32

18 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa waiting shed dahil hinihintay namin yung dalawang lalaki. Pinatawag kasi sila sa faculty dahil may iaannounce daw sa kanila.

"Nadagdagan tayo! Ang saya saya hehe! Nung first year tayo, tayong tatlo lang din magkakakilala. Ngayon nadagdagan tayo, wala ansaya lang hehe." sabi ni Chloe.

"Oo nga eh. Simpleng pogi din si Arvin ano?" sabi ni Jade.

"Aba oo! Medyo close kami nun dahil kinokopyahan ko yun dati pag may quiz. Section 3 dati yun eh tas nilipat lang ng Section 2 kasi tumaas yung grades." sagot pa ni Chloe. Pag kasi tumaas ang grades mo at pasok ito sa quota grade ng higher sections ililipat ka nila don. Ako simula first year Section 8 na talaga.

"May dalawang poging tropa na tayo hehehe si Neo at si Arvin." sabat ko pa.

"Tsaka masarap magkaron ng tropa na lalaki, lalo na't may respeto. Hindi nga lang maiiwasan mafall minsan." natamaan naman ako sa sinabi ni Chloe leche.

"Hoy ikaw ah! Bago magpasko hindi sumasabay sa atin si Neo, dahil nga umamin ka sa kanya diba? Ngayon sumasabay na ulit, at iba ang tinginan nyo ah! Sabihin mo nga sakin, may something kayo no?!" panghuhuli sa akin ni Jade. Napalunok naman ako.

"Ay oo nga! Nung Christmas party nung gumagala na tayo para kang mental na naglalakad habang nakangiti! Gusto nga kita sapakin dahil pinagtitinginan tayo ng mga tao!" sabat pa ni Chloe. Napalunok ulit ako.

"May something na nga kayo ni Neo?"

"May nangyari na sa inyo?"

"Umamin din sya?"

"Gusto ka rin nya?"

"Sandali nga sandali nga!" pigil ko sa kanila. Salitan pa ang pagtatanong eh.

"Mga kaibigan andito po tayo ngayon sa The Buzz upang kumpirmahin ang estado ng relasyon ni Neo Soriano at Sabrina De Guzman. Sab, maaari mo bang ikwento sa amin ang estado ng relasyon ninyo ni Neo?" nag-ala Boy Abunda si Chloe, ginamit pang microphone ang suklay nya.

"Ewan ko sayo Chloe. Kamukha mo yung bumbunan ni Boy Abunda." inirapan ko pa ito.

"Oo nga! Is it true ba? Na you and Neo are dating?! Oh my god! I'm gonna tell Bimby!" nag-ala Kris Aquino naman si Jade.

"Ewan ko sayo! Kamukha mo si Darla!" inirapan ko pa ito.

"Aminin mo na kasi bakla ka!"

"Oo na! Eto na nga magkekwento na nga!" kwinento ko naman lahat ng nangyari, simula nung sa loob ng Jail Booth hanggang sa kanina. Habang nagkekwento ako ay panay ang hampasan ni Jade at Chloe sa kilig.

"Tangina bakla! So anong progress nyo na ngayon?" kinikilig na tanong ni Chloe.

"Hmm, sabi nya kasi manliligaw sya." sagot ko pa. Naghampasan ulit sila sa kilig.

"Ay nako dai! Basta ako support support ako sa inyong dalawa!" sabi pa ni Jade.

Natigil na kami sa kwentuhan nung lumapit na sila Neo, may kasama silang babae.

"Si Nicole nga pala! Kateam namin sa Regionals." pakilala naman ni Arvin sa kasama nilang babae. Ang ganda naman nito. Singkitin, saktong pangangatawan, mestisa. Mukhang koreana.

"Hi! Nice to meet you all! I'm Nicole Jung!" pakilala naman nung girl.

"Hi!! Chloe hehe!"

"Jade is the name!"

"I know you! Ang galing mo sumayaw!" puri naman ni Nicole kay Jade.

"Uy hindi ah sakto lang!" pahumble amp.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon