SS012: Para Sa'yo by Parokya Ni Edgar
From: Xyvier
I'm already at our musical play practice.
P.S. Missing you.
I smiled after reading his text. Kasalukuyan akong nasa cafeteria at kumakain kasama ang mga bestfriends ko. Ngayon na din ang time ko para maikwento ang lahat sakanila. And I'm sure they won't let me go this time hangga't 'di ko nailalahad lahat, kahit pa ang mga pinakamaliit na detalye.
The heart to heart talk that Xyvier and I had yesterday was still fresh in my mind. And I don't know but I just feel so happy at tila ang gaan lang ng lahat. Para akong naglalakad sa mga ulap at walang problema. Gan'on ba talaga kapag unti-unti ka nang naliliwanagan na lahat ng daang tatahakin mo ay paniguradong papunta lamang sa taong gusto mo?
He also promised me that he will give me updates of what he's doing from time to time. Para hindi na daw ulit mangyare iyong nakaraan na nagkaroon kami ng misunderstanding. I told him he doesn't need to, I don't want to control his life or something. Pero sabi niya ay iyon naman talaga ang gusto niyang gawin kaya wala na akong nagawa. Kaya iyan siya at maya't maya ang text sa akin.
"Ang ganda naman ng ngiti na 'yan. Ngiting may kalandian."
Nagising lang ako sa pagde-daydream nang baragin na naman ako ni Aeika.
"Alam mo, panira ka." pagtataray ko sakanya.
"Porket may Xyvier ka na." pagsingit naman ni Saffia.
Uminom na lang ako sa juice ko at nagtipa ng irereply ko kay Xyvier. Nakwento ko naman na lahat sakanila at satisfied na sila. Kaya ayan at medyo tahimik na sila at inuubos na lang ang pagkain nila.
To: Xyvier
Goodluck sa practice niyo.
Pinag-isipan ko pang mabuti kung magrereply ako ng "miss you too" pero 'wag na muna. Nagmumukha akong masyadong marupok. Pero syempre ang totoo miss ko talaga siya.
Unti-unti ay ibinibigay ko ang tiwala ko kay Xyvier tulad ng hiniling niya. Pero this time, I'll be more careful. Hindi ko alam ang pwedeng mangyare 'pag sinaktan niya ko. I can't even imagine how much it will hurt. I still have my guards up but I'm very much willing to give him a chance.
Nagulat naman ako nang bumungad sa screen ng phone ko ang incoming call ni Xyvier. Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.
"Akala ko may practice ka?" bungad ko.
["Yeah, pero may ten minutes pa to prep. I just wanna ask something."]
Kita ko na pinagtitinginan na ko ng mga kaibigan ko kaya medyo tumagilid ako at hininaan ang boses ko. Nakakahiya talaga 'pag pinagchichismisan ka ng mga 'to e.
"What is it?"
["We have a gig later. Somewhere in QC. Kung walang kang gagawin... Would you like to come and watch?"]
I can hear his hopeful voice. And who am I to say 'no'? I mean, wala naman akong gagawin. Tsaka I would love to watch them perform. They are such a good band.
"Sure. After class?" napakagat pa ko sa ibabang labi ko dahil medyo nakaramdam ako ng kilig nang ma-imagine kong mapapanood ko ulit siya sa stage.
"Kagat-labi pa nga." parinig ni Aaliyah kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
["Yes! Sabay na tayong pumunta. Just wait for me outside your classroom."] pansin na pansin sa boses niya ang tuwa.
"Okay." nahihiya pang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...