3

39 2 0
                                    

"Sino ba hinihintay mo jan?" tanong pa ni Chloe, mukhang naiirita na dahil kanina pa kami naghihintay sa pintuan nang Section 2.

"Basta makikilala mo rin! New friend ko, magugulat ka kung sino." sabay kinindatan ko pa sya

"Siguraduhin mo lang talagang magugulat ako ah! Yung tipong lalabas yung baga ko sa sobrang gulat!"

"OA mo gaga." tanging nasagot ko nalang. Inirapan nya lang ako.

Maya maya pa ay naglabasan na ang mga estudyante nang Section 2, agad kong hinanap ang pakay ko. Malamang si Neo ang pakay ko. Aayain ko sya dahil sabay nga kami maglalunch. Nang umonti na ang mga tao ay pumasok ako sa loob nang room. Anlamig naman dito, mas malamig kumpara sa room naming parang electric fan lang ang buga nang aircon. Iba nga naman talaga ang trato sa matatalino ano?

Nakita ko naman si Neo na seryosong nagsosolve nang Math problems. Hinila ko naman si Chloe na noon ay busy-ng busy sa kachat.

"Hindi daw papasok si Jade, tinatamad pumasok ang gaga-" napahinto si Chloe nung makita si Neo. Agad namang umangat ang mukha ni Neo mula sa pagkakayuko nang marinig ang malakas na boses ni Chloe.

"Shet! Sya yung new friend mo?!" gulat na tanong nya

"Gulat na gulat ah! Bat di lumabas baga mo?" pang-aasar ko pa

"Oo sya yung new friend ko. Neo si Chloe nga pala. Chloe si Neo." hinila ko pa ang kamay ni Chloe nung ilahad ni Neo ang kamay nya.

"Ah Neo, diba sabay tayo maglalunch ngayon?" sabi ko pa. Tinignan ako ni Chloe, nang-aasar na tingin.

"Ah o-oo, t-tapusin ko muna to, a-ayos lang ba?" tanong nya, medyo naiilang

"Sige lang take your time. May five minutes pa naman bago maglunch. Ano pala yang sinasagutan mo?" lumapit pa ako at sinilip ang papel na sinasagutan

Sa pagkakaalam ko X and Y axis chuchu yon. May line kasi na pacross doon na nakadrawing sa graphic paper na sinasagutan nya. Sa sa isang papel, dun nya sinasagutan ang equations.

"Ansakit naman sa ulo nyan. Tinamad nga ako sagutan yung ganyan ko eh, zero ako jan nung nakaraan." sabi ko pa sabay tumawa.

"Ah Neo, magpapasama lang ako kay Sab mag-cr saglit ah?" hindi nya na hinintay si Neo sumagot, hinila nya na kaagad ako sa labas at lumayo kaunti.

"Gaga ka! Di mo naman sinabi sakin na friend mo na si pogi sa ilalim nang puno! Pano nga ba kayo nagkakilala ha?" hinampas pa ako nito!

"Aray! Ambigat nang kamay mo! Pwede magpakwento nang di nanghahampas tangina ka!" inis na sabi ko habang himas himas ang brasong hinampas nya.

"Gaga kinilig kasi ako! Kwento mo na dali!" sabi nya pa.

Kinwento ko naman yung nangyari kahapon mula sa waiting shed hanggang bahay, nakailang hampas si gaga sa braso ko kaya binatukan ko na sya nang hard.

"Aray naman oh! Pero shet kang babae ka! Dumadamoves ka ah!" pang-aasar pa nito sakin. "Pero trip mo dai? I mean crush mo ganon?" tanong pa nito sakin

"Trip ko. Trip kong kaibiganin sya. Tsaka wala naman daw syang friends dito. Tara na nga! Baka tapos na si Neo don." hinila ko na sya pabalik nang Section 2. Naabutan naman namin si Neo na binabalik na sa bag ang libro at mga papel nya. Agad ko naman syang nilapitan

"Sa field tayo kain, ayoko sa canteen. Daming chismosa." natawa pa si Chloe sa sinabi ko

"Sure. K-kunin ko lang baon ko." kinuha naman ni Neo ang baunan nya sa loob nang bag.

Sabay sabay kaming lumabas na room. Magkasabay kami ni Neo habang nauuna naman si Chloe dahil may kachat. Tahimik lang kami habang papunta nang field.

"Di na ako makakasabay. May meeting daw ang English club, kelangan lahat nang officers." biglang lingon samin ni Chloe.

"Geh mauna ka na. Kami nalang magsasabay." sabi ko pa

"Tangina ni Maya, sige ang patawag nang meeting. Di na ako nakakain nang lunch dahil sa meeting na yan putragis." inis na sabi pa ni Chloe na umiba na nang way papunta sa library kung san gaganapin ang meeting nila.

"Sino si Maya?" tanong ni Neo nang makarating kami sa field

"President nang English club yon. Nagpapatawag nang meeting pag lunch dahil yun lang daw ang free time lagi. Strikta yan kaya di makaeskapo si Chloe lagi. Si Chloe naman ang secretary." paliwanag ko pa.

Umupo na kami sa field at binuksan ang mga baon namin. Favorite ko ang ulam ko ngayon, pinatuyong adobo. Ang kanin naman ay sinangag sa kawaling pinaglutuan nang adobo.

Napatingin naman ako sa ulam nya, gusto ko maglaway dahil tinola iyon.

"Gusto mo?" alok nya pa sa kin.

"Ah pwede ba? Hehehe" nahihiyang sabi ko.

Inabot naman nya sakin ang lalagyanan nya nang ulam.
Kumuha naman ako don konti. Inabot ko rin ang lalagyanan ko nang ulam sa kanya.

"Adobo oh. Baka gusto mo." alok ko. Kumuha rin sya nang isang piraso. Nagsimula na kaming kumain.

"San ka pala nag-aaral dati?" tanong ko.

"Home-school ako simula pre-school hanggang first year. Ngayon lang ako nakapag-school, nagkaron kasi nang problema." paliwanag nya pa.

Mukhang mabigat yung problema base sa tono nang boses nya, kaya di na ako nag-usisa pa.

"Hmm, kaya di ka sanay talaga makipag-usap sa tao." tango lang ang isinagot nya.

Tahimik kaming nagpatuloy kumain.

"Masarap yung tinola ah. Luto mo?" tanong ko

"Luto nang mama ko." sagot nya

Nung matapos kami kumain, niligpit na namin ang mga baunan namin at saka tumayo.

"Pst Neo." tawag ko sa kanya.

"Hmm, bakit?" tanong nya pa

"Tutulungan kita." nginitian ko sya

"Tutulungan saan?" takang tanong nya

"Tutulungan kitang makisama." sagot ko.

Napatingin sya sakin, nagtataka ang mukha nya. Nagdecide akong tulungan syang makisama dito. I just want to be his friend, hindi ko alam pero I have this feeling na masarap syang kasama

"Pano mo naman ako tutulungan makisama?" tanong nya.

"Edi sasamahan kita. Papakilala kita kung kani-kanino, ipaparamdam kong komportable ka sakin, hanggang sa matuto kang makisama." sabi ko sabay nginitian ko pa sya

--------------

To be continued.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon