SS008: La Vi En Rose by Shanne Dandan
Ilang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa ring mahanap na salita.
"So, where do you wanna go next?" Xyvier asked. Nandito na kaming dalawa sa kaniyang chevrolet. Kanina pa kaming walang imikang dalawa. Para bang binibigyan niya muna ako ng panahon para mag-sink in sakin lahat ng sinabi niya kanina.
I mean, sino bang hindi mapapaisip d'on? Maraming tao kanina at alam kong aware siya r'on. Plus the fact that his family has a say when it comes to politics. Isa siya sa mga Montefierro. At kapag sinabing Montefierro, sinisigaw n'on ang kapangyarihan.
And me? I'm nothing but a college girl with high hopes. Mataas ang aking pangarap at marami akong gustong mangyari sa buhay ko. Would that be enough? And why am I thinking about these things? Hindi kami pwedeng dalawa ni Xyvier... at hindi ko alam kung bakit masakit sa puso ang katotohanang iyon.
Bumalik lang ako sa realidad nang maramdaman kong may marahang tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Xyvier na ngayon ay may pag-aalala na sa kaniyang mga mata.
"What are you thinking?" he asked, worried.
Umiling lang ako at lumunok. Hindi naman niya siguro nabasa ang iniisip ko 'di ba? Mabuti na lang din at hindi na nakipagtalo pa sa akin si Xyvier at umayos ng upo.
"Where do you wanna go now?" tanong niyang muli.
I looked at my wrist watch that says that it's already 7:00 in the evening. Ganoon ba talaga katagal ang oras ng pagsasama namin mula kaninang umaga? Sa huli ay sinabi ko na lang kung saan kami pupunta.
"Idaan mo muna ako sa apartment. Kukuhanin ko lang ang gitara ko. I still have a gig sa R&D tonight." malumanay ang boses kong sinabi.
Hindi naman siya umimik at sinunod lang ang gusto ko. Sa buong byahe ay hindi kami nagsasalitang pareho. Iniisip pa rin ba niya iyong nangyari rin kanina?
"Cy," tawag ni Xyvier.
"Hm?" sagot ko. Hindi ako lumingon sa kaniya. Ayokong mapaso sa paraan ng kaniyang pagtingin.
I can see in my peripheral vision that he was biting his lower lip. Nasa daan ang tingin niya ngunit panaka-nakang tinitignan ako. Na para bang sa paraang iyon ay makukuha niya ang atensyon ko.
"Just so you know... I'm really sincere about what I've said earlier... I hope you will not judge me dahil lang napagkamalan mo akong may girlfriend na iba. Ayokong isipin mong kagaya ako ng ibang lalake." he muttered under his low husky voice.
Halos mapapikit naman ako d'on. I'm charged guilty dahil totoo ang kaniyang sinabi. I doubted him the first time I saw him at kaya rin ayokong idikit ang sarili ko sa kaniya ay dahil sa parehas na dahilan.
Hindi na siya nagsalitang muli kaya naman nang makarating kami sa apartment ay akala ko'y hindi na niya ako pagbubuksan ng pinto gaya nang ginawa niya kanina. But I was wrong... sinalubong niya ang tingin ko ng kaniyang tingin.
Ang emosyon sa kaniyang mga mata'y hindi ko mapangalanan. Pinaghalong sakit, pag-asa, pagmamahal at pagkagusto ito. Hindi ko na alam ang totoo.
I cleared my throat. Nagbabaka sakaling tumabi na siya sa aking daraanan ngunit hindi niya ginawa. Instead, he placed both of his hand beside me and placed his hand on my cheeks. Halos mapapikit ako sa paraan ng kaniyang paghaplos.
Naramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi at ang kaniyang paghinga sa aking leeg. Halos mapudpod ang labi ko sa pagkakagat nito.
I felt him kissed the side of my lips at pumitik na ang pasensyang kanina ko pa pinanghahawakan. Humaplos ang kamay ni Xyvier sa aking braso pababa sa aking baywang at ang isang kamay niya ay humaplos sa aking leeg at tuluyan na akong hinalikan.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...