Postlude

1.3K 42 13
                                    

Postlude: Sad Song by We The Kings

I will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.

It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.

Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an island.

But that was before she came.

"Bro, tignan niyo. 'Di ba taga-school natin 'yang babaeng kumakanta sa stage?"

I tilted my head on the side when I heard what Zed said. Bago niya pa man mabanggit iyon ay kanina pa ako nakikinig at nanonood sa pamilyar na babae sa harap. Sinasarili ko lang pero masyado niyang nakuha ang atensyon ko. And it's great, for me, that Zed was able to familiarize the girl.

I raised my glass of bourbon and brought it to my mouth as I take a sip on it. My eyes never left the sight of the girl ever since she came up on that stage.

"Oo nga, parang nakita ko na din 'yan. Ang ganda." Stan commented.

Pabagsak kong binaba ang baso ko na halos ikinagulat nilang lahat na nakapalibot sa table namin. It was a sudden move and I'm not fully aware that I will do that. Tinitigan ko na lang ng diretso si Stan bago na umabot ng shot glass ng tequilla para inumin ito.

"Lahat na lang kasi sa'yo maganda." Maarteng banggit ni Frea na parang nandidiri kay Stan.

Tumawa lang si Stan bago na sumandal nang tuluyan sa headrest ng couch.

"Sinabi ko lang na maganda. Pero plain. Not my type," he pursed his lips after.

Gusto kong umalma pero ayokong ipahalata ang kung anumang namumuo sa isip ko ngayon. This girl, at the stage, is really messing up with my head right now. I don't know if this is just the alcohol or what, but she's drawing me near her.

"Ah, kasi gusto mo 'yung mga wild," tawa ni Izrael.

Nakitawa na lang din ako at hindi na sila pinansin pagkatapos. Binalik ko na lang ang tingin ko sa harap at umabot ng beer. Puta, halo-halo na mga iniinom ko.

Sakto na nakatingin din dito sa gawi ko ang babae. I focused my eyes more on her, at hindi naman siya nagpatalo. Napangiti ako ng madilim. This girl is really something. I don't know about us but we were just staring at each other's eyes all throughout her set.

Sa mata ni Stan ay siguro nga plain siya. Pero para sa akin ay hindi. Iyong boses niya pa lang at talento sa pag-gitara ay sapat na para tratuhin ko siyang kakaiba. I wanted that kind of woman. We're just the same. We're working while studying. I liked the way she perseveres.

Pagkababa niya ng stage ay agad akong napatayo. Nagkatinginan pa silang lahat sakin. Tangina, I don't want to look like I'm gonna run after some random girl, but I'm perfectly sure that's what's gonna happen. Lalo pa akong nag-panic nang makitang palabas na siya ng pinto.

"Excuse me," saad ko at naglakad na.

Diretso kong tinungo ang pinto ng R&D. Napaka-daming tao kaya ang hirap din magki-kilos. I was already half-running when I reached the door. Para na akong masasawi nang paglabas ko ay hindi ko na siya makita.

"Kuya!"

Lumingon ako sa sumigaw at nakitang sinundan ako ni Frea.

"Frea, go back," pagpapabalik ko sakanya sa loob.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon