATHA:Makikiisa sa kanila ang Hathoria at Sapiro narinig kong sinabi ni Cassiopea na ang mga apat makapangyarihang mga diwata at ang mga kasama nila ay mga Hara at Rama na galing sa hinaharap sila daw ang magpapalaya sa mga diwata pagkat hawak ng magkakapatid ang mga brilyante ng kalikasan at nasa mga kamay ng mga Rama ang makapangyarihang sandata.

AVRIA:Bakit mo sinabi sa akin ang mga bagay na ito?Bakit naman naging Hara at Rama ang mga iyon isa lamang silang mga paslit na walang ka muwang muwang.

AGATHA:Isa nga lamang silang paslit sa inyong paningin ngunit sa kanilang galing sa pakikipaglaban at kapangyarihan sa tingin ko ay nga bunggaitan na ang mga iyon at nais ko na mapaslang  ninyo ang mga Hara at Rama habang wala pa silang planong naisagawa,kung inyong mamarapatin ay pwede akong makipagkaisa sa inyo.

AVRIA:Avisala eshma sa impormasyon na ibinigay mo sa akin at kung nais mong makipagkaisa sa amin ay susundin mo kung ano man ang ipagagawa ko sa iyo.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon