35

34 0 0
                                    

At akala ko naman eh makakapag-usap pa ulit kami.

Hindi na pala.

Sobrang naging busy ng lahat, eh pano ba naman, 1 week nalang before ang mass demo. Todo aral na sila for spelling bee at todo practice na rin kami ng sayaw. Wala na ngang mga klase ngayon eh, nalalaan na sa practice at paggawa ng props.

Ang ayoko lang sa ganito eh andaming mainit ang ulo. Kanina nga eh galit na galit ang adviser namin dahil halos hindi pa kumpleto ang props. Mainit nga rin ang ulo ni Jade sa mga kaklase namin na ang lamya sumayaw. Nakakaloka.

Papasok ka na nagbabaga ang ulo ng mga tao. Pag ganito rin talaga usong uso yung mga issue na bida bida si ganito bida bida si ganyan tas si ganito kesyo walang ambag, jusko. Ang ayaw ko din dito eh sandamakmak ang ambagan, sakit sa bulsa beh. Andami pang oportunista, pag ganito rin talaga naglalabasan ang baho ng mga tao.

Literal na baho ah, dahil kada magpapractice kami ay sa malamang sa malamang eh pinagpapawisan kami. Nangangamoy jutok at janghit ang iba kong kaklase. Nakakaloka, di uso ligo sa inyo beh? Aga aga eh nagmumura na ang kili kili, galit na galit at nananapak ang amoy.

Ang theme ng mass demo namin ay Musical Performances ng kada sikat na Musical Play. Napunta nga sa amin ay Rock of Ages, lahat ng kanta ay pinagremix remix na lang namin. Isang Musical Performance lang kada year level, ang bawat section ang bahala mag-isip ng pakulo. Isa ako sa taga-gawa ng props dahil yun lang naman ang ambag ko. Taga-bili ng ganito, ng ganyan, shutanginess aga aga eh haggardo versoza ang lola mo. Pang-pokpok ang outfit namin dahil yun ang theme ng Rock of Ages. Nakakaloka.

Nakakaguilty nga eh dahil nakalimutan ko yung amin ni Neo, actually hindi ko nga sya nakikita. Hindi na rin naman ako nakakapaglunch mag-isa sa field dahil kadalasan ay sa room na ako naglalunch habang gumagawa ng props. Nakikita ko si Chloe minsan pero sila Arvin at syempre ang hitad na si Nicole ay di ko nakikita. Hays sana nga matapos na to ng makapagsama sama na kami ulit.

At makausap ko na sya.

Miss na miss ko na sya. Kaso inuunahan ako ng pride ko, kung gusto nya makipag-ayos, sya ang lalapit sa akin. Kaso nga eh sobrang busy na namin dahil nga sa mga activities. Hindi naman ata halata ni Jade na hindi kami okay ni Neo, focused sya masyado sa presentation namin dahil determinado syang manalo. Si Chloe naman ay minsan ko lang makita. Gustong gusto ko syang puntahan kaso hindi naman ako makatakas dito sa gawain ko, minsan ay nakakalimutan ko pa puntahan sya. Pag uwian naman ay hindi ko sya mapuntahan sa kanila dahil sobrang pagod na ang katawang lupa ko.

Gusto ko na syang makausap. Gustong gusto ko na sya yakapin para makapagpahinga ako.

-------------------

Gabi before ng mass demo.

Sobrang lungkot ko, at hindi ko alam kung bakit.

Ewan ko, may times talaga na ganito ako. Sobrang lungkot. Teenager problems. Biglaang makakaramdam ng kalungkutan. Naiiyak ako na ewan. Nilalamon ng lungkot ang utak at isip ko. Parang any moment eh magkakaroon na ako ng mental breakdown.

Marahil ay dala na rin to ng sobrang pagod sa lahat ng activities sa school, at isama mo pa yung sa amin ni Neo.

Miss ko na talaga sya. Sya lang ang pahingahan ko.

At hindi ko alam kung paano, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa bahay nila.

Panay ang punas ng luha ko habang naglalakad papunta sa kanila. Idagdag mo pa ang atmosphere, malamig ang hangin na dumadampi sa balat mo at ang tanging maririnig mo lang ay gamo gamo. Parang pati ang paligid ay nakikisama sa lungkot ko...

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon