KABANATA V:BASBAS NI CASSIOPEA

264 3 0
                                    

GENERAL'S PROVERBS

Sa kaharian ng Hathoria,Sapiro,at Adamya ay may seremonyang nagaganap para sa mga namayapa.Sa tradisyon ng mga Hathor ay binalot ng binalot ng tela ang mga labi namayapa pagkatapos sinunog nila ang mga ito, sa Sapiro ay binalot ng puting tela ay bangkay tapos inilagay nila ito sa balsa at pinalutang sa dagat saka ginamit ng mga mamamana ang paso na may apoy upang sunugin ang bangkay, habang sa Adamya kagaya ng kaugalian ng mga diwata ay hinayaan na nila ang mga retre na ang kumuha sa mga katawan ng mga patay.

Pagkatapos ng seremonya ay humingi ng tawad ang mga pinuno ng mga namatay pagkat huli na ng matuklasan nila na nasa ilalim lang pala ng itim na mahika ang kanilang mga kawal bilang kabayaran ay binigyan nila ng lupa ang pamilya ng mga ito nang saganon ay may kabuhayan sila at binigyan nila ito ng ilang ginto.

KAHARIAN NG LIREO

Pagkatapos ng seremonya ay dumeretso na ang lahat sa Lireo at pumasok na ang lahat sa silid pulungan ang Rama,Hara,at mga miyembro ng konseho habang ang mga Diwani at Diwan ay nag-aantay sa sala ng Lireo.

SILID PULUNGAN

Kasalukuyang nakaupo ang lahat sa bilog na mesa ng silid pulungan ng walang pag-aalinlangan ay binuksan na ng Hara ng mga diwata ang pagpupulong.

LIRA:Bilang Hara ng mga diwata ay binubuksan ko na ang pagpupulong na ito,batid ko po na nais niyong malaman ang mga kaganapan dito habang wala kayo kaya Lolo Imaw maari mo bang ipakita sa kanila ang mga kaganapan.

IMAW:Masusunod Hara, makapangyarihang tungkod ng balintataw ipakita mo ang mga kaganapan sa oras na wala pa ang mga Hara at Rama.

Lumiwanag ang tungkod ni Imaw saka ipinakita na pinuntahan nila Mira,Lira,Angelo,at Paopao si Ravana upang itanong kung nasan sila ipinakita din ng tungkod na sinubukan nila Lira na hanapin ang kanilang magulang ngunit sila ay nabigo pagkatapos ay nagluluksa ang buong encantadia dahil iniisip ng mga encantado na patay na ang magkakapatid na Sangre at mga Rama.

Hanggang sa isinumpa ni Adamus ang lahat ng mga kawal nila Ether na magkaroon ng milubhang karamdaman at kung paano lumapit ang mga kalaban sa Hara ng mga diwata upang isauli ang Sapiro, Lireo, at Adamya na walang pagdadalawang isip ipinakita ang naganap na salakayin ng mga kubor ang Lireo at kung paano tulungan ni Agatha at Lucio ang mga diwata na labanan ang mga ito.

Ang huling ipinakita ng tungkod ay nilaban ng Hara at Rama ng Niyebe sina Ether at Ravana upang mabawi ang mga makapangyarihang sandata ng tatlong kaharian at nagtungo ang dalawa sa Lireo upang isauli ang mga sandata.

IMAW:Iyan lang ang ipinakita ng aking tungkod mga kamahalan.

LIRA:Avisala eshma.

PIRENA:Hindi naman sa pinagdudahan ko ang ipinakita ng iyong tungkod Nunong Imaw ngunit sa talaga ako naniniwala na totoong pinagtaksilan nila Ravana ang kanilang mga Bathaluman para lang tulungan tayo.

LIRA:Ngunit Ashti hindi naman nagsisinungaling sa atin ang tungkod ni Nunong Imaw at wala naman po sigurong dahilan na magpapakita ito ng kasinungalingan.

AZULAN:Batid ko Lira ngunit alam mo naman na dalawa sa ating mga kalaban ay mga Bathaluman alam mo naman na makapangyarihan ang mga ito maaari silang lumikha ng mga ilusyon na pwedeng ipakita ng tungkod.

LIRA:Batid ko naman iyon Aldo ngunit...

Magsasalita pa sana si Lira ngunit pinutol siya ng kanyang Yna.

AMIHAN:Tama ang iyong Aldo Azulan Lira kaya bilang Hara ay huwag kang maniwala agad sa mga ipinapakita ng mga kalaban pagkat maari itong magdulot ng kapahamakan sa ating lahat.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon