16

22 0 0
                                    

"Una na po kami tita." paalam ko pa sa mama ni Neo.

"Oh sya, mag-ingat ha! Tingin sa kanan at kaliwa pag tatawid." bilin pa nito. Lumapit pa si Neo rito upang humalik.

"Mag-iingat anak ha! Wag magpapapawis masyado, yung bimpo mo sa likod wag mo tatanggalin. Pag basa na papalitan mo ha?" inabutan pa sya nito nang 200pesos. "Oh ayan, yan idagdag mo sa 200 mo para 400 na yan." sabi pa nang mama ni Neo, grabe sana ganyan din si mama ano? Inabutan nya lang ako nang 200 din kanina, buti nalang may natira pa sa baon ko na 150 kay 350 pera ko ngayon.

"Kulang pa ba yan? Dagdagan ko wait-" kukuha na sana ang mommy nya ulit nang pera pero pinigilan nya na. "Okay na to mommy. Idagdag mo nalang yan sa pamasahe mo yan mamaya." tanggi pa ni Neo. Ambait namang anak, kung ako yan di ko na tinanggihan yan.

"Okay okay. Ingat mga anak ha? Mag-enjoy!" tuwang tuwa pang sabi ni tita. "Natutuwa talaga akong makilala ka Sab." hinawakan nya pa ang pisngi ko. "Ingatan mo ang baby boy ko ah." bilin pa nito.

"Mommy!" nahihiyang saway ni Neo sa mama nya.

"Opo naman tita. Hindi ko papabayaan tong anak nyo." pinat ko pa ang ulo ni Neo. "Sige ho, una na kami."

"Mag-ingat ha!" kaway pa ni tita. Maya maya pa ay naglalakad na kami papuntang school, dun kami magkikita kita. Tanging footsteps lang ang maririnig, tahimik lang kaming naglalakad.

"Bat mo ko tinititigan kanina?" tanong nya na bumasag sa katahimikan.

Bigla akong kinabahan. Kasi naman eh! Angwapo gwapo nang mukha nya nung natutulog sya, mukhang anghel na hinulog sa langit pero nakaparachute para hindi maplakda ang mukha. Ang sarap titigan nang mukha nya. Maamo, mabait.

Opo, aaminin ko na po, crush ko na po si Neo. Sino ba naman kasing hindi tatamaan sa lalaking to? Gwapo, mabait, matalino. Mukhang inosente sa lahat nang bagay. Sya yung lalaking ideal type nang mga babae. Kahit yung pagiging mahiyain nya, nakadagdag sa kagandahan nang personality nya. Genuine magsalita, matured mag-isip. Aba'y bibihira nalang makahanap nang ganitong lalaki oy.

"Natutulala ka na jan?" bumalik lang ako sa wisyo nang tanungin nya ako uli.

"Ah wala! May naisip lang hehehe!" awkward na tawa ko pa. Maya maya lang ay nasa school na kami. Sa waiting shed lang kami naghintay.

"Okay lang ba tong suot ko?" tanong nya pa. Napatingin naman ako sa suot nya, simpleng plain white shirt lang at dark blue shorts na hindi sayad sa tuhod ang suot nya. Nakasandals lang sya. Simpleng damit pero lutang kung lutang ang pagiging gwapo nya. Ilang beses ko bang sinabing gwapo sya? Gwapo naman talaga sya!

"Alam mo Neo, kahit anong suot mo, ang gwapo mo." hindi ko na napigilang sabihin.

"Ha? T-thank you." nahihiyang sabi nya, napakamot pa sa batok at medyo namula. Ang cute!

"Yung mga katulad mo, cute na gwapo." dagdag ko pa.

"Sab!" may tumawag sa akin, si Maya pala iyon kasama si Leah. Lumapit naman sila sa amin.

"Kanina pa kayo? Sorry medyo natagalan, traffic hehe." paumanhin pa ni Leah.

"Okay lang. Kakarating lang din namin halos. Tara na?" tanong ko pa.

"Oo, para makauwi din tayo nang maaga. Babalik pa kasi kami dito sa school dahil finafinalize na namin lahat for rehearsals." paliwanag pa ni Maya.

"Balak sana namin sa ukay ukay nalang, since isang beses lang naman gagamitin. Okay lang ba yun?" tanong pa ni Leah.

"Okay na rin yun, para mas makatipid." sabi ni Neo.

Nung makarating kami sa ukay ukay ay agad na kami naghanap nang damit. Bale ang kailangan ay long coat at bowler hat for Neo, dress na kulay baby blue para sa akin, at black cape na may hood para rin sa akin. Medyo mahirap hanapin yung cape pero itatry namin. Naghiwa-hiwalay kami para mabilis maghanap. Nagtitingin pa ako nang damit nung lumapit si Neo.

"Nakakita ako nang sky blue na long dress, mukha naman syang baby blue." napatingin ako don. Hanggang sakong ko iyon, pa tube ang style, ang palda ay deretso lang, mukhang maganda. Sinipat ko ito sa akin, sakto lang sa tangkad ko. Kinuha ko iyon sa kanya.

"Leah okay na ba to?" lumapit pa ako kay Leah at pinakita ito.

"Oo pwede na to! Maya tignan mo!" tawag nya pa kay Maya na may hawak nang long coat. "Hmm pwede na! Tsaka malapit naman na ang kulay sa baby blue. Sukat mo Sab." kahit ayaw ko ay dumiretso ako sa dressing room. Buti nalang talaga at nakashorts ako ngayon, hindi hassle. Nang masukat ay lumabas ako. Napanganga naman sila nung makita ako.

"Ang ganda mo Sab! Bagay sayo!" puri pa ni Maya. Napatingin naman ako kay Neo na diretso ang tingin sa akin. Nagagandahan ata sakin? Kinilig ang obaryo ko sa naisip.

Pumasok na ulit ako nang dressing room para hubarin ang dress. Nang makalabas ay inabot ko iyon kay Maya. Sinukat din ni Neo yung long coat at bowler hat na nakita ni Maya. Bagay sa kanya sobra. Ngayon ay long cape na may hood nalang.

May nakita naman ako dun na cape pero pula. Nilapitan ko iyon at tinignan. Mukha naman syang bagay sa dress. Sabi kasi ni Maya ay may pagkamisteryosa daw ang character ko sa play.

"Ang ganda mo kanina."

Kinilig naman ako nang one whole! Andito sa tabi ko si Neo at tinitignan ang cape. Nagulo ang buhok nya nung sukatin ang hat, hindi nya ata naayos. Napatingin naman sya sakin nang ayusin ko ang buhok nya. Yumuko pa sya para mas maayos ko.

"Gala muna tayo mamaya." suggest ko. Sana pumayag sya.

"San naman tayo pupunta?" tanong nya.

"Ayoko sa mall. Pangmayaman lang don. Jan lang tayo sa may plaza. Kain tayo street foods." sabi ko pa.

"O sige." pagpayag nya. Napangiti pa ako.

"Maya pwede na ba to?" gusto ko tong pulang cape eh. May pagkamisteryosa din naman ang dating neto.

Sinipat pa iyon ni Maya. "Oo nga no, bagay tong cape sa dress mo." sabi pa nya. "Sige ito nalang. Kakausapin ko nalang yung script writer mamaya."

Nang mabayaran na lahat ay nagpaalam na sila Maya at Leah na babalik nang school. Naiwan naman na kami ni Neo sa labas nang shop.

"Tara na!" sabi ko pa. Nagulat ako nung bigla nyang hawakan ang kamay ko. "San ba yun banda?" tanong nya.

"Malapit lang yun dito. Makalampas lang nang drugstore jan." sagot ko pa

Magkaholding hands kami habang naglalakad. Assumera na kung assumera pero feeling ko eh magjowa kaming dalawa.

Nagtaka naman ako nung bigla syang umupo nang hindi sumasayad ang pwet sa sahig. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Sampa ka." sabi nya.

"Ha?"

"Sampa ka sa likod ko."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Gusto ko lang itry." sagot nya. Sumampa naman ako sa likod nya, ala piggy backride. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg nya at pinatong ang baba ko sa ulo nya. Bango naman nang buhok neto.

Naglalakad na kami habang nakasakay ako sa likod nya. Pinagtitingan kami nang mga tao pero wala akong paki. Kinikilig ako bat ba.

---------------

Sorry po sa lutang na update.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon