-YEAR 2011-
'jGh gRavE pAgud mUch !!! sElpiE mUnA pArA uAlA nA pG0d jejejeje !!!
#sElpiEL0RD
#b0sZ.mAldiTa@bEntEkuWatR0'#sIngLeReAdY2miNgLe<3
Pinost ko na ang selfie ko sa facebook at bumaba na para sa hapunan. Inayos ko muna ang itsura ko sa salamin bago umupo sa lamesa.
"Mababa na naman ang grades mo Sabrina. Maiintidihan ko pa kung puro otso ang nasa card mo, kaso puro siyete! Halos siyete lahat at dadalawa lang ang otso! Ni wala ngang nuwebe! Ano ka ba namang bata ka, hindi ba't sinabi ko sayo, mag-aral kang mabuti! Puro ka facebook! Puro ka cellphone! Ano mapapala mo jan! Mapapakain ka ba nyan pag nagkanda-bagsak bagsak ka na?!" galit na galit na naman si mama, kakain nalang eh. Nagsalok na ako nang kanin at ulam sa plato ko, binilisan kong kumain dahil naririndi ako sa bunganga nya.
"Bat di mo gayahin tong ate mo! Nag-aaral nang mabuti! Matataas ang grades! Samantalang ikaw, puro pasang awa! Sus ginoo! Hindi ko alam kung san ka nagmana eh matalino naman kami nitong tatay mo!" dagdag nya pa habang nagsasalok nang kanin.
"Eh di kayo nang matalino." pabalang kong sagot.
"Aba! Natututo ka na talagang sumagot sa akin nang pabalang ano! Yan ba natututunan mo kakafacebook?! Ano na bang maipagmamalaki mo?!" galit talagang sagot nya at tumayo pa para duru-duruin ako.
Tumayo na ako, wala ako sa mood makipagsagutan sa kanya. "Maalat yung pritong galunggong. Dahan dahan lang sa asin, magka-UTI tayo neto lahat." Nilagay ko na ang plato ko sa lababo.
"Sabrina! Bumalik ka dito! Kumain ka pa at ampayat payat mo na!" hindi ko na pinansin si papa nung nagsalita ito, dumiretso na agad ako sa kuwarto ko.
Agad kong kinuha ang phone ko. Nababadtrip ako, tanginang bunganga yan, di pa pinatapos ang hapunan. Magpopost dahil nabibwisit ako.
'eDi kAu nA mtAlin0 !! aq0h nA b0b0 ?! tA2lin0 nyU lhAt alm nyU ?!!'
Mga hunghang! Edi kayo na matatalino mga putangina nyo
----------------
"Bhe! nakikita mo yung guy na yun?" pag talaga pogi ambilis nang mata netong si Chloe.
"Saan?" tanong ko pa
"Ayun oh!" dinuro nya ang puno sa tabi nang basket ball court. Nandito kami sa court dahil ayaw ko sa canteen, madaming chismosa don na sinasabihan ako nang kung ano ano.
"Ampogi bhe! Kaso mukhang masungit." sabi pa ni Chloe.
Tinignan ko yung lalake, payat, mestiso, maayos ang gupit, angganda nang mata, at mukhang seryoso sa binabasa. Pogi nga.
"Bet ko dai! Lapitan natin dali!" Tatayo na sana si Chloe nang pigilan ko sya.
"Wag na, di na naman makutento yang puday mong gaga ka." sabi ko pa.
Napatingin ulit ako sa lalakeng nasa ilalim nang puno, seryoso pa rin ito sa binabasa.
Hmm, pwede na....
-------------
"Nabibwisit ako jan sa grupo nang Shantal na yan, nagpaparinig na naman! Nilalandi ko daw yung jowa ni Mica, eh putangina magkamukha naman sila nang jowa nya, parehas chaka!" naiinis na sabi ni Jade habang naglalakad kami pauwi galing school.
"Naartehan ako sa mga keme nila! Kala mo naman kegaganda, mukha naman silang pinagsasampal sa kapal nang blush on! Pagsasampalin ko talaga sila eh mga putangina nila!" dagdag pa ni Jade
"Kung magagawa mo yun gaga! Alam mo naman yung mga yon, mga sipsip sa teacher." sabi ko pa
"Pag talaga ako di nakapagtimpi sa mga pagpaparinig nila, makikita talaga nila si satanas nang maaga sinasabi ko sa kanila." sabi pa ni Jade
"Eh ang tanong, nilalandi mo ba talaga yung jowa ni Mica?" tanong naman ni Chloe
"Hindi no! Panget panget nung Romy na yun eh! Mukhang pinisat nang bulldozer yung ilong! Tsaka sya lang naman yung lapit nang lapit sakin, nagtatanong nang kung ano ano! Eh malay ko bang selosa yung atrimidang Mica na yon! Pagbuhulin ko pa silang dalawa eh!" inis na sabi ni Jade
"Hayaan mo na. Pag papatulan mo lalo ka lang nilang paparinggan nang paparinggan. Maliliit yung mga utak non parang joga nila." sabi ko pa
"Maliliit joga nila, atleast tayo pinagpala!" sabi pa ni Chloe sabay tumawa nang malakas.
------------
I'm Sabrina De Guzman. 14 years old. Second year high school. Kilalang malandi, pokpok, warfreak sa school. Eh hindi naman ako ganon. Jinudge kasi ako nang mga tao dito sa school based sa unang impression nila sa akin. Mukha daw akong mataray tas yung tipo nang babaeng nagpapajugjug sa iba't ibang lalaki. Nung una, syempre naoffend ako, kasi hindi naman ako ganon. Pinatunayan ko pa na hindi ako ganong tipo nang babae. Eh ewan ko ilag pa rin sila sakin hanggang ngayon, kesyo anlakas ko daw magmura, pala-cutting, tamad mag-aral, mga kaibigan ko pulos mga gunggong na lalake sa school. Eh bakit ba? Ganon ako eh. Kaso ayaw nila nang ganon. Matatalino kasi sila, eh hindi naman ako matalino. Gusto kasi nila yung nayayabangan nila nang utak nila, ampaplastik. Madalas pag may groupings sa room, walang may gustong kunin ako. Kesyo baka maging pabigat lang daw ako, maging rason para bumagsak sila. Fine, di ko naman kayo kailangan. Sanay naman ako mag-isa.
Si Chloe at Jade lang friends ko sa school, isama na natin yung mga lalaking estudyanteng nuknukan nang bastos nang ugali pero nirerespeto naman ako, the rest, ilag sakin. Ayaw nila sakin. Lalo na yung grupo nila Shantal. Sila yung grupo nang maarteng babae sa batch namin. Puro paganda, nahuhuthutan ang teacher kaya matataas ang grades. Andami nagkakagusto sa kanila pero naawa ako sa mga yon, di kasi nila alam ang ugali nang nagugustuhan nila.
Madalas ako paringgan nang mga yon, madalas aa canteen nangyayari kaya ayoko don. Pinaparinggan nila ako na kesyo nilandi ko daw yung jowa nung isa nilang tropa na si Jamie, tas sinulot ko daw yung jowa ni Ashley, isa ding katropa nila, tas may nangyari na daw samin nung recent ex ni Shantal. Kung ano anong issue na kumakalat na pawang walang katotohanan lahat.
Nasa gate palang ako ay rinig ko na ang pag-aaway ni mama at papa. Madalas ay pera ang pinag-aawayan nila. Demanding kasi si mama sa pera, hindi kasi matigil si papa sa bisyo nya. Merchandiser si papa sa department store, may sarili namang karinderya si mama sa may palengke.
"Ang liit liit na nga nang sahod mo, pinang-inom mo pa! Ipapangkain mo na nga lang samin, ipinamigay mo pa sa iba! Sino ba talagang pamilya mo ha?! Bote nang alak ko kami?!" galit na sigaw ni mama, sa may sala sila nag-aaway. Dere deretso lang ang pasok ko hanggang makaakyat sa kwarto. Nagbabangayan pa rin silang dalawa pagkapasok ko nang kwarto, rinig na rinig ko ang bunganga ni mama hanggang dito.
Pinunasan ko nalang ang luhang umalpas sa mga mata ko, pinigilan kong umiyak dahil ayoko sa lahat yung umiiyak ako. Pakiramdam ko kasi ay mahina ako pag umiiyak ako.
"Tanginang buhay to, di matapos tapos ang problema." sabi ko pa sabay natawa nalang.
-------------
To be continued.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
عاطفيةDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.