34

22 0 0
                                    

Lutang kung lutang ako habang naglalakad. Iniisip ko pa rin kasi talaga yung nangyari kagabi. Tama bang mainis ako? Dapat kasi kinompronta ko nalang si Neo kagabi. Buset naman kasi Sab, inunahan mo ng inis.

Hindi ko alam kung pano ako nakapasok ng gate ng di sinisita ng guard, wala kasi akong ID. Di nya ata napansin. Habang naglalakad sa hallway ay malalim pa rin ang iniisip ko. Hinimay himay lahat ng hinuha.

Hindi naman ata tamang mainis ako dun sa nakita ko. Wala naman kaming label ni Neo eh. MU lang naman kami. Naiinis nga ako eh. Hindi naman nya tinupad yung pangako nyang liligawan nya ako. Eh ayoko naman sya tanungin.

Kaso kasi, mutual kami ng feelings eh.

So siguro may karapatan naman akong majirita at komprontahin sya about don. Ako ang gusto nya, pero nagpahalik sya sa iba. Nagpayakap pa.

Haysxcz. Di ko na alam jusq dai.

"Sab!" naputol pa ang malalim na pag-iisip ko nang may tumawag sa akin. Lumingon pa ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Peste. Si Nicole amputa.

Lumapit naman ito sa akin. "Sab right? Can I join you?" ambait naman neto. Boses at aura palang, sumisigaw na ang pagkamabait. Samantalang ako eh parang laging manunugod ng away ang aura.

"Sige lang." labas ata sa ilong na sagot ko. Naglakad na kami.

"Grabe, we're so busy kaya we can't join you on lunches. Plus yung rehearsals pa for mass demo. Grabe so tiring talaga!" kahit conyo ang pagkakasabi nya eh ambait pa din ng tono ng boses. Di maarte. Tsaka anong we can't join? Belong ka teh? Charot.

"Kami nga din eh." nasagot ko nalang.

"Grabe! Pag January talaga all of us are busy. Hey I'm gonna tell you something." napatingin naman ako sa kanya. May sasabihin daw eh.

"Hmm ano yon?"

Luminga linga pa sya sa paligid bago may binulong sa akin.

"I think I have a crush on Neo." kinikilig pang sabi nya. Nagpanting naman ang tenga ko at kumuyom ang kamao ko.

Hindi ata neto halata ang sa amin ni Neo ah?

"Grabe. Yesterday nga eh I opened up to him about my family issues. He gave me advice nga eh so in return I hugged him and gave him a peck on his cheeks." nakangiti pang kwento nya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ginawa mo yon?" kunot noong tanong ko.

"Uhm, yes." nagtaka ata sya sa expression ko.

"Ah." nasagot ko nalang. Nawalan ako ng gana makipag-usap sa kanya. Buti nalang at nakarating kami sa tapat ng room nya.

"See you later Sab!" pwe! Ayaw kita makita. Tinanguan ko lang sya at dumiretso na rin sa room ko. Bwiset! Aga aga sinisira araw ko! Sabagay di ko naman sya masisi. Di naman sya aware na may something kami ni Neo.

"Oh aga mo bakla." bumungad sakin si Jade.

"Himala? Wala ka sa faculty?" tanong ko.

"Mamaya na raw ako pumunta pag lunch." sagot naman nya. "Aga aga nakabusangot ang mukha? Lulukot mukha mo nyan habang buhay sige ka."

"Jade penge nga advice." sagot ko. Umupo naman kami.

"Oh ano naman ba yan? Di ako si Charo ah."

"Kasi ganto. Pag nakita mo ba na niyakap at hinalikan yung taong gusto mo maiinis ka? Pero wala kayong label nung taong gusto mo ah? MU lang ganern." sabi ko pa.

"Teka lang." humarap pa sya sa akin. "You mean hinalikan at niyakap si Neo nang kung sino mang girl tas nakita mo?"

Lah. Ambilis naman nito makahula.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon