VANESSA'S PROVERBS
Gaya ng sinabi ko kay Hara Alena na pupuntahan ang kanyang mga kapatid una akong nagtungo sa Silangan kung saan naroroon si Hara Pirena mabuti nalang na nahanap ko siya agad ngunit naabutan ko siyang nakipaglaban sa mga natitirang mga alagad ni Agatha ginamit ko na ang aking kapangyarihan upang makatulong sa kanila nila Rama Azulan.
PIRENA:Avisala eshma Vanessa.
VANESSA:Walang anuman po kailangan na natin magtungo sa Hilaga at Kanluran para sunduin sina Hara Amihan at Hara Danaya pagkat kailangan ng tulong Hara Alena!
AZULAN:Kung ganon ay kailangan niyo magmadali ako na ang bahala dito.
Sabay na kaming nag-ivictus sa Hilaga kung saan naroroon si Hara Amihan nakita namin siyang nakipaglaban sa mga alagad ni Lucio kasama ni Rama Ybrahim kaya tinulungan na namin sila upang maubos agad ang mga kalaban na nakapalibot nila ng Rama.
AMIHAN:Avisala eshma!
PIRENA:Kailangan na nating magtungo sa Kanluran para sunduin si Danaya pagkat kailangan ni Alena ng tulong!
YBRAHIM:Ako muna ang bahala dito Mahal kailangan niyo ng magmadali!
Pagdating namin sa Kanluran ay naabutan namin si Hara Danaya at Rama Aquil na nilalabanan ang mga sinaunang bampira at ilang mga kawal Etherian naisipan na nila Hara Pirena at Hara Amihan na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang masundo agad si Hara Danaya.
DANAYA:Ano ang ginagawa niyo dito?
AMIHAN:Kailangan na nating magtungo sa Silangan kung saan naroroon si Alena pagkat kailangan niya ng ating tulong!
DANAYA:Ngunit kailangan pa ako ng aking mga kawal.
AQUIL:Ako ng bahala kaya magtungo na kayo sa Silangan!
VANESSA:Mauna na po kayo sa Silangan pagkat may mga kawal ditong nangangailangan ng tulong!
Tumango naman ang tatlong Hara saka nag-ivictus patungong Silangan.
SA SILANGANG PARTE NG DALAMPASIGAN
GENERAL'S PROVERBS
Naabutan nila Pirena,Amihan,at Danaya na nahihirapan na si Alena na labanan si Ether nang walang pagdadalawang isip ay ginamit ni Danaya ang kanyang kapangyarihan na siyang naging dahilan upang mabitawan ni Ether si Alena.
ETHER:Ashtadi!
DANAYA:Kay lakas ng loob mong saktan ang aming kapatid!(Sabi ni Danaya habang dinaluhan si Alena)
ETHER:Nandito pala kayo bago ko kayo paslangin ay may huling mensahe ba kayo sa isa't isa?
PIRENA:Kung may mamaalam man dito ay hindi kami iyon batid natin na kayang kaya ka namin talunin di ba?!
AMIHAN:Tama si Pirena kaya kung ako pa sa iyo ay ipagdasal mo na ang iyong kaluluwa sa pinakamataas na Bathala nang saganon ay tanggapin ka sa langit ng inyong pinagmulan!
ETHER:Nakakasiguro ba kayo na madadaig niyo ako sa digmaang ito? Pwes,hindi pagkat simula pa lang ito!
ALENA:Ang ibig mo bang sabihin ay ito pa lang ang simula ng iyong katapusan?Tama ka nga doon pagkat pagkatapos ng labanang ito ay maging abo ka na!
ETHER:Mga lapastangan mabuti pang simulan na natin lamang man kayo sa pagkakataong ito ngunit di bale pagkat walang katiyakan na mananalo kayo HAHAHAHA!😈😈mas maganda kung hindi tayo dito maglaban pagkat may supresa pa ako sa inyo?
DANAYA:Ang dami mo pang sinasabi anong sinasabi mong supresa ipakita mo na sa amin nang saganon ay matapos ka na!
SA MUNDO NG MGA TAO
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO)
FantasyAng librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?