SS011

534 19 2
                                    

SS011: Ligaya by Eraserheads

We were both quiet the whole ride. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. I didn't even tried to face him, nakaharap lang talaga ako sa bintana. I felt teary-eyed but I really tried my best na 'di matuloy ang pag-iyak ko. Alam ko kasing mapapansin niya agad 'yon.

I wanna ask where we're going dahil 'di na ko pamilyar sa dinadaanan namin pero wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Sa huli ay hininto niya ang sasakyan niya sa harap ng isang apartment.

Nagtaka na ko nang tanggalin niya na ang seatbelt niya at nauna na siyang bumaba ng sasakyan. Hindi niya pa din talaga nakalimutan na pagbuksan ako ng pinto. Medyo mabagal pa ang pagkilos ko dahil naguguluhan na ako kung bakit nasa harap kami ng isang apartment. Pinanood niya ko habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.

Gusto kong magtanong kung sinong pupuntahan namin o kung kaninong apartment ito. Kasi parang imposible naman na sakanya dahil for sure ang mga kagaya niya ay nakatira sa mansyon o sa mamahaling condo.

Pagkababa ko ng sasakyan ay inikot ko agad ang paningin ko sa paligid. Sinarado niya naman ang pinto ng sasakyan sa likod ko. The place looks like a normal subdivision. Hindi ganoon kagarbo. Kumbaga, mga middle class ang nakatira.

Tinagilid ko ang ulo ko at tinignan siya nang mapansin kong pinagmamasdan niya lang ako habang tinitignan ko ang paligid.

"Follow me." aniya at naunang maglakad sakin.

Sumunod naman ako hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa apartment. Umakyat kami ng hagdan hanggang makarating kami ng third floor. Tumigil kami sa harap ng isang pinto at tuluyan na kong naguluhan nang maglabas siya ng susi at buksan ang pintong iyon.

"Pasok ka." malumanay na banggit niya at naunang pumasok.

Sumunod ako at tulad ng kanina ay siya rin ang nagsara ng pinto para sakin.

"So..." he uttered, "This is my house, Cy." pagtuloy niya sa sinasabi at naglakad na palapit sa maliit na lamesa sa harap ng couch para ilapag ang susi at bag niya.

I tried my best not to look so shocked. Mas pinili kong magpakita ng neutral na ekspresyon. Kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na mapanganga. I mean, why? This apartment that he owns is just the studio type ones. Hindi ganoon kalaki, para lang talaga sa isang tao. And to think that he's Xyvier Montefierro? This is really odd.

"I know you're confused." I heard him chuckled a bit.

Tinignan ko lang siya at sinubukang gawing kumportable ang sarili ko sa loob ng bahay niya.

"It's complicated," pagtuloy na paliwanag niya, "But I'm willing to tell you everything about me, Cy."

Hindi ko mapigilan na mapangiti ng malungkot pero sinigurado kong hindi niya mapapansin iyon. Naalala ko ulit ang ginawa niya sakin kanina. And it still make my heart sting.

"Maupo ka muna. Kukuhanan kita ng maiinom." aniya at pinaupo ako sa couch bago siya pumunta ng kusina.

Tanaw ko lang siya mula dito, tanging iyong divider lang na lagayan ng tv at iba pang mga kagamitan niya ang nagsisilbing hati mula sa sala at kitchen niya.

Tinignan ko muna ang phone ko kung may mga text. Kita ko naman ang mga text ng mga kaibigan ko. Pinapaalala nila sakin na dapat akong magkwento bukas. Napabuntong-hininga na lang ako.

Dumating si Xyvier na may dalang tray na may lamang dalawang orange juice. Nilapag niya ito sa mesa at agad ko namang inabot ang isang baso para uminom. Nilibot ko ang paningin ko habang umiinom dahil ayokong sakanya mapunta ang atensyon ko.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon