ELEMENTIA
AMAZONA
FLORA'S PROVERBS
Nais ng mga dayo na patunayan ang kanilang mga sarili upang karapatdapat silang pagkitiwalaan ano ba talaga ang intensyon ng mga ito? tanong ko sa sarili.
FLORA:Sige bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang patunayan ang mga sarili ninyo na dapat kayong mapagkakatiwalaan ngunit kung may magtataksil na kahit sino sa inyo ay may kaparusahan, malinawanag?!
YBRAHIM:Avisala eshma,salamat..
FLORA:Huwag ka munang magpasalamat encantado pagkat hindi pa natin batid ang mangyayari,ihatid niyo na sila sa kanilang mga kubol.
Pagkatapos ihatid ng aking mga katribo ang mga dayo ilang sandali lang ay tumutulong sila sa aming mga gawain habang naging abala kami ay may naramdaman akong may paparating na panganib.
FLORA:Maghanda kayo pagkat may paparating!
YBRAHIM:May binubulong ang hangin na paparating na ang mga pirata.
Tama nga ang sinasabi ni Ybrahim sila Nordicko nga ang paparating at ang kanyang mga Pirata.
NORDICKO:Magandang hapon Flora!
FLORA:Andito ba kayo upang pumaslang at magnakaw?
RENO:Ganyan ba kayong tumanggap ng inyong panauhin?
AZULAN:Di ba kayo iyong nakasagupa namin?, mabuti pang umalis na kayo bago pa may masaktan sa inyo.
NORDICKO:Kayo nga ang nakasagupa namin kung ako sa inyo ay huwag na kayong makialam!
MEMFES:Bakit naman kami hindi makialam?! mga kasamahan namin ang ginugulo niyo kung ayaw niyong masunog o mawalan ng hininga kundi malunod o kaya kainin ng lupa ay umalis na kayo!
RENO:Tila ang taas ng tingin niyo sa inyong mga sarili kung tutuusin ay dayo lamang kayo dito!
NORDICKO:Mabuti pang tapusin na natin ito! mga pirata sugurin sila!
GENERAL'S PROVERBS
Nang walang pagdadalawang isip ay sinugod ang mga Rama at ang mga Amazona ng mga Pirata kaya wala silang pamimilian kundi labanan ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata.Pinalibutan ng mga kalaban sina Ybrahim at Azulan marami man ang nakapalibot sa dalawang rama ay hindi sila nagpapatinag sa bilang ng mga ito ginamit nila ang kanilang husay at galing sa pakikipaglaban kaya napaslang ang karamihan sa mga piratang nakapalibot sa kanila upang madali ang kanilang laban ay nagpakawala ng apoy si Azulan na siyang naging dahilan upang maging abo ang mga natitirang kalaban.
YBRAHIM:Wala pa lang binatbat ang mga ito.
AZULAN:Sinabi mo pa.
Wala pa ngang isang minuto ay may bagong kalaban na naman ang nakapalibot sa dalawang Rama.
AZULAN:Pashnea pinalibutan na naman tayo!
YBRAHIM:Akong bahala...Kapangyarihan ng Hangin sinasamo kita na kitlan ng hininga ang mga Piratang nakapalibot sa amin!
Sinunod naman si Ybrahim ng kanyang kapangyarihan at nawalan ng hininga ang mga Piratang nakapalibot sa kanila ni Azulan pagkatapos ng kanilang laban ay pinuntahan agad ng dalawang Rama ang mga ibang Amazona upang tulungan sa pakikipaglaban.
Kagaya ni Azulan at Ybrahim ay pinalibutan din sila Aquil at Memfes ng mga kalaban gamit ang kanilang galing at husay sa pakikipagdigma ay nadaig nila ang mga ito ngunit may bago na namang nakapalibot sa kanila.
AQUIL:Wala na akong panahon sa inyo mga pashnea!
Gamit ng Kapangyarihang Lupa ni Aquil ay pinakain niya sa lupa ang karamihan sa mga pirata na kanilang nakasagupa.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?