SS004: Come Inside of My Heart by IV of Spades
"Ma, alis na ko." Paalam ko sa nanay ko bago lumabas ng bahay.
Busy siya manood ng teleserye na paborito niya kaya 'di ko na ginulo.
Tumingin ako agad sa group chat namin nila Arie nang makasakay ako ng jeep. Ngayon ko lang kasi 'to mache-check mula kaninang umaga. Nag-asikaso na muna kasi ako bago nag-online sa cellphone ko.
Bago pa man ako makapag-backread ay napansin ko nang parang may pino-problema silang issue ngayong araw. Medyo nagpa-panic na nga sila base sa mga chat nila. Kaso mga one hour ago na 'yung last chat ni Aaliyah tapos naka-seen na sila lahat. Nabanggit pa ni Aaliyah ang pangalan ko d'on kaya lalo akong na-curious.
Hindi ko pa din ma-gets masyado ang pinag-uusapan nila kasi masyadong mahaba 'yung dapat kong i-backread. Pero sa pagkakaintindi ko sa ngayon, about 'yon sa vlog daw na ginawa namin n'ung sabado. Pero 'di na ko natuloy sa pagbabasa kasi kailangan ko nang bumaba ng jeep.
Diretso akong naglakad papasok ng school pagkababa ko ng jeep. Nagmamadali na 'ko kasi gusto ko nang ituloy 'yung pagba-backread sa group chat. Pero sa sobrang pagmamadali ay may nabangga ako habang naglalakad ako sa hallway.
I heard a chuckle from the man I bumped into habang tinutulungan niya 'ko sa pagpulot ng dalawang libro ko na nahulog.
"You're always this clumsy?" He asked. The voice was familiar. Low tone and a bit husky. I know that voice...
Nang dumiretso ako ng tayo ay naitingala ko na din ang ulo ko at bumungad sa;kin ang ngisi niya. Agad nanlaki ang mga mata ko. I wasn't able to hide my shock.
"Cyrelle, right?" He said that like it wasn't a question but a statement.
"Pasensya na. Nabangga ulit kita." Paumanhin ko.
He just chuckled again. Pagkatapos ay may parang tinanaw siya sa bandang likuran ko at nagtaas ng kamay.
"Dito, bro." Medyo malakas na sabi niya. Parang may tinatawag.
Sinundan ko ng tingin ang tinatanaw niya at nakita kong may lalakeng papalapit na sa amin. May guitar bag din na nakasabit sa balikat nito.
"Sino 'yan? Bago mo?" Salubong n'ung lalake nang makalapit sa'min.
Natawa lang si Xyvier at nagkamayan sila. Kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung kapatid niyang si Constantine. May parang binulong pa saglit si Xyvier kay Constantine bago ito tumango.
"Ah, the girl in that vlog." Sabi n'ung Constantine habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
I felt disgusted for a moment dahil sa pagtingin niya. Aktong maglalakad na 'ko para makalayo na sakanila pero pinigilan ako ni Xyvier.
"May klase ka na ba?" Tanong niya.
Huminto ako saglit at 'di ko napigilan na magtaray.
"Oo," simpleng sagot ko.
"Hatid mo na 'yan sa room niya." Pang-aasar n'ung Constantine.
Tumawa lang ulit si Xyvier.
"Kapatid ko nga pala." Pagpapakilala ni Xyvier sakin sa kapatid niya.
Medyo naguguluhan na 'ko. Kasi parang kung tratuhin ako ni Xyvier ay close kami. Pero wala naman akong choice kundi tanggapin 'yung kamay ni Constantine na nakalahad na.
"Constantine," pakilala nito.
"Cyrelle." Sagot ko naman habang kinakamayan siya.
Napatingin na si Constantine sa guitar bag na dala-dala ko.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...