BANTA NG ETHERIA

212 4 0
                                    

SA NAKARAAN

SA TIMOG

PIRENA'S PROVERBS

Nasa baybayin ako ngayon na malapit sa aming kuta naalala ko pa kung paano kami magtawanan sa Sapiro kasama sila Amihan napagtanto ko na mabait pala ang aking Ama sa itong panahon sayang kung hindi lang sana siya nagpadala sa kanyang galit at pagkapoot ay maganda sana ang aming relasyon bilang mag-ama.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha sa tuwing naalala ko ang kanyang ginagawa sapagkat puro pasakit lang ang dinadala niya sa akin at hindi siya naging mabuting Ama kahit ganon pa man ay nakadama ako ng kaunting saya sapagkat naranasan ko na naging  mabuti siya sa akin ilang sandali lang ay naramdaman ko na may paparating ngunit batid ko na si Alena iyon.

ALENA:Ano't nag-iisa ka riyan at ba't ka tumatangis?

Dali-dali kong pinahid ang aking luha at inayos ang aking sarili.

PIRENA:Naalala ko lang ang aking Ama nakadama ako ng lungkot pagkat puro pasakit lang ang dinadala niya sa akin ngunit kahit papano ay naging masaya ako pagkat naranasan ko na naging mabuti siya sa akin,sayang ano kung hindi lang sana siya nagpadala sa kanyang galit ay wala sanang kaguluhan sa Encantadia ngunit hindi pa siguro huli na bumawi siya sa akin kahit dito man lang di ba..

ALENA:Naunawaan kita kapatid ko,hayaan mo lang siyang bumawi siya.

PIRENA:Oo nga.. hali ka na bumalik na tayo sa ating kuta.

Pagdating na pagdating namin ni Alena sa aming kuta ay nawindang ang lahat ng aming mga kasamahan sapagkat biglang sumulpot si Andora at Juvila sa aming kuta kasama ang ilang mga kawal Etherian dahil diyan ay tinutukan sila ng sandata ng aming mga kasamahang diwata.

ANDORA:Hindi kami nandirito upang makipag-away.

MINEA:Kung ganon ay anong ang sadya niyo dito?

ANDORA:Naparito kami pagkat may nais iparating ang aming Hara.

CASSIOPEA:Anong nais iparating ng iyong Hara?

JUVILA:Kung hindi niyo nais na maubos ang inyong hanay ay nais niyang ibalik ninyo si Minea sa kanya at ibibigay ang mga brilyante na nasa inyong pangangalaga.

PIRENA:Tila naduduwag ang inyong Hara,sabihin niyo sa kanya na hindi namin ibibigay ang mga brilyante o si Minea!

DANAYA:Tama si Pirena kung nais niya ng digmaan ay ibibigay namin iyon sa kanya.

ANDORA:Tila ang taas ng tingin niyo sa inyong mga sarili diwata hindi niyo ba kami nakikilala?

AMIHAN:Nakikilala naman kayo,ang mga Heran ng Etheria kung hindi niyo nais mawalan ng hininga ay umalis na kayo sa aming kuta!

JUVILA:Mga pashnea, kung ganon ay nais talaga ninyong mapaslang.

ALENA:May mapapaslang man ngunit hindi kami iyon.

JUVILA:Huwag kang magyabang diwata sapagkat hindi mo pa batid kung ano ang mangyayari sa parating na digmaan bukas ng gabi.(Saka nag-ivictus pabalik sa kanilang palasyo)

Sa kanilang pag-alis ay bumalik na ang aming mga kasamahan sa kanilang mga gawain habang kami nila Cassiopea ay nag-uusap tungkol sa parating na digmaan.

MINEA:Kay lakas ng loob nilang pumarito para magbanta wala talagang kadala dala ang mga Etherian.

DANAYA:Tama ka doon Minea kailangan agad itong malaman ng Sapiro at Hathoria na nagparating ng banta ang Etheria.

ALENA:Kung inyong mamarapatin ay kami na ni Danaya ang magtungo sa Sapiro at Hathoria upang iparating ang banta ng mga Etherian.

CASSIOPEA:Sige Danaya,Alena magtungo kayo sa Hathoria at Sapiro para mag-ulat.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon