SS021

513 15 2
                                    

SS021: Lover by Taylor Swift

"Cheers!"

Itinaas namin lahat ng mga baso namin at ipinagbangga ito. Xyvier decided to celebrate our relationship. Aniya'y isa sa mga biggest achievement niya ang sinagot ko siya.

Nasa VIP kaming lahat at kumpleto kami rito dahil pumunta rin ang mga kaibigan ko. Arie is with Stan. Aaliyah is with Zed. Luella and Saffia are also here. Pati si Eleny ay niyaya ko na din dahil bar niya naman ito at mukhang wala siyang ginagawa ngayon kundi mag-ikot sa lugar. Bukod sa magkakapatid sa banda ay nandito din sila Rafael, Cole, Spade at Yohan. But then, I remembered that Aeika and Caius isn't here. I felt sad dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay Aeika.

Natigilan ako sa malalim kong pag-iisip nang magsalita si Izrael. He's sitting prettily on the couch, naka-dekwatro pa in a manly way.

"Cy, talaga bang sigurado ka sa desisyon mong patulan 'to?" tanong ni Izrael habang nakaturo pa kay Xyvier at tumatawa.

Agad namang umasim ang mukha ni Xyvier dahil sa sinabi ng kapatid, "Ulol."

Napailing ako sa inasal ni Xyvier. Talagang ang hilig din magmura ng isang ito, 'no? Pero sabagay, hindi mabubuo ang pagkatao ni Xyvier kung hindi pasmado ang bibig niya.

Tinawanan lang siya ni Izrael at napailing, "Finally, bro. You got the girl."

Xyvier looked at me and smiled, "Of course, dude. Though she's already mine even from the very start," he snaked his arms around my waist and kissed the side of my head. "I love you, mi cielo." bulong niya malapit sa tenga ko.

Nagsigawan sila na parang kinikilig. Naghahampasan pa sila ng lamesa. Para silang mga high school students na pinansin ng mga crush nila. Talagang lumalabas 'yung mga kalokohan side ng Montefierro kapag ganitong okasyon. Kapag kasi sa ibang tao'y akala mo napakaseryoso nila sa buhay.

"Omg, I should record this! Isasama ko sa vlog." tili pa ni Aaliyah at nagmamadaling nilabas ang camera niya pang-vlog.

"Is it okay, guys?" tanong pa ni Zed.

Nagsitanguan na lang kami. Panigurado namang saglit lang silang magvivideo dahil alam naman nila kung pano kami bigyan ng privacy bilang hindi naman kami sanay sa buhay on-cam.

"Hi, guys! It's your babe, Aaliyah. And today I'm with Zed... As always." tumawa pa siya sa harap ng camera bago tinapat ito kay Zed na nasa tabi niya lang.

"Yo, people of the universe." bati ni Zed.

Namamangha lang kami habang pinapanood silang mag-intro sa vlog nila sa harap ng camera. Medyo hindi kami sanay na gumaganyan sila. I mean, hindi naman kami madalas na kasama nila 'pag nag-v-vlog sila, lalo na these past few months na sumikat na sila as a couple. Kadalasan ay silang dalawa ang magkasama at busy gumawa ng mga content nila.

"Today, official na si Xyvier at Cyrelle. Kaya nagcecelebrate kami. If you still remember them, sila 'yung nasa vlog ko dati na binura ko sa channel ko. For those viewers na 'di nakaabot d'on. That was a dare for Cyrelle na maghanap siya ng guy na manghaharana sakanya and then Xyvier was the guy who did serenade her." mahabang eksplanasyon ni Aaliyah.

Sa totoo lang ay natahimik kami. Pero 'di pa din naman tumigil ang pag-ikot ng baso. Nang iharap samin ni Aaliyah ang camera at sumenyas si Zed na kumaway kami ay sinunod naman namin agad 'yon.

"Aren't they such a sweet couple?" Aaliyah said in a dreamy voice, pertaining to me and Xyvier.

Ilang minuto pang nagtagal ang pag-record ni Aaliyah bago niya na pinatay ang camera at binalik ito sa bag niya.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon