SS001: Kailan by MYMP
Street lights. Windy night. Earphones on and volumes up.
Everything is set.
Suot-suot ko sa balikat ko ang aking gitara habang sumasakay sa jeep. Gabi na. Ibig sabihin lang n'on, oras ko na para mag-trabaho.
"Manong, bayad po."
Inabot ko ang pera ko sa katabi ko at siya na ang nag-abot n'on sa katabi niya hanggang sa makarating 'yon sa driver.
Nang makapagbayad ay itinuon ko na ang tingin ko sa labas at tahimik na nagmasid sa lahat ng taong makikita ko sa kalsada at sa mga kotseng hindi ko alam kung saan patungo.
Oras na ng pag-uwi ngayon. Maaaring ang iba ay nasa kani-kanila nang tahanan at kumakain kasama ng kanilang pamilya. Samantalang, ang iba naman ay papunta na sa kanilang trabaho kagaya ko.
Life has never been easy for people who's less fortunate kaya kailangang kumayod. At dahil nga isa pa lang akong estudyante ay wala akong choice kundi ang pa-gig gig lang muna para makatulong sa'king pamilya.
Ako at si Mama na lang ang magkasama kaya talagang puspos ako sa pag-aaral at pinagbubuti ko ang trabaho para may maiabot pa rin ako sakaniya.
"Neng, saan ka bababa?" Tanong ni manong.
Sinabi kong sa tabi na lang kaya d'on niya rin ako ibinaba.
Mula sa labas ay kitang-kita ko na ang malalaking letterings na nasa itaas ng building ng bar kung saan ako may gig ngayong gabi.
ROCK & DESTROY.
Napapailing pa rin ako habang naaalala kung kaninong bar ba ito at kung bakit ganito ang pangalan ng kaniyang bar.
Huminga ako ng malalim bago inayos ang gitara ko. Tuloy-tuloy lang ang pagpasok ko dahil kilala naman na ako rito.
"Cy!" Napalingon ako sa taong tumawag sakin at nakitang iyon ang babaeng may-ari ng bar na ito.
"El," ngumiti ako. Bineso naman niya ako bago lumingkis sa'king braso.
Eleny is one of those fortunate kind of people pero kahit na gan'on ay hindi mo makikitang malaki ang ulo niya dahil sa mga bagay na meron siya. She's my schoolmate kaya kilala ko siya.
Eleny is the typical mean girl kung physical ang pagbabasehan but deep inside she's kind. She wouldn't let me sing at her own bar if she's not. I must say, that I'm lucky to have a friend like her.
"Ikaw pala ngayon, 'no? Hatid na kita sa dressing room mo." Ngumiti lang ako at nagpahila sakaniya.
Nang makapasok ako ng dressing room ay halos hindi pa rin ako makahinga dahil sobrang ganda ng buong lugar.
Hindi naman ako isa sa sikat na banda o isang special guest pero sa simpleng gesture lang ni Eleny ay nanlalambot ang puso ko.
"Iiwan muna kita rito, ha?" Sabi niya at tinapik ang aking braso.
Hindi na ako nakasagot sakaniya dahil tuluyan na siyang nakalabas ng silid. Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Hindi naman ako gan'on kagaling mag-ayos at hindi naman necessary pero para lang masabing maayos ako ay ginawa ko na.
Nakarinig ako ng palakpakan at ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagtawag sa'king pangalan.
"Let's welcome, The Rock and Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal!"
I almost closed my eyes because of the neon lights and their applause but every time I see the microphone in front of me, I can't help but to feel relaxed. It has been my safe haven ever since.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...