KAPALARAN NI AGATHA

197 2 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Kasalukuyang hinaharap ni Alana ang natitirang kawal ni Agatha sa ng kanyang kapangyarihan at brilyanteng kanyang hawak ay napaslang agad ang mga ito nang biglang lumitaw si Agatha atikihin sana ng Hara ng Niyebe ang Diwani ng Hathoria ngunit naramdaman ni Alana ang kanyang presensya kaya agad nasalo ng Sangre ang kanyang pag-atake.

ALANA:Akala mo mauutakan mo ako Agatha?!pwes nagkakamali ka!

AGATHA:At akala mo ba ay hindi kita mapapaslang?!Sa katunayan ay kay dali mong paslangin ngunit nais ko pang makipaglaro sa iyo Mahal na Diwani!

ALANA:Kung iyan ang iyong nais makipaglaro ako sa iyo Hara ng mga talunan!

AGATHA:Ashtadi!

Agad sinipa ni Alana sa Agatha kaya naapatras ito ngunit nanatili pa rin itong nakatayo saka sinugod nila ang isa't-isa at nagsimula ng magtagisan ng galing at husay sa pakikipaglaban susugatan sana ng Diwani ang Hara ng Niyebe ngunit mabilis itong nakailag.

ALANA:Pashnea!

AGATHA:HAHAHA..akala mo ba ay maiisahan mo ako?!

ALANA:Oo..at sa labanang ito ang titiyakin ko na mawawala ka na dito sa Encantadia!

Nagpatuloy ang kanilang laban at dumating si Juno upang tulungan ang kanyang katipan na labanan ang Hara ng Niyebe dahil nga malakas si Agatha ay nahihirapan silang labanan ito.

ALANA:Humingi ka ng tulong nila Cassandra ako na ang bahala sa kanya.

JUNO:Ngunit paano kung mapahamak ka?

ALANA:Maging maayos lang ako dito,sundin mo nalang ang sinasabi ko.

JUNO:Basta pangako mag-iingat ka..

ALANA:Oo..

Kaya agad namang nag-ivictus si Juno patungo sa Kanluran,Hilaga at Silangan upang humingi ng tulong nila Cassandra,Adamus,at Dasha ilang sandali lang ang nakalipas ay nakarating na ang tatlo sa Silangang parte ng baybayin.Sa hindi kalayuan ay nakita nila sila Alana na malapit na madaig ni Agatha pagkat ang lakas ni Agatha sa pagkakataong ito ay hango na sa isang Bathaluman pagkat nagkaroon siya ng karagdagang kapangyarihan.

Nang walang pagdadalawang isip ay tinulungan agad ni Adamus ang pinsan upang labanan ang Hara ng Niyebe ngunit nabigo silang dalawa at ang sunod na sumugod ay si Cassandra at Dasha ngunit katulad nila Adamus ay nabigo silang dalawa.

Ngayon ay naisipan gamitin ni Cassandra ang kanyang makapangyarihang tinig at kanyang kapangyarihang hangin ngunit hindi man lang ito tumalab kay Agatha at ang sunod na gumamit ng kapangyarihan ay si Alana ginamit niya ang apoy upang labanan ang yelo ngunit nabigo din siya.

AGATHA:Hindi ako madadaig ng mga paslit na kagaya niyo!

Nang walang pagdadalawang isip ay nagpakawala siya ng isang malakas na kapangyarihan kaya tumalsik si Alana at Cassandra.

DASHA:Alana!

Kumaripas ng takbo ang Diwani ng Nathaniel upang pagalingin ang mga pinsan pagkat nawalan ng malay ang mga ito dahil ng kapangyarihang tumama sa kanila.

ADAMUS:Cassandra!..pashnea ka!humanda ka sa aking kapangyarihan.

Ginamit ni Adamus ang kanyang kapangyarihang tubig ngunit nagawa ng Hara ng Niyebe na kontrolin ang tubig at ginawa itong yelo saka itinapon ito pabalik sa Rehav ng Adamya. Pagkatapos pagalingin ni Dasha ang kanyang pinsan at hadia ay siya naman ang sunod na humarap kay Agatha sinubukang mag-anyong lobo saka sinugod ang Hara ng niyebe ngunit nabigo din siya.

DASHA:Paano kaya kung sabay-sabay tayong sumugod sa kanya?

ADAMUS:Mabibigo din tayo Dasha,nakita naman natin na tila isang Bathaluman si Agatha di ba?

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon