Kabanata 2

219 20 5
                                    


"Ate, are you really that excited to live in Manila? Parang ready ka nang sumali sa zombie apocalypse sa itsura mo eh!" Cariza was laughing annoyingly beside me in the car. Itinuturo pa niya ang eyebags ko. Ngayon kasi nila ako ihahatid sa apartment dahil simula na ng pasukan namin bukas.

Umirap ako sa kanya. I'm still so sleepy dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Damn that movie! Kada pumipikit ako naaalala ko ang itsura ng mga characters doon sa Insidious 3! Puyat na puyat tuloy ako ngayon.

"Your eyebags are waving at me, Ate." Sinubukan niyang ituro ang mga mata ko pero agad kong hinawi ang kamay niya. She laughed and waved her hand instead. "Hello there, my ate's eyebags! Palaki lang kayo diyan."

"Atleast mas maganda pa rin kesa sayo! And will you please shut up!? Ang ingay mo!" Irap ko sa kanya.

She stuck her tongue as a response. Isip bata!

My little sister is beautiful. I always even think that she's more beautiful than I was. But, of course, I wouldn't tell her that. She'd surely be overwhelmed so much kapag sa akin niya mismo narinig iyon.

She also has a great fashion sense, siguro dahil fan siya ng KPop. She actually likes following the fashion trend in KPop industry. Laging nasa uso ang mga damit niya. Kung titingnan mo siya, hindi mo iisipin na siya iyong bunsong anak na mahilig mang-asar sa bahay. The duality, ugh!

Napatingin ako sa unahan at napansin ang pagngiti nina Mama at Papa habang nag-aasaran kaming magkapatid. I pouted. I'll surely gonna miss them.

Ngayon lang nagsi-sink in sa akin na simula ngayong gabi, magkalayo na kami. Pwede naman akong umuwi 'pag weekends at kapag hindi busy pero syempre iba pa rin 'yong katulad ng dati na palagi ko silang kasama.

Ano ba 'yan! Wala pa nga pero nalulungkot na kaagad ako.

"Czai, are sure you brought everything you need? Baka may mga naiwan ka pa sa bahay?" Nawala ako sa pag-iisip nang nagsalita si Mama sa unahan.

"Yes, Ma. I doubled check them po." I assured her with a smile.

Sa sobrang antok, nakatulog na ako sa sasakyan noong pumasok kami sa SLEX. Mabuti na rin at tinigilan ako ni Cariza dahil napansin niya ring wala talaga ako sa mood makipagbiruan.

I don't know for how long we traveled. Ginising lang ako ni Cariza noong naka-park na ang sasakyan namin sa harap noong apartment.

I yawned and inhaled deeply as I stared at the cute house in front. Parang sumasakit na kaagad ang ulo ko nang naalala kung sino ang makakasama ko sa bahay simula ngayong araw na ito. Can't this life get any better?

Pero wala na akong time mag-isip pa dahil binuksan na nina Mama ang sasakyan. Dad brought my luggage and other bags. Si Cariza naman ang nagdala ng mga comforter ko at mga unan. The rest, ako na ang nagdala.

Mom immediately hugged Tita Dianna as soon as we entered the house. Napansin ko rin ang isang batang babae na tahimik na nakaupo sa sofa at kumakain ng gummy bears. Kamukha niya si Tita. Sobrang cute niya, opposite sa Kuya niyang mukhang gago!

"Kanina pa ba kayo rito?" Tanong ni Mama noong maghiwalay sila.

They looked so happy seeing each other again. Kunsabagay, maliban noong huli kaming nagkita rito, it's been years since they last interacted. Sabi ni Mama naging busy rin daw kasi silang pareho sa kanya-kanyang mga buhay at nagkaroon ng ibang mga prayoridad kaya medyo nawalan sila ng komunikasyon.

"We just arrived. Nauna lang siguro kami ng 30 minutes sa inyo. Nakakapagod ang byahe." Tita Dianna turned to us. "Hello, pretty young ladies." She kissed me on my cheek as well as Cariza.

Twisted Fate (TS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon