SS003

837 23 2
                                    

SS003: Together by Ne-Yo

"Good morning, party people!"

Napabangon ako nang marinig ko ang malakas na tili ni Arie. Nilingon ko pa sila Aeika na malakas pa rin ang hilik. Talagang bagsak sila kagabi, 'no?

"Arie!" Saway ko sakaniya nang magtatatalon siya sa kama.

Anong oras na ba? Hinanap ko ang cellphone ko sa side table at nakitang 9 AM na ng umaga. Late na pala. Hindi ito ang usual na gising ko.

Tumayo ako at inayos ang buhok ko. For sure, lahat kami ay mukhang sabog dahil sa itsura namin.

"Cy," yumakap sa'kin si Arie. Hindi man siya magsalita ay alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Nandito lang kami," bulong ko.

Sinamahan niya akong bumaba ng kwarto dahil halata namang ako talaga ang magluluto para sa amin.

"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ni Arie na nakahalumbaba sa'kin, pinapanood akong magluto.

Umiling ako dahil wala naman talaga. Wala akong schedule sa school ngayong sabado.

"Pero aalis ako," sagot ko sakaniya.

Naging mabilis lang naman ang pagluluto ko dahil usual breakfast lang naman ang niluto ko para sa amin.

Fried rice, ham, hotdogs at pinagtimpla ko kami ng kape.

Nasa akto na ako ng paghahanda ng agahan namin nang sunod-sunod nang dumating sila Aaliyah sa hapag.

Lahat sila ay magugulo ang buhok. Hindi mo mahahalatang may ambag din ang pamilya nila sa lipunan. Ito 'yung isa sa mga moments na alam kong mas kilala ko pa rin talaga sila kesa sa mga taong nakakasalamuha nila.

"Hep!" Pagpipigil ko nang akma na silang kukuha ng pagkain. "Pray muna tayo."

Ngumiti sila sa'kin, halatang antok pa at nagsimulang magdasal.

At nang matapos ay wala akong choice kundi ang makipag-unahan din sa kanila dahil kung hindi ko sila uunahan ay ako ang mauubusan.

"May mga lakad ba kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

Akala mo nagdo-dorm kami dahil ako ang nasa pinaka-unahang kabisera, dahil nga ako ang "ate" kaya ako ang nasa pinaka-harapan kung saan nakikita ko silang lahat.

"Wala, bukod sa vlog vlog." Sagot ni Aaliyah.

"What if, mag-challenge tayo diyan sa vlog mo, Al?" Singit ni Saffia.

Nagtanguan naman silang lahat bilang pagsang-ayon habang nanatili lang akong nakikinig. Mostly, gan'on ang ginagawa ko since minsanan lang naman talaga akong sumingit sa kanila. Pero kahit na gan'on ay sinasabayan ko sila sa trip nila.

"Hmm, what about i-challenge natin si Cy?!" Tili ni Aeika. Napailing na lang ako. So childish. I still love her, though.

"Yeah, I agree with that. So that Cyrelle could have some spice in her life." Napapalakpak si Luella.

Sa huli ay pumayag naman sila sa challenge kuno sa'kin. Talaga nga naman ang mga batang 'to, oo. Ang lalakas ng loob. Kung mag-usap, akala mo wala ako rito. Pero kung sa ikakasaya naman nila, handa akong ibigay 'yon.

"Okay, so, we'll challenge Cyrelle for today's vlog. Ang tanong, anong klase naman?" Tanong ni Aaliyah.

Umiinom ako ng tubig nang magsalita si Arie.

"Dapat may isang lalake siyang mapapaharana niya sa kaniya!"

Nasamid ako. What the hell?

Nailapag ko ang baso sa lamesa at hinarap silang lahat. "Wag 'yon, iba na lang. Mahirap!"

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon