Full Name: Sabrina Leonel De Guzman
Nickname: Sab
Age: 14
Birthday: June 18, 1997
Address: #4 NoForever St. Azelea Homes
Email Address: b0sz.mLdiTa24@yahoo.comFavorite Food: Pinatuyong adobo, tinola
Favorite Color: Violet and Blue
Favorite Song: 99's-00's songs
Favorite Singer: Jessica Simpson, Christina Aguilera, Britney Spears
Favorite Actor: Diether Ocampo
Favorite Actress: Claudine Barretto
Favorite Genre of Movie: Romance, Action
Favorite Movie: Dahil mahal na mahal kitaBinalik ko na kay Chloe ang slambook nya na pinasagutan nya sa akin. Andito kami ngayon sa quadrangle at pinapanood si Jade turuan ang mga bata. Tuwang tuwa naman tong Chloe na to dahil Kpop ang kanta. Adik talaga sa kpop kahit kelan .
Naega Jaeil Jal Naga
Naega Jaeil Jal Naga
Naega Jaeil Jal Naga
Naega Jaeil Jal Naga
Jae Jaeil Jal Naga
Beat
"Bambaratatata tatatatata beat!" biglang tumayo si Chloe at sumayaw, umisod ako palayo sa kanya dahil ako nahihiya sa pinag-gagagawa nya
"Bambaratatata tatatata oh my god!" kanta nya pa sabay hinampas ako. "Kabisado ko na shet! Nung isang linggo ko pa kinakabisado eh!"
"Ano ba title nyan?" tanong ko pa.
"I am the best! 2NE1 kumanta hehehehe." tugon nya pa.
"2NE1? Diba yun yung kumanta nang eh eh eh eh eh eh eh tueniwan?" kanta ko pa.
"Oo. Fire title non tanga! Hindi eh eh eh!" sabi nya pa.
"Alam ko tanga! Sila din ba yung kumanta nung nobody nobody but you?" tanong ko pa
"Hindi ah! Wonder Girls yon!" sabi nya pa
"Ah." nasagot ko nalang. Malay ko ba, di naman ako nakikinig nang kpop eh, wala akong maintindihan.
Napatingin naman kami kay Jade na nagtuturo nang step. "Ganito ah, 1,2,3,4 pagpag sa taas, and then sa baba, and then palo sa pwet!" sabi nya pa sa mga bata na hirap na hirap gayahin ang step nya.
Naisipan ko naman ayain sana si Neo dito sa quadrangle kaso baka may teacher sila. Wala kasing teacher ang section namin parehas ni Chloe. Si Jade naman ay excused na.
Hindi ko talaga alam pero kinabahan talaga ako kahapon sa usapan namin ni Neo, nung nabanggit nga nyang pinagmalaki daw nang tatay nya na nagkita sila nang babae nya. Alam kong hindi ako dapat kinakabahan dahil hindi naman ako konektado don pero bat kinabahan ako?
Nang matapos magturo si Jade ay nag-aya naman itong sumaglit sa canteen para bumili nang tubig. Maging hanggang sa pagbalik sa classroom ay lutang ako. Ewan ko ba, ginugulo ako nang usapan namin ni Neo kahapon.
Dumaan pa ang ilang subjects at lunch na. Tinanguan ko lang si Jade nung sabi nyang babalik sya sa quadrangle para magturo ulit nang sayaw. Bahagya pa akong nalungkot dahil walang Neo na pumunta sa room, kaya nagpasya na akong ako na ang pumunta. Pagkarating don ay may ilang estudyante pa ang lumabas hanggang sa makita kong naiwan si Neo mag-isa na may sinusulat sa papel. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Yoww! Wazzup?" bati ko pa sa kanya. Iniangat naman nya ang tingin sa akin at ibinalik ang tingin sa papel.
Sinundot sundot ko naman ang pisngi nya. Inangat mya uli ang paningin sa akin. "Okay lang ako." medyo malamig ang pagkakasabi nya non. Napakunot naman ang noo ko. May nagawa ba ako?
Ah baka tungkol sa kahapon. Di siya okay, sabi ko pa sa isip ko.
Hinintay ko pa muna sya matapos. Habang binabalik nya ang mga gamit sa bag ay nagsalita ako. "Sa field tayo ulit kain!" masiglang sabi ko pa.
"Sige lang." tipid na sagot nya. Hinayaan ko nalang.
Hindi ko sya maakbayan ngayon dahil sa inaasta nya, kaya naging tahimik ang paglalakad namin papuntang field. Maging sa pagkain ay tahimik kami, hindi nya nga automatic na inabot sa akin ang baon nya. Hinayaan ko nalang dahil may problema sya.
"Sorry." biglang usal nya.
Napatingin naman ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa akin at nakababa lang ang tingin sa pagkain. "Sorry kung medyo nasungitan kita. Nag-iisip kasi ako." dagdag nya pa.
"Oks lang nukaba. Kahapon palang alam ko na ang dahilan. Ineexpect ko na talaga na magiging ganyan ka." kahit hindi iyon totoo ay sinabi ko na. Para hindi na rin sya maguilty.
"Ipahinga mo muna ang utak mo kakaisip. Wag mong hayaang magswimming ang utak mo sa negative thoughts, idrain mo muna para mawala." biro ko pa at natawa naman sya.
Matapos kumain ay nahiga ako sa field. Sya naman ay yakap yakap ang tuhod. Gaya nang dati ay sinuntok suntok ko nang marahan ang braso nya. Natutuwa naman ako dahil hindi sya nagrereklamo. Hinahayaan nya lang ako.
Nung malapit na magtime ay tumayo na kami. Nauna naman sya sa akin. Nakatalikod na sya sa akin, kitang kita ko pa ang malapad nyang likod. Hindi masyadong payat si Neo, yung mukhang hindi naman malnourished. Tsaka malapad ang balikat nya, parang ang sarap sarap sandalan.
"Power hug!" napatigil pa sya sa paglalakad nung nagsalita ako at astang haharap na sana nang binigyan ko na sya nang backhug. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa likod nya. Ambango bango talaga ni Neo. Amoy downy, amoy na amoy ko rin ang pulbo nya sa likod. Hindi ata sya nagpapabango, well hindi na nya kailangan dahil ambango bango na nya.
Ngayon lang kasi ako nakaencounter nang lalaking ganito. Yung amoy downy. Mga kaklase ko kasi ay amoy pabango nang lalake na ang antatapang, masakit sa ilong. Gusto ko yung ganito, yung ansarap yakapin dahil ambango parang bagong laba.
"Huk!" napaingit sya nang buhatin ko sya. "Ansarap sarap mong yakapin Neo hehehehe." sabi ko pa.
"Oo na, hindi na ako malungkot. Niyakap mo na ako eh." dinig ko pang sabi nya. Nagdulot naman yung sakin nang kilig na 1/2. Opo 1/2.
Pinanggigilan ko pa ang yakap sa kanya at tuluyan nang bumitaw. Humarap naman sya sa akin nang nakangiti, litaw na litaw ang dimples. Hindi ko naman na napigilan na hawakan ang pisngi nya at pisilin iyon nang marahan. Ginagalaw galaw ko pa ang mukha nya. Natatawa na lang syang nakatingin sa akin.
"Ang cute cute mo! Nakakainis!" sabi ko pa.
"Ikaw din." sabi nya pa at pinisil din ang pisngi ko.
Hindi ko na po itatanggi, kinikilig na po ako nang 1 whole!
--------------
happe burdaii to meh !!!

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.