SS034: Your Universe by Rico Blanco
Tumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na.
"Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.
Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lumapit sakin para bumulong.
"And Xyvier was the one to approach first and say sorry." ani niya.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Xyvier asking for Supremo's forgiveness? That's odd. Knowing that Xyvier is a man of pride.
"Alam niyo..." Aaliyah blinked twice, lasing na habang tinuturo kami pero naduduling na, "Love changes people."
Nagtaas ng kamay si Aeika. 'Yung parang sasagot sa recitation sa klase.
"Totoo! We tend to be better for the people will love." proud pa siyang tumango-tango sa sarili niya.
I heaved a sigh before drinking my beer. Ang dami na naming nainom. Nagsimula kami sa hard liquors tapos ngayon nagbabanlaw na with beer. Kaya 'di na ko magtataka kung lasing na 'tong mga kausap ko. Imagine, ang bilis ang transition ng kwentuhan nila. Mula sa funny stories, biglang nagseryoso.
"Cy, kamusta na kayo? Kita namin 'yon kanina." Saffia wiggled her eyebrows at me.
Natawa ako. I don't know... Lasing na din yata ako. Umiikot na ang paningin ko and I feel sleepy already.
"Kita niyo naman talaga." tawa ko.
"So, are you two now okay?" Luella asked.
Saglit akong lumingon sa gawi ng kitchen. Sa gitna ng seryosong paguusap d'on ng mga lalake, I saw how Xyvier was staring intently at me. Hawak niya ang baso at parang agilang nagmamatyag sa pagkain niya. I smiled at him sweetly.
"'Wag lang talaga eepal ulit 'yung Mazie na 'yon. I swear, babalatan ko siya ng buhay!" um-acting pa ko na parang nagka-karate. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko.
Tinawanan nila akong lahat. Aaliyah and Saffia even fell on the floor. Kulang na lang ay gumulong-gulong sila d'on. Ako naman ay natatawa na lang din at uminom ulit sa beer ko.
"Guys, naalala ko!" Arie raised her beer, "'Yung pinahiya ni Xyvier si Mazie in public. Gagi, ang epic!"
Lumiwanag ang mga mata nilang lahat, except samin ni Aeika dahil wala kaming alam sa mga nangyare dito n'on.
"Oo, shet!" Aaliyah mirrored the excitement on Arie's face.
"Tawang-tawa ako kay Mazie n'on. Buti nga sakanya! Higad siya!" Saffia laughed.
I tilted my head on the side.
"What happened?" I asked out of curiosity.
Lumapit sila sakin, iyong parang may sasabihing sikreto.
"Sa gig 'yon ng The Mythicals, e. Dumating si Mazie na may dalang gift for Xyvier. Saktong pagkababa ni Xyvier ng stage, inabot ni Mazie 'yung gift. Tapos gagi binato ni Xyvier sa sahig tapos tinapak-tapakan niya. Bumalik siya sa stage para kumuha ng mic." kwento ni Arie.
"Tapos, nagsalita siya d'on sa mic, 'di ba? Sabi niya, 'Be warned of this girl, she's a relationship wrecker, she doesn't know how to fight fairly, she'll act low just to get what she wants.'." Aaliyah continued, talagang pilit niya pang ginaya ang boses ni Xyvier, "Oh 'di ba, kabisado ko pa!"
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...