Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa kinakatayuan ko, di talaga ako makaget over sa nakita ko kanina. Bumalik lang ako sa wisyo nang sumulpot sa harap ko si Tita.
"Sabrina? Ikaw nga! Naku matagal tagal na rin nung huli kitang nakita!" tuwang tuwa na sabi ni Tita. "Dinadalaw mo si Neo? Pasok ka nalang ha? Gising naman na sya. Papasok na kasi ako ng work." dagdag nya pa. Napatingin pa ako sa suot nya, nakapang office attire na nga ito.
"A-ah sige ho tita hehe." nasagot ko nalang.
"Kain ka lang dun ha? Paluto mo kay Neo yung gusto mo." sabi pa nito. "Oh sya mauuna na ako ha? Malelate na ako." paalam pa nito. Nagbless pa muna ako sa kanya bago tuluyang tumuloy sa tapat ng gate nila.
Itext ko kaya siya na andito na ako? Agad ko namang kinuha ang cellphone ko.
'd2 na me 😍'
Lumipas pa ang ilang minuto, di sya nagrereply. Nagdesisyon naman na akong pumasok ng bahay nila, oks lang naman ata kay tita, sabi nya pasok lang daw ako eh. Isinara ko pa ang gate nila. Pagkarating sa pintuan nila ay tinanggal ko ang slippers ko, at hinilera sa slippers nya ata na nasasapinan ng door rag. Kinapalan ko naman ang mukha ko sa pagkuha nung slippers sa shoe rack na sinuot ko dati nung pumunta ako dito. Slippers to pangloob ng bahay para hindi madumihan ang sahig.
Hindi masyadong sarado ang pintuan kaya agad naman akong nakapasok, at bumungad sa akin si Neo.
Nakadapa sya sa sofa nila at natutulog.
Wala pa rin syang pantaas. Halos umangat na ang boxers nya sa pagkakahiga kaya napaiwas pa ako ng tingin. Grabe mas maputi pa legs nya sa akin. Legs ko parang legs ng kabayo eh. Tulog na tulog talaga sya dahil naririnig ko pa ang mahinang hilik nya.
Ang amo talaga ng mukha nya pag natutulog. Ang peaceful tignan. Hindi ko naman ang napigilan ang sarili kong lapitan sya, umupo ako sa may bandang ulunan nya at hinaplos ang buhok nya. Ang lambot nito, alagang alaga. Hinahaplos ko ang buhok nya habang nakatingin sa mukha nyang tulog.
Gustong gusto ko talaga ang lalaking to.
Naalimpungatan pa sya, nagising siguro sa haplos ko. Nanlaki pa ang mata nya ng makita ako. At halos matawa ako ng bigla syang bumangon at inayos ang boxer shorts nyang umangat, kala ko nabasa ito ng tubig kanina, hindi pala. Dinaklot nya pa ang jersey sa gilid ng sofa at dali daling sinuot yon.
"A-anjan ka na p-pala." napakamot pa sya, nahihiya.
"Sexy, witwiw." pang-aasar ko pa sa kanya. Mas lalo naman syang namula. Tumayo na sya sa pagkakaupo at humarap sa akin. "Ang aga mo ah." sabi nya pa na nagkukusot ng mata. Napalunok pa ako dahil sa nakikita ko. Nagtaka naman sya at napababa pa sa parteng tinignan ko.
"Shet." nasambit nya at tinakpan ang parteng iyon at dali daling tumalikod papunta ng cr. Di naman ako nakaget over sa nakita ko na naman. First time ko makakita nang ganon! 😲
Ang laki po, opo. CHAROT!
Pinaypayan ko pa ang sarili ko. Required ba talaga magkaron ng morning arousals ang mga lalake sa umaga?!
-------------------
"Kumain ka na? Kain tayo." aya nya pa sa akin. Gusto ko matawa dahil di nya ako tinitignan, nahihiya. Katatapos nya lang maligo. Maluwag na jersey at blue shorts ang suot nya. Ang cute cute nya sa sa suot nya. Nasa dining table kami, andun naman sya sa kitchen at naghahanda ng kakainin. "Anong gusto mo kainin?" tanong nya pa habang nagtitingin ng pwede kainin sa ref.
Nakaisip naman ako ng kalokohan. "Hmm, hotdog hehe." napangisi pa ako. Nakita ko pa ang pamumula nya at paggalaw ng adams apple nya sa paglunok. Natawa na ako ng tuluyan. "Wala na kaming hotdog eh. Di pa nakakapagrocery." sagot nya na di tumitingin sa akin. Natatawa talaga ako dahil naiilang sya.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.