SS032

634 18 1
                                    

SS035: Paalam by Moira Dela Torre 

Walang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako.

"You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya.

"It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"What? Anong weakling pinagsasabi mo?" inis na sabi ko.

Pinatong niya lang ang siko niya sa bintana ng sasakyan sa gilid niya na nakabukas habang naglalaro naman ang mga daliri niya sa pang-ibabang labi niya. Ang yabang talaga ng isang 'to.

"Nagsisimula pa lang tayo." ngisi niya.

"I don't wanna play one of your games, Ethan."

"Admit it, you felt good when you saw his jealous expression." he tilted his head on the side and glanced at me.

Jealous expression? I don't think he'll be jealous. I mean, galit siguro, pwede? I left him. I left him without any words. I left him even if he begged me not to. Kung babalikan ko 'yung mga panahong 'yon, I could say I was heartless. Siguro sa sobrang pain, naging manhid na ako. Kaya nakapagdesisyon ako ng mga bagay na pinagsisihan ko din bandang dulo. Minsan napapaisip ako kung ano kayang nangyare kung binigyan ko siya ng chance? Ano kaya kami ngayon kung hindi ko siya iniwan? There's just too many questions in my head that were left unanswered.

I sighed before finally surrending. Ayoko na lang makipagtalo kay Ethan. Our topic is really exhausting for me.

"Eyes on the road." 'yon na lang ang nasabi ko na ikina-ngisi niya lang at agad ding sinunod.

Hinatid niya na ako sa condo ko at 'di na rin naman siya pumasok sa loob. Agad na din siyang nagpaalam dahil may mga importanteng lakad pa siya. Mag-isa na kong sumakay ng elevator para makapunta sa floor ng unit ko. I was walking towards my unit when I saw a kid in front of my door. Agad ko itong nilapitan at napangiti ako dahil sobrang cute niya. I kneeled in front of the kid and talked to her using my soft voice.

"Hi, kiddo. Are you lost?" tanong ko.

Ngumiti ito sakin bago lumingon sa gawing gilid niya. Tinaas niya ang isang kamay niya at iwinagayway na parang may tinatawag.

"Mommy, here!" she said.

Tumingin ako sa gawi na tinitignan niya at nakakita ako ng babaeng nakatalikod at parang may hinahanap. She has a short hair that's just above her shoulders and she's wearing a simple cream white sun dress. Nang marinig niya ang pagtawag ng bata sakanya ay lumingon siya dito. D'on lang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya.

"Aeika?!" I was beyond shock.

Ngumiti siya ng malawak sakin bago na mabilis na naglakad papunta sa harap ko. Agad nang kumapit sa kamay niya ang batang nasa harap ko at agad niya namang inipit ang mga takas na buhok ng bata sa likod ng tenga nito.

"Good job, Kie. High five!" masiglang saad niya sa bata at tuwang-tuwa naman ang bata nang i-high five siya.

"Is she your..." I can't even finish my sentence because of so much shock and confusion.

"My daughter, Cy. She's five years old now." ngiti niya.

Automatic na napa-compute ako sa utak ko at halos hindi na ako makapagsalita nang may namuo nang konklusyon sa isip ko.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon