SS030

621 19 4
                                    

SS030: Take Her To The Moon by Moira Dela Torre

"'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia.

Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie.

"Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie.

Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear view mirror. Iba talaga 'pag broken ang isang 'to, daig pa 'yung kinasal na kung magdamdam.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mag-play na ng kanta si Saffia mula sa stereo ng sasakyan ko. So Sick by Ne-Yo. Parang naghintay lang talaga si Saffia ng tamang moment para mag-play ng nakakalungkot na kanta para kay Arie. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Aray!" angil ni Saffia pero nakangiti naman ng malawak.

"Minahal ko naman si Stan, guys. Binigay ko naman lahat. Ano pa bang kulang?" at d'on na nagsimula ang pag-d-drama ni Arie.

"Gurl, 'wag kang iiyak. Masisira make-up mo!" pagpapatahan sakanya ni Aaliyah na may kasama pang gigil.

"Arie, it's our graduation day. Forget about the negative thoughts for now. Let's enjoy this moment." Luella said.

As if on cue naman ang pagbalik ng mga luha ni Arie sa mga mata niya. Suminghot lang siya ng konti at nagpunas ng tissue na inabot sakanya ni Aaliyah. Tapos para na siyang puppy na kinawawa ang itsura.

"Ikaw naman, kung 'di mo papalitan 'yang kanta, patayin mo na lang. Kung ayaw mo, ikaw na lang papatayin ko." sermon ko kay Saffia.

Nagpipigil ng tawa lang niyang tinigil ang kanta, tsaka na sumilip sa bintana.

"Malapit na tayo!" Saffia giggled like a child.

Napangiti na lang din ako. I'm feeling nervous and excited at the same time. Sobrang overwhelming ng tuwa to the point na hindi ko na malaman ang nararamdaman ko kung naiihi ba ako o ano.

Finally, I'm gonna graduate from college.

Yes, it has been months since that incident. We broke up.... just like that. That was also the last time I saw him. After n'on, wala nang communications. I chose to block him from all my social media accounts. Hindi naman sa bitter pero masakit pa tuwing makikita ko siya o may malaman lang akong balita tungkol sakanya. I guess it's better that way. I wanna give myself a peaceful life.

Madami ding nangyare sakin sa loob ng ilang buwan na 'yon. I stayed at the province until our sembreak ended. Actually, nag-extend pa ko ng break ko. I had to talk to my professors, almost beg to the strict ones. Sa huli, tinanggap nila ang excuse ko because it's about my mother. She was so sick, she almost died.

It became the turning point of my life. I just realized how naive and stupid I was when it comes to love. I was willing to give my all, wala akong tinira sa sarili ko. Kinalimutan ko lahat ng tao at bagay na nakapaligid sakin, I only focused to that one person. At first, sakanya ko sinisi lahat. That's how shallow I was. Pero nang tumagal, na-realize ko na kasalanan ko 'yon lahat. It was all on me. I make decisions with my own life. Kung may nagawa man akong mali, it's because I chose to do that. We all have choices in life. Whatever path we chose to take, we should take responsibility for it.

Loving Xyvier was a sweet torture. I loved him when he's at the worst part of his life. To make it simple; I loved Xyvier at his worst. I chose to break myself for him to be fixed. Parang kumuha ako ng mga parte sakin para itapal sa mga parteng sira sakanya. In the end, siya 'yung nabuo at ako 'yung nasira.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon