"The rehearsals starts at 4pm. You're dismissal is at 3:30pm, so you have 30 minutes to grab your snack, or to go home. Just make sure that you'll be on time." sabi pa ni maam sakin.
"Write your complete name and signature on the space provided below the agreement. Make sure to read what was indicated on the waiver before signing it, proof that you agreed to participate for the Musical Play." tinuro pa ni Miss Cabral kung san pipirma. Pinaderetso nya kasi ako faculty nila pagkauwian dahil ibibigay nya raw sakin ang waiver.
"This one is for your parents, make sure that they will sign it, and they will agree to let you participate. Pass it to me by tomorrow." sabi nya pa. Takte malamang papayag yung mga yon, minsan nalang talaga ako may magawang matino.
"Thank you po Maam." polite muna tayo ngayon mga tsong.
"You're welcome! I'm really glad you agreed to do the role. Actually, I really saw your potential when I first saw you." nginitian naman ako ni Miss. "It's just that you don't attend club meetings regularly, why is that?" biglang salubong na kilay na tanong nya!
Anak nang! Napansin nya pa yon?
"Ah kasi po Miss, a-ano, h-hehehehe-"
"Nevermind." biglang sabi nya. "Make sure to do your best, and attend your rehearsals regularly. You may go."
"Thank you po miss!" pasalamat ko pa. Agad naman na akong naglakad palabas nang school, nasa waiting shed sila Jade at Chloe, naghihintay. Hindi ko pala nasabihan si Neo ni maghintay din, sayang :(
"Naks naman! Kanina may paayaw ayaw ka pa ah, ngayon, wow! Tinanggap mo na!" pang-aasar pa ni Chloe pagkalabas na pagkalabas ko
"Ikaw kasi namoka." inis na sabi ko
"Luh?! Bat ako?! Ako ba nagpa-audition sayo ha?!" natatawang tanong nya
"Malamang sinuggest mo ko dun kay Maya at Leah!" sabi ko pa
"Tanga! Diba nagkakakanta ka sa hallway?! Yun yung kwento samin ni Leah eh! Sabi daw ni Miss Cabral sa kanya!" sabi pa ni Jade
"Ayan concert pa! HAHAHAHAHA!" hagalpak nilang tawang dalawa kayo pinagbabatukan ko sila
"Mga depungal kayo! Tulungan nyo ko dito ah! Tae ayoko talagang tanggapin eh, kanina wala na akong kawala don, pag umalis ako bigla baka ma-armalite ako nang bunganga ni maam!" inis na sabi ko.
"Mukhang wala ka na talagang magagawa dai! Yaan mo tutulungan kita jan. Aba, best actress ata to!" nagyayabang na sabi ni Jade
"Oo, at sa sobrang best actress mo, napapaniwala mo ang teacher pag nagdadahilan kang may sakit ka! Eh ang totoo tinatamad ka lang naman!" hagalpak pa kami nang tawa sabay umuwi na
Buti nalang wala akong naririnig na nag-aaway pagkarating ko palang sa gate. Pagpasok nang bahay, naabutan ko si mama sa sala at naglilista nang mga may utang sa kanya.
"Oh! Dumating ka na pala. Nag-aral ka naman ba nang maayos?" salubong ang kilay na tanong nya, nakapamewang pa!
Kinuha ko mula sa bag ko ang waiver na pinapapirmahan ni maam at inabot sa kanya. Nagtataka namang syang inabot iyon.
"Ano na naman to?! Na principal's office ka?!"
"Basahin mo muna kasi!" inis na sabi ko pa.
Binasa nya pa muna ang waiver, at nagugulat na tumingin sa akin. "Kasali ka sa musical play? Ikaw pa ang lead role? Anton! Halika rito!" tawag nya pa kay papa na nagluluto pala sa kusina. Lumabas naman ito sa kusina, may hawak pang tsanse. Lumapit naman ito kay mama na ipinabasa rito ang waiver.
Pagkuwa'y biglang ngumiti si papa! "Aba'y makikita kita sa stage kung ganoon!" malamang musical play nga. "Aba'y manonood kami nang mama mo ha!" sabi pa nito na tuwang tuwa sa akin, ginulo pa ang buhok ko.
Napaayos naman ako sa buhok na ginulo ni papa. "Basta siguraduhin mo lang na hindi ito makakaapekto sa pag-aaral mo. Sige papayagan ka namin." pangaral pa ni mama. Kinuha pa nito ang ballpen, at pinirmahan ang waiver.
Wala na talaga akong kawala, takte!
---------------------
..hAi bAd eVning ?!!! wLa nA tLagA aq0h kwALa !!!? >.<
pLug pLug !!! :)))
name: jade mendoza
>mqAndA !!
>mbAiT !!
>cHix !!!
>mPagmHaL<3
>m0t0liTe pNgmTgaLan !!!!!pM nYu: 09123456789
#GM
#bAd3p
#boSz.mAlDitA.beNtEkuWatR0Sinend to many ko na sabay. May nagtext naman agad.
'baba ka dito'
Number lang, di nakasave sa contacts ko. Sino to?
'hu U p0h ?' reply ko
Ilang segundo lang eh nagreply ito.
'si Neo to'
Muntik ko na matapon yung cellphone ko sa gulat! Andito sya?! Sa baba?! Sumilip ako sa bintana.
Nge! Andito nga sya!
Nakaupo sya dun sa gutter sa tapat nang bahay. Agad naman akong lumabas nang kwarto at maingat na bumaba, para di magising sila mama.
Nang makarating ako sa gate, dahan dahan ko namang binuksan ang gate, iniwasan umingit para
hindi makagawa nang ingay. Hindi ko masyado sinara para makapasok ako nang mabilis mamaya.Agad naman syang tumayo nang makita ako. Dun ko lang napansin ang suot nya. Sando at boxer shorts, kulang nalang maging panty short na sa sobrang ikli.
Napalunok pa ako, anlapad naman nang balikat nito, broad shoulders wao.
"Anong ginagawa mo dito? Tsaka pano mo makuha number ko?" bungad na tanong ko sa kanya.
"T-tinanong ko si Chloe." sagot nya
"Ahh. Ano yan?" tanong ko sa hawak nyang folder.
"Ibibigay ko sayo. Diba nahihirapan ka sa math?" seryosong tanong nya. Naaninag ko ang mukha nya. Mukha syang malungkot. Bakit kaya? Inabot ko naman ang binigay nya sa akin. Binuklat ko iyon.
"Modules ko yan nung naghohome school pa ako. Advanced lessons kasi ang tinuturo sa akin nang tutor ko non. Lahat nang topics nyan topics natin ngayong second year. Sinulat ko na rin jan kung pano gawin." tinignan ko yung ilang papel na nakaattach don, nakasulat nga don kung pano gawin yung equation sa ganito, sa ganyan, tagalog pa para mas maintindihan.
Natouch naman ako. Pumunta pa talaga sya dito para iabot ito, gustong gusto nya talaga akong matulungan.
"Thank you Neo ah! Hayaan mo aaralin ko talaga to! Anlaking tulong nito pramis! Thank you talaga." sabi ko pa.
He just gave me a sad smile. May problema nga ata talaga sya?
"Neo okay ka lang?" di ko na napigilan magtanong. Nag-aalala ako kasi anlungkot nya. Bilang friend nya ay handa akong damayan sya.
"Uuwi na ako. Kita nalang tayo bukas." sabi nya pa, tatalikod na sana sya nung tinawag ko sya.
"Neo, sandali." sabi ko pa
"Hmm?" tugon nya pagkaharap.
Lumapit ako sa kanya para yakapin sya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko, pero may maya lang ay naramdamang niyakap na rin nya ako pabalik.
Ramdam na ramdam ko ang bilis nang tibok nang puso ko, parang nasa karera nang kabayo sa sobrang bilis. Marahan ko namang hinaplos ang likod nang ulo nya, kinocomfort sya. Sa ganito man lang paraan, maibsan ko ang lungkot na nararamdaman nya.
"Hangga't kaibigan mo ko, ako ang magcocomfort sayo sa tuwing malulungkot ka. Pag may problema ka magsabi ka sa akin ah?" sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang likod nag ulo nya.
Naramdaman ko naman ang pagtango nya. "Thank you." sinserong sabi nya.
Napangiti naman ako.
--------------
To be continued.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.