SS033

704 19 4
                                    

SS033: Patawad, Paalam by Moira Dela Torre

I wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.

["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.

I shut my eyes tightly before trying to massage my temples. Sumasakit na ng sobra ang ulo ko sa problemang 'to.

"Can we just work nang hindi magkasama? I mean, through email na lang?"

I felt stupid when I realized what I just said. Ano ako, bata?

Idelle sarcastically laughed. D'on na ako napabangon mula sa pagkakahiga at napaupo na lang habang nakasandal sa headrest ng kama.

["Cyrelle, you're more than that. Get your thoughts straight. You're disappointing me."]

I sighed. This is one of the moments where Idelle acts more superior than me. Mas matanda naman talaga siya. Mas may authority din sa personality niya kung ikukumpara sakin. I'm the founder and she's the co-founder pero kadalasan ay mas mukha pa siyang founder kesa sakin.

"Fine. I'll sort things out, okay? Don't worry about me and this project. Tuloy 'to."

D'on na natapos ang paguusap namin. I went outside my room after that to refresh my system. Napangiti naman ako nang maabutan ko ang mag-ina na nanonood ng movie sa sala. Kierence looks like she's really enjoying eating popcorn, mas nakatuon pa siya d'on kesa sa pinapanood.

"Uy, Cy! Dali, tara dito. Nood tayo movie!" tawag sakin ni Aeika.

I just smiled at her and waved my hand. Tumungo ako sa kitchen para kumuha ng tubig na maiinom. I tried to think of a possible way to solve my problems. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nagpigil na lang ng paghinga ko bago pinindot ang unblock button sa tabi ng pangalan ni Xyvier sa facebook. I exhaled dramatically after that. Kumuha ako ng wine at wine glass bago na dinala iyon sa kwarto ko.

I opened my laptop and started creating drafts for my work. But then it became a failure dahil halos wala pa akong alam sa kung ano bang balak nilang mangyare sa album. Halos wala din akong napala nung nag-meeting kami sa building ng agency nila dahil umuwi na ako pagkatapos ako kausapin ni Xyvier.

Sa huli, wala na akong ibang choice kundi i-message si Xyvier. I opened my messenger and searched for his name bago nagtipa ng icha-chat ko sakanya. We're still not friends yet sa fb dahil kaka-unblock ko pa lang sakanya. I'm just hoping na nagche-check siya ng message request. Wala na akong sapat na kakapalan ng mukha para i-add pa siya.

Humiga ako ulit para tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala nang biglang mag-vibrate ang phone ko. I immediately checked for it and saw a notification from messenger. I opened it and saw a reply from Xyvier!

 
Me: Hi?
Xyvier: Hello
 
  
Napangiwi ako dahil sobrang dull ng reply niya. 'Hello' lang? Wala man lang period or any punctuation marks. Grabe, wala man lang effort.

Pero on the other side, 'Hi?' lang din naman ang ni-chat ko. So anong inaarte ko? Ang sarap batukan ng sarili ko minsan.
  
  
Me: I just wanna ask something related to work.
  
  
I tried my best to make it appear professional. 'Yung hindi niya mami-misunderstand at straight to the point na about work lang. Minutes later, nagreply din siya agad.
 
 
Xyvier: Ask me anything
 
  
Hindi ko alam pero napabuntong-hininga ako. Ako pa yata 'yung nagbibigay ng kulay sa mga sinasabi niya. Ask me anything... Does that mean pwede kong itanong kung mahal niya pa ako? ...Fuck. I'm such a loser.
  
  
Me: About our collaboration song... Patungkol saan siya? Para makagawa na ako ng lyrics. Tapos mag-brainstorm na lang tayo 'pag nag-meeting ulit.
  
  
Lumipas ang ilang minuto pero wala pa din siyang reply. Naiinip na ako kakahintay at maya't maya ang pag-check ko sa phone ko to the point na nawe-weirduhan na ako sa sarili ko kaya lumabas muna ako ulit.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon