ENCANTADIA
KAHARIAN NG LIREO
Nang harapin ng mga pinuno ang mga Encantadong nasa bukana ng palasyo ay hindi na sila magtataka na may hindi magandang sasabihin ang mga ito pagkat sa ulat ni Abog ay nais silang paghigantihan ng mga ito pagkat napaslang ang kanilang mga mahal sa buhay.
LIRA:Naunawaan ko na galit kayo sa mga nilalang na pumaslang ng inyong mga mahal sa buhay,ang hindi ko lang maunawaan ay bakit kami ang tinuro niyong pumaslang sa kanila?Batid ninyo na hinding hindi namin kayang manakit o pumaslang ng mga inosenteng mamamayan lalo na kapag kapanalig namin.
MANDIRIGMA:Huwag ka ng magmaang-maangan pa Hara pagkat kitang kita namin ng mga kasamahan ko na ikaw at iyong mga magulang ang pumaslang ng mga kasamahan namin!
PIRENA:Dahan dahan sa iyong pagsasalita mandirigma huwag kang basta bastang mambintang kung walang patunay na ang mga kadugo ko ang pumaslang sa inyong mga kasamahan,batid naman siguro ninyo na maraming misteryo dito sa Encantadia di ba? Kaya maaaring mga huwad ang inyong nakasagupa!
JUNO:Bakit naman kami maniniwala sa inyo?! At anong patunay niyo na hindi nga kayo ang pumaslang mga ka tribu namin?
LIRA:Maari nating itanong kay Nunong Imaw ang mga pangyayari,kaya pumasok muna kayo kasama namin.
Pagpasok nila sa loob ng palasyo ay naabutan nila ang matandang Adamyan na kausap ang ilang miyembro ng konseho ng walang pagdadalawang isip ay agad itong nilapitan ng Hara ng mga Diwata.
IMAW:Ano ang maipaglilingkod ko Hara Lira?
LIRA:Nais po sana naming itanong sa inyo ang pagsalakay na naganap sa lupain ng mga Punjabwe,Mandirigma,Barbaro at Higantes, at mga Mulawin.
IMAW:Masusunod Hara, aking makapangyarihang tungkod ng balintataw ang ipakita mo sa amin ang sagot sa katanungan ng Hara!
Lumiwanag ang tungkod at ipinakita ang walang awang pagpaslang ng mga huwad na pinuno sa mga inosenteng Encantado saka ipanikita din na nakukulayan ng dugo ang lupain ng mga Punjabwe,Mandirigma,Barbaro at Higantes, at mga Mulawin kaya ganon nalang ang galit ng mga Encantado sa kanila.
AMIHAN:Pashnea hindi maaring maging kami ito pagkat halos buong araw ay andito lang kami sa Lireo!
PANGIL:Huwag niyong sabihin na nagsisinungaling ang tungkod ni Nunong Imaw?
DANAYA:Hindi naman kami nagsasabi na nagsinungaling ang tungkod ni Nunong Imaw,kamukha nga namin ang ipinakita diyan ngunit maaring huwad ang mga pumaslang sa inyong mga kasamahan.
LAKAN:Anong nais niyong palabasin?Na wala kayong kasalanan?!
ALENA:Naunawaan namin ang galit ninyo sa amin ngunit bigyan niyo kami ng pagkakataon na siyasatin ang mga pangyayaring ito.
MIRA:Tama si Ashti Alena kung mapatunayan man na kami nga iyon ay malugod naming tatanggapin kung ano man ang magiging kaparusahan.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay dumating si Agatha kasama si Abog.
PIRENA:Kay lakas ng loob mong pumasok dito,naparito ka ba upang samantalahin ang pagkakataon na lasunin ang mga isipan ng mga Encantadong narito?!
AGATHA:Huwag ka munang magalit Hara Pirena,naparito lamang ako upang tingnan ang inyong kalagayan.
ANGELO:Huwag ka ng magakaila Agatha pagkat nababasa ko ang iyong isipan na naparito ka upang lasunin ang mga isipan ng mga Encantadong naririto pagkat may kinalaman ka tungkol sa pagpaslang sa kanilang mga kasamahan.
AGATHA:Oo may alam nga ako tungkol sa pagpaslang na nagaganap, at wala akong kinalaman sa krimeng ginawa niyo!
PAOPAO:Kahit ilang beses ka pang magkaila Agatha malalaman at malalaman din namin ang totoo!
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?