KABANATA XII:ANG SELEBRASYON

268 2 5
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Pagkatapos ng mahabang labanan ay nanaig din ang liwanag ang nang makabalik na Pirena,Amihan,Alena,at Danaya sa Encantadia ay sinalubong agad sila ng kanilang mga asawa saka niyakap at masuyong hinalikan sa labi ilang segundo lang ang nakalipas ay tumakbo ang kanilang mga anak patungo sa kanilang kinaroroonan at niyakap nila ang mga ito at hinalikan sa noo.

Marami mang nagsakripisyo ng buhay sa panig ng mga Diwata ngunit hindi ito nasasayang pagkat nakamtan na nila ang kalaayang kanilang inaasam at bumalik na rin ang liwanag na nawawala sa kanilang mundo.

Pagbalik ng lahat sa kanilang mga kaharian ay binigyan nila ng maayos at desenteng libing ang mga namatay sa digmaan saka hinirang itong mga bayani pagkatapos ng libing ay nagtungo ang lahat sa Lireo para sa piging ng kanilang tagumpay.

KAHARIAN NG LIREO

Masaya ang lahat pagkat pagkatapos ng mahabang panahon ay nagkaroon na ulit ng kapayapaan sa buong Encantadia sa naganap na pagdiriwang ay maraming pagkain at alak na nakahanda sa bawat lamesa saka imbetado ang lahat ng mga Encantado sa limang kaharian abala sa pakikipag-usap ang mga Hara at Rama sa mga bisita ganon na rin ang mga Diwani at Rehav nagtungo din ang mga taga Elementia upang sumali sa pagdiriwang.

Ilang sandali lang ang nakalipas ay sinimulan na nga ang kasiyahan pagkatapos ng kainan ay nagkaroon ng sayawan saka isinasayaw ng bawat Encantado ang kanilang mga minamahal hindi rin nagpapahuli ang mga Rama at Hara.

AZULAN:Napakaganda mo ngayong gabi aking Hara.

PIRENA:Ngayon lang pagkatapos bukas hindi na, ganon ba iyon aking Rama?

AZULAN:Hindi naman ganon,maganda ka naman palagi sa aking paningin e correi at kahit pa dumaan ang maraming taon ay hindi pa rin kukupas ang iyong ganda.😉

Saka pinisil naman ni Pirena ang tungki ng ilong kanyang Rama..

PIRENA:Malamang dahil hindi naman tayo tatanda di ba at natitiyak ko na hindi pa rin mawawala ang iyong kakisigan kahit dumaan man ang daang tao..kaya huwag na huwag kang titingin sa iba babae dahil batid mo na ang mangyayari e correi..

Malumanay man ang pagkakasabi ng Hara ngunit medjo natatakot ang Rama sa mga huling sinabi ni Pirena.

AZULAN:Alam mo naman na hindi ako titingin sa ibang babae di pagkat batid mo naman na patay na patay ko sa iyo..

PIRENA:Dapat lang..

AZULAN:Kaya mamaya e correi dederetso tayo sa ating silid..😏

Dahil diyan ay tinampal ni Pirena ang kanyang matipunong dibdib at pinandilatan siya ng mata

PIRENA:Ashtadi!paano kung may makarinig sa iyo at ang hilig mo din ano..

AZULAN:Hindi kaya ako mahilig din ngayon ko lang iyan naisipan.. hehe..😁

PIRENA:Ewan ko sa iyo..🙄pasalamat ka na asawa kita kung hindi..

May sasabihin pa sana ang Hara ng Hathoria ngunit pinutol siya ni Azulan.

AZULAN:Natitiyak ko na ganun pa rin ang mangyayari kasi naman ay may kahalina-halinang wangis ako at may matipunong katawan.😉

PIRENA:Kahit kailan ay napakayabang mo..ngunit ganon pa man ay mahal na mahal kitang ashtadi ka!

AZULAN:Mahal na mahal na mahal din kita aking Hara..

Saka masuyong nilang hinalikan ang isa't-isa na parang silang dalawa lang ang nasa loob ng palasyo.Sa kabilang banda naman ay hindi sinasadyang matingnan ni Amihan at Ybrahim  sina Pirena at Azulan.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon