SS002

992 32 2
                                    

SS002: Count On Me by Bruno Mars

Tutok sila sa panonood ng Netflix nang makapasok ako sa condo unit ni Arie. Medyo natagalan pa 'ko kasi dumaan pa ko sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng pinapabili nila.

Agad tumayo sila Aeika at Saffia para salubungin ako. Pareho pa silang pumapalakpak at nagtatatalon na parang mga bata. Saming anim, silang dalawa talaga 'yung may pagka-childish at softie. Si Aeika nga lang ang mas malala sa kanilang dalawa kasi feel na feel niya ang pagiging bunso niya sa barkada.

"'Di ko alam kung nandito kayo para damayan si Arie, o para lang talaga uminom." Sabi ko nang tuwang-tuwa na nilang kinuha sa kamay ko ang mga plastic bags ng alak at snacks.

Nginitian lang ako ng matamis ng dalawa bago na pumunta sa kitchen area.

I rolled my eyes heavenwards bago binaba ang hawak kong guitar bag.

"Si Arie?" Tanong ko kila Luella at Aaliyah na nakaupo lang sa couch habang busy pa din sa panonood.

"Inside her room." Luella answered, "Be careful not to drown in her tears. Almost like a river." Pahabol niya pa na halata ang sarcasm.

Napangiti na lang ako ng tipid at umiling.

"Alright," sagot ko. Englishera kasi 'yang si Luella dahil laki sa ibang bansa, kaya napapa-english din kami 'pag kausap namin siya.

Busy si Aaliyah sa phone niya kaya 'di ko na ginulo. Youtube influencer kasi 'yan kaya laging nakabantay sa mga social media accounts niya.

Tinungo ko na ang daan papunta sa kwarto ni Arie. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago ito binuksan. Nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko ito bago lumapit sakanya. Nakahiga lang siya sa kama at nakatalukbong ng kumot.

"Arie, what happened?" Pangangamusta ko nang makaupo na 'ko sa gilid ng kama niya.

I heard her sniff bago nagtanggal ng nakatalukbong na kumot sa kanya.

I sighed, "You look like a mess." I honestly said.

Ako ang pinakamatanda sa aming lahat. Basically, the "ate" of the group. I'm straightforward when it comes to them. Lahat ng pwedeng i-tama sakanila, harap-harapan ko 'yung sinasabi.

Arie wiped the tears that are rolling down her cheeks. Kumuha pa siya ng tissue sa side table para punasan ang buong mukha niya. I helped her by tying her hair into a bun dahil halos bruha na siya tignan.

"Spill." I said. Ready to lend all my attention to her story.

"Na-ghost ako." She said with all honesty, even though I saw a bit of shame in her eyes. Nahihiya siyang ipaalam sa iba kung anong nangyare sakanya, for sure.

"Hey, it's fine. It's his loss." I said while patting her shoulder.

"Akala ko siya na e." Lumungkot muli ang mukha niya.

Arie is the hopeless romantic type among us. Laging kailangan ng katuwang sa buhay. 'Pag wala kasi siyang boyfriend na nakakasama niya at nag-ga-guide sakanya, she feels that she's lost.

"Who's this stupid guy this time?" I asked.

"Ethan Montefierro," sagot niya.

Montefierro? Sounds familiar. Pero 'di ko masyadong maalala. Kaya huminto muna ako saglit para subukang alalahanin.

"Seriously?" She looked at me as if she cannot believe my confused expression. "'Di mo kilala? Montefierro 'yon. Hello?"

Nagsipasukan bigla dito sa kwarto 'yung apat kaya nalipat panandalian sa kanila ang atensyon namin.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon