ITIM NA MAHIKA

207 1 0
                                    

KAHARIAN NG ETHERIA

ETHER'S PROVERBS

Kasulukuyan naming pinanood ni Ravana, Agatha, at Lucio ang naganap sa magkakapatid na Sangre at mga Rama sa mundo ng mga tao nakakatuwa na nahihirapan silang kalabanin ang aking mga alagad at natitiyak ako na hindi magtatagal ang kanilang laban mapapaslang din sila ng mga pashneang aking nilikha.

AGATHA:Magaling Bathaluman mukhang hindi na nga sila makakabalik dito sa Encantadia.

ETHER:Hindi na nga sila makakabalik ng Encantadia pagkat nilikha ko ang mga halimaw na iyan para pumaslang sa kanila..HAHAHA!

LUCIO:Ngunit ano itong nangyayari Bathaluman tila napag-aralan na mga diwata ang galaw ng iyong mga alagad.

ETHER:Pashnea paano nangyayari ito!

RAVANA:Mukhang mapapaslang nga ang iyong mga alagad Ether ngunit hindi bale pagkat sumasangayon naman ang lahat sa ating plano.

KAHARIAN NG HATHORIA

MIRA'S PROVERBS

Hinding-hindi ako makapaniwala na magagawa nila Agatha at Lucio na pagtaksilan ang kanilang mga Bathaluman kahit na ipinakita ni Nunong Imaw kung paano nilabanan ni Lucio at Agatha ang mga alagad nila Ether ramdam ko na hindi totoong nakipagkaisa ang Hara at Rama ng Niyebe.

ALANA:Ate..(Tawag pansin sa akin ng aking kapatid)

MIRA:Alana bakit?

ALANA:Ayos ka ba?

MIRA:Oo bakit naman?

ALANA:Kasi kanina ko pa po napansin na napakalalim ng iyong iniisip.

MIRA:Wala ito Alana.

ALANA:Anong wala na kanina ka pa tulala diyan,sabihin mo na.

MIRA:Hindi naman na pinagdudahan ko ang ipinakita sa amin ni Nunong Imaw sa punong bulwagan,ngunit hindi pa rin akong naniniwala na pinagtaksilan ni Agatha at Lucio sila Ether at Ravana.

ALANA:Ako din nagdududa pa rin ako sa Hara at Rama ng Niyebe ngunit napansin mo po ba si Ate Lira parang nawala na ang kanyang pagdududa sa dalawang pashneang iyon.

MIRA:Napansin ko din iyon at umaasa ako ng hindi magdulot ng kapahamakan sa ating lahat ang kanyang pagtitiwala. 

GENERAL'S PROVERBS

Naibalik na ng mga sandata ang Sibat ng Apoy naglabas ito ng itim na mahika at kumakalat sa buong palasyo kung sino mang Encantado na matatamaan sa itim na mahika ay lilipat ang katapatan sa mga kalaban.

Kagagaling lang ng Mashna ng Hathoria sa kanyang paglalakbay at patutungo sana siya sa Kamara ng mga Sandata ngunit sa kanyang paglalakad ay nagtataka siya kung bakit walang mga malay ang mga Hathor na nasa kanyang paligid kaya agad niya itong dinaluhan.

ERES:Pashnea ano ang nangyayari dito, ayos lang ba kayo?

Ilang segundo lang ang nakalipas ay bumangon na ang mga ito at tinutukan ng sandata ang mashna saka kinalaban siya ng kanyang mga kawal.

ERES:Sheda!anong nangyayari sa inyo hindi niyo ba ako nakilala?

KAWAL HATHOR:Dapat ka lang paslangin!

Saka sinugod ang Mashna ng Hathoria ng mga ito wala siyang pamimilian kundi labanan ang kanyang mga kawal.

Kasalukuyang nasa punong bulwagan sina Mira at Alana at nagtataka sila nang biglang mawalan ng malay ang kanilang mga kawal lalapit sana sila sa mga ito ngunit ilang segundo lang ay nagkamalay na ang mga ito ulit.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon