RAVANA

181 0 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Nasa isipan na ni Ravana na ang una niyang papaslangin ay ang Hara ng mga diwata na si Lira kaya ng walang pagdadalawang isip ay agad nagtungo ang Bathaluman sa Hilaga kung saan naroroon ang Hara habang abala si Lira sa pakikipaglaban ay ginamit ng Bathaluman ang kanyang kapangyarihan na siyang naging dahilan upang mapaslang ang ilang kawal Sapiryan.

Sa hindi kalayuan ay nakita agad ng Hara ang ginawa ni Ravana kaya ginamit din niya ang kanyang kapangyarihan upang paslangin ang mga alagad ni Ravana pagkatapos ay lumapit ang Bathaluman sa kinaroroonan ng Hara.

RAVANA:Handa ka na bang mamatay Hara?!

LIRA:Kahit kailan ay hindi ako natatakot sa kamatayan Ravana pagkat galing na ako doon! huwag ka munang pasisiguro na ang panig mo ang mananalo pagkat hindi ko iyon hahayaan!

RAVANA:Tsk..tsk..tsk..alam mo Lira kaya mo pang iligtas ang iyong sarili sa kamatayan kung susuko ka lang sa kapangyarihan ko!

LIRA:Ang dami mo pang sinasabi tapusin na natin ito!

RAVANA:Kung ganon ay ihanda mo na ang iyong sarili sa iyong katapusan!

Nang walang pasabi ay sinugod ni Ravana si Lira mabuti nalang ay nasangga agad ito ng Hara saka sinipa niya ang Bathaluman kaya napaatras ito ngunit nanatili pa rin itong nakatayo sugurin sana ni Lira si Ravana dahil nga malakas ang Bathaluman ay naunahan niya Hara kaya nasugatan ito sa braso.

LIRA:Pashnea..

RAVANA:Akala mo ba na makakaya mo akong mag-isa?!

Ilang segundo lang ay dumating ang tagapangalaga ng Brilyante ng Diwa na si Paopao,tapos sumunod si Angelo at si Mira

PAOPAO:Sinong may sabi ma mag-isa lang ang Hara na lalaban sa iyo?!

Saka agad pinagaling ni Angelo ang sugat ni Lira.

MIRA:Ayos ka lang ba? (Tanong niya sa pinsan na nag-alala)

LIRA:Oo ayos lang ako..

Tapos tumingin si Mira kay Ravana saka sinugod ang Bathaluman walang pagdadalawang isip at tinulungan siya ni Angelo kahit makapangyarihan silang dalawa ay mas lamang pa rin si Ravana pagkat isa siya sa makapangyarihang Bathaluman sa buong Encantadia kaya nadaig ang Diwani ng Hathoria at Rehav ng Devas.

ANGELO:Pashnea!

At ang sunod na sumugod sa Bathaluman ay si Lira at Paopao ngunit kagaya ni Mira at Angelo ay nabigo silang madaig ang Bathaluman.

RAVANA:Kagaya ng inyong mga magulang ay makapangyarihan nga kayo at mahusay sa pakikipaglaban ngunit hindi pa rin sapat ang inyong kapangyarihan at lakas upang labanan ang isang Bathaluman!HAHAHA!😈

MIRA:Nagsisimula pa lang ang ating laban Ravana at hindi ka naman hahayaan ng manaig ang iyong pwersa!

Sa pagkakataong ito ay sabay sabay sumugod si Mira,Lira,Angelo,at Paopao kay Ravana dahil may kakaibang lakas at liksi ang Bathalumang kanilang kinalaban ay isa isa silang tumalsik nang walang pagdadalawang isip ay gumamit na ng kapangyarihan si Ravana mabuti nalang na nakita agad ito ni Paopao saka nakagawa agad ito ng pananggalang.

ANGELO:Pwede naman siguro pag-isahin natin ang ating mga kapangyarihan di ba?

Paopao:Maari ngunit paano kung hindi gumana?

LIRA:Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan.

MIRA:Sang-ayon ako kay Lira.

RAVANA:Pinag-usapan niyo na ba ang inyong kamatayan mga diwata?

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon